wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test

Total questions: 40

Worksheet time: 38mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?

a)

Palaging nakasasalamuha ang kapuwa

b)

Paggalang sa karapatan ng bawat isa

c)

Tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap

d)

May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao

2.

Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi siya nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan sa paggawa?

a)

Ginagawa niya ng may kahusayan ang kaniyang tungkulin

b)

May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang trabaho

c)

Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap

d)

Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa

3.

Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon si Baldo?

a)

Masipag, madiskarte, at matalino

b)

May pananampalatay, malikhain, may disiplina sa sarili

c)

Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa

d)

May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili

4.

Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.

a)

Kasipagan

b)

Katatagan

c)

Pagsisikap

d)

Pagpupunyagi

5.

Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.

a)

Pag-iimpok

b)

Pagtitipid

c)

Pagtulong

d)

Pagkakawanggawa

6.

Si Jonas ay hindi umiiwas sa anumang gawain lalo na kung ito ay nakaatas sa kaniya. Ginagawa niya ito ng maayos at kung minsan ay higit pa na maging ang gawain ng iba ay ginagawa na niya. Hindi niya niya kailangang utusan pa.

a)

Pagiging mapunyagi

b)

Pagiging masipag

c)

Matipid o maimpok

d)

Paggamit ng oras

7.

Dahil malapit lang ang paaralan, nilalakad lamang ito ni Gelo.

a)

Pagiging mapunyagi

b)

Pagiging masipag

c)

Matipid o maimpok

d)

Paggamit ng oras

8.

Alin sa mga sumusunod na katangian ang dapat taglayin upang makamit ang kagalingan sa paggawa?

a)

Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga

b)

Pagkatuto bago gumawa at habang gumagawa

c)

Pagiging epektibo sa paggamit ng oras at pagtitipid

d)

Pagmamahal sa bayan

9.

Sa kabila ng kalamidad na nagpabagsak ng kanilang paaralan, hindi pa rin nawalan ng determinasyon si Jose na makatapos ng pag-aaral.

a)

Pagiging mapunyagi

b)

Matipid o maimpok

c)

Pagiging masipag

d)

Paggamit ng oras

10.

Anong pagpapahalaga ang ipinamamalas ng isang taong sinisiguradong may magandang kalidad ang kaniyang ginagawa?

a)

Kasipagan

b)

Malikhain

c)

Dispilina sa sarili

d)

Tiyaga

11.

Alin sa mga sumusnod ang hindi dahilan kung bakit kailangang mag-impok ng tao ayon kay Francis Colayco

a)

Para sa pagreretiro

b)

Para sa hangarin sa buhay

c)

Para sa proteksyon sa buhay

d)

Para maging inspirasyon sa buhay

12.

Si Mau ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga signatura ay may mga gawain o takdang aralin na kailangan isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya?

a)

Magtakda ng tunguhin

b)

Pamahalaan ang pagpapabukas-bukas

c)

Gumawa ng prayoritasasyon

d)

Bumuo ng iskedyul

13.

Tiningnan muna ni Viel kung kailangan niya ang isang bagay bago siya bumili

a)

Pagiging mapunyagi

b)

Matipid o maimpok

c)

Pagiging masipag

d)

Paggamit ng oras

14.

Binigyan ng award ng kanilang kumpanya si Aling Remy na siyang layunin niya. Ibinibigay niya ang kaniyang puso at buong pagmamalasakit sa kanyang ginagawa nang walang pagrereklamo

a)

Pagiging mapunyagi

b)

Pagiging masipag

c)

Matipid o maimpok

d)

Paggamit ng oras

15.

Si Lebron James ay isang kilalang manlalaro ng basketball. Pero bago siya nakilala sa larangan na ito, marami rin siyang pinagdaanan na rejection at kawalanan ng tiwala sa sarili ngunit nagsumikap siyang makilala sa larangang ito.

a)

Pagiging mapunyagi

b)

Pagiging masipag

c)

Matipid o maimpok

d)

Paggamit ng oras

16.

Ito ay pagpapakita na maabot o makuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis at determinasyon

a)

Kasipagan

b)

Katatagan

c)

Pagsisikap

d)

Pagpupunyagi

17.

Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?

a)

May "feeding program" ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang

b)

Kumakain nang sabay sabay ang mga miyembro ng pamilya

c)

Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing bahay

d)

May bumibili sa lahat ng paninda ng tindera sa pelengke upang makauwi ito nang maaga

18.

Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?

a)

Binubuo ng tao ang lipunan

b)

Magkasama na umiiral sa lipunan ang mga tao

c)

Mahalaga ang pakikipagkapwa sa lipunang kinabibilangan

d)

May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay

19.

