wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4th Quarter Reviewer sa Araling Panlipunan 4

Total questions: 40

Worksheet time: 2hrs 31mins

Name
Class
Date
1.

Aling kasulatan ang nagsasaad ng pagkamamamayang Pilipino?

a)

Naturalisasyon

b)

Saligang Batas 1987 (Article IV)

c)

Dual Citizenship

d)

Jus Sanguinis

2.

Ano ang tawag sa prosesong pinagdadaanan ng isang dayuhan upang makamit ang pagkamamamayang Pilipino?

a)

Pagkamamamayan

b)

Saligang Batas

c)

Naturalisasyon

d)

Dual Citizenship

3.

Anong prinsipyo ng pagkamamamayan ang sinusunod kapag ang lugar ng kapanganakan ang sinusunod anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang?

a)

Jus soli

b)

Jus sanguinis

c)

Dual Citizenship

d)

Naturalisasyon

4.

Si Julius ay anak ng isang Igorot at isang Ilokano. Naninirahan sila sa Maynila.

Si Julius ay isang ____________.

a)

mamamayang Pilipino

b)

dayuhan

5.

Nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing Mahal na Araw si Josh na isang Australyano. Si Josh ay isang ________.

a)

mamamayang Pilipino

b)

dayuhan

6.

Si Kapitan Ben ay isang sundalong Pilipino na naninirahan sa Mindanao. Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga rebelde at militar, siya ay tumakas kasama ang kanyang pamilya papunta ng Palawan.


Si Kapitan Ben ay isang ________.

a)

mamamayang Pilipino

b)

dayuhan

7.

Binigyan si G. Felipe ng pampublikong abogado para ipagtanggol siya sa kanyang kaso.


Ano ang tawag sa karapatang mayroon siya na ibinibigay ng pamahalaan?

a)

Likas na Karapatan

b)

Karapatan ng nasasakdal

c)

Karapatang Politikal

d)

Karapatang Sibil

8.

Tuwing halalan, hindi nalilimutan ni Shiela na bumoto sa kanilang lalawigan.


Anong karapatan ang kaniyang ginagawa?

a)

Likas na Karapatan

b)

Karapatan ng nasasakdal

c)

Karapatang Politikal

d)

Karapatang Sibil

9.

Ibinigay ng Pamilya Mendoza kay Amy ang pagmamahal na kailangan niya dahil siya ay isa ng ulila.


Anong karapatan ang ipinakikita sa pangungusap?

a)

Likas na Karapatan

b)

Karapatan ng nasasakdal

c)

Karapatang Politikal

d)

Karapatang Sibil

10.

Hindi pinigil ng kanyang ama si Iska na sumapi sa relihiyon ng kanyang napangasawa.


Ano ang karapatang ito na ipinapakita sa pangungusap?

a)

Likas na Karapatan

b)

Karapatan ng nasasakdal

c)

Karapatang Politikal

d)

Karapatang Sibil

11.

Nakita mong may kodigo ang iyong kaklase habang kayo ay may pagsusulit. Ano ang iyong gagawin?

a)

Magsasawalang kibo na lang ako.

b)

Makikikopya na rin ako para mataas ang makuha kong marka.

c)

Sasabihan ko siya na di tamang magkaroon ng kodigo.

d)

Magagalit ako sa kanya kapag hindi niya ako pinakopya.

12.

Nagdudulot ng mabahong amoy at usok ang pagawaan ng plastic sa inyong Barangay. Kung isa ka sa opisyal ng barangay, ano ang maaari mong gawin?

a)

Pagagalitan ko ang may-ari ng pagawaan.

b)

Ipapaalam ko ito sa tanggapan ng Punong Lungsod.

c)

Pupulungin ko ang mga kabaranggay at magrarally sa tapat ng pagawaan.

d)

Huwag na lang pansinin dahil hindi naman umaabot ang amoy sa inyo.

13.