Ayon sa Laborem Exercens, ang _______ ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito ay naisasakatuparan ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos.

a)

Paggawa

b)

Pagtitipid

c)

Pag-iimpok

d)

Pamamahala sa oras

20.

Sa nalalapit na araw ng mga puso, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti dekorasyon siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang

a)

Ang pag-unlad ng sariling kakayahan

b)

Ang pagsunod sa kalooban ng pamilya

c)

Ang magaganda at mamahaling materyales

d)

Ang pagtugon sa personal na kaligayahan na makukuha mula dito

21.

Ayon kay __________, isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at Karapatan ng kapwa

a)

Dr. Jose Rizal

b)

Dr. Manuel Dy

c)

Max Scheler

d)

Andre Comte-Sponville

22.

Ito ay kumikilala sa tunay na dignidad ng tao .

a)

Katarungang Panlipunan

b)

Pag-iimpok

c)

Kasipagan

d)

Pamamahala sa Oras

23.

Ito ay personal o interpersonal na ugnayan mo sa ibang tao

a)

Kalipunan

b)

Katarungan

c)

Kapuwa

d)

Kasipagan

24.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang institusyon?

a)

Kalipunan

b)

Katarungan

c)

Kapuwa

d)

Kasipagan

25.

Paano naipapakita ang tamang pagpapatupad sa katarungan?

a)

Ikulong ang hindi lumabag sa batas

b)

Tumawid sa tamang tawiran

c)

Patawarin ang hindi humingi ng tawad

d)

H’wag bigyan ng limos ang namamalimos

26.

Alin sa sumusunod ang tinuturing na pundasyon ng katarungang panlipunan?

a)

Sarili

b)

Diyos

c)

Lipunan

d)

Pamahalaan

27.

Isa sa mga katangian ng kagalingang paggawa na kung saan ang isang matagumpay na tao ay may mga pagpapahalagang humuhubog sa kaniya

a)

Nagtataglay ng mga kakailanganing kasanayan

b)

Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga

c)

Nagpupuri

d)

Nagpapasalamat sa Diyos

28.

Ito ay yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiya maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga gawain.

a)

Pagkatuto bago ang paggawa

b)

Pagkatuto habang gumagawa

c)

Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain

d)

Wala sa nabanggit

29.

Ito ay yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiya maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga gawain.

a)

Pagkatuto bago ang paggawa

b)

Pagkatuto habang gumagawa

c)

Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain

d)

Wala sa nabanggit

30.

Mapamahalaan mo ang oras dahil ito ay pirmihan (constant) na pasulong at hindi pabalikMapamahalaan mo ang oras dahil ito ay pirmihan (constant) na pasulong at hindi pabalik

a)

Tama

b)

Mali

31.

Negatibo ang konsepto ng maraming Pilipino sa katagang “Filipino Time”

a)

Tama

b)

Mali

32.

Bakit kailangan ang batas?

a)

Upang parusahan ang mga nagkakamali

b)

Upang matakot ang mga tao at magtino sila

c)

Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos

d)

Upang makontrol ng tao ang mga gawain ng makapagpapayaman

33.

Saan nag-uumpisa ang katarungan?

a)

Pamilya

b)

Barkada

c)

Paaralan

d)

Lansangan

34.

Ito ay pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto, at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto

a)

Kasipagan

b)

Tiyaga

c)

Masigasig

d)

Displina sa Sarili

35.

Ito ay bunga ng imahinasyon, mayamang pag-iisip at hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba

a)

Kasipagan

b)

Tiyaga

c)

Masigasig

d)

Malikhain

36.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa alam ang hangganan ng kaniyang ginagawa at mayroong paggalang sa ibang tao

a)

Kasipagan

b)

Disiplina sa sarili

c)

Masigasig

d)

Malikhain

37.

Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto, at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto

a)

Kasipagan

b)

Disiplina sa sarili

c)

Masigasig

d)

Malikhain

38.

Ito ay paraan upang makapag-save o makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa panahon ng pangangailangan.

a)

Pag-iimpok

b)

Pagtitimpi

c)

Pagtulong

d)

Pagkakawanggawa

39.

Ito ay paraan upang makapag-save o makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa panahon ng pangangailangan.

a)

Pag-iimpok

b)

Pagtitimpi

c)

Pagtulong

d)

Pagkakawanggawa

40.

Sa paaralan nang itinuturo ang pagpapahalaga sa oras

a)

Tama

b)

Mali