Si Juan ay dating pulis ngunit siya ay nagretiro na. Isang araw, nagkaroon ng kaguluhan sa kanilang barangay. Ano ang dapat gawin ni Juan?

a)

Pagpapaluin ang mga nanggugulo.

b)

Habulin ang lahat ng nanggugulo sa lugar.

c)

Huwag na itong pansinin dahil hindi na siya pulis.

d)

Awatin ang mga nanggugulo at tumawag ng pulis.

14.

Masayang nagkukwentuhan sina Ana at Luis. Sa kabilang silid ay natutulog ang may sakit nilang kapatid. Ano ang pinakamabuti nilang gawin?

a)

Itigil na nila ang kanilang kuwentuhan.

b)

Ituloy ang kasayahan dahil karapatan nilang maging maingay.

c)

Hinaan ang kanilang mga boses upang di makaabala sa may sakit nilang kapatid.

d)

Ituloy ang kuwentuhan dahil karapatan nilang ipahayag ang kanilang damdamin.

15.

Madalas na walang pambili ng pagkain si G. Santos para sa kanyang pamilya dahil wala siyang trabaho. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Magpalimos sa daan

b)

Manghingi sa magulang

c)

Mangutang sa tindahan

d)

Maghanap ng pagkakakitaan

16.

Ibinili si Daniel ng kanyang tatay ng bagong gadyet. Dahil sa kasabikan ay araw-araw niya itong nilalaro. Tama ba ang ginagawa ni Daniel?

a)

Oo, dahil karapatan niyang maglaro.

b)

Hindi, dahil baka masira kaagad ang laruan.

c)

Oo, dahil ngayon lang siya nagkaroon ng gadyet.

d)

Hindi, dahil kailangan din niyang mag-aral at tumulong sa gawaing-bahay.

17.

May mga dumalo na nagkukwentuhan sa loob ng isang bulwagan. Magsisimula na ang Pambansang Awit bilang panimulang programa. Ano ang iyong gagawin?

a)

Huwag kumibo.

b)

Sumali sa nagkukwentuhan.

c)

Sawayin ang nagkukwentuhan.

d)

Sabihan ang nagkukwentuhan na tumahimik.

18.

Nakita mong tumatawid ang isang matanda sa kalye. Ano ang iyong gagawin?

a)

Alalayan ang matanda.

b)

Pabayaan siya at huwag pansinin.

c)

Sabihan siya na mag-ingat.

d)

Maghanap ng pulis na siyang tutulong.

19.

Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan upang mag-linis. Ano ang gagawin mo?

a)

Manood sa mga taong naglilinis

b)

Manatili sa kuwarto

c)

Sumali sa pag-lilinis

d)

Huwag ng pansinin ang naglilinis

20.

Tukuyin ang uri ng serbisyo ng pamahalaan.


Pagsasagawa ng free-dental chek-up sa mga liblib na lugar.

a)

KALIKASAN

b)

KALUSUGAN

c)

PAMPALAKASAN

d)

EDUKASYON

21.

Tukuyin ang uri ng serbisyo ng pamahalaan.


Pagsasagawa ng libreng operasyon para sa mga may bukol o tumor.

a)

KALIKASAN

b)

KALUSUGAN

c)

PAMPALAKASAN

d)

EDUKASYON

22.

Tukuyin ang uri ng serbisyo ng pamahalaan.


Pagbubuo ng liga para sa palaro sa inyong barangay.

a)

KALIKASAN

b)

KALUSUGAN

c)

PAMPALAKASAN

d)

EDUKASYON

23.

Tukuyin ang uri ng serbisyo ng pamahalaan.


Pagpunta sa komunidad ng mga Mangyan upang magturo ng pagbabasa.

a)

KALIKASAN

b)

KALUSUGAN

c)

PAMPALAKASAN

d)

EDUKASYON

24.

Tukuyin ang uri ng serbisyo ng pamahalaan.


Pagsama sa pagtatanim ng maliliit na puno sa Sierra Madre.

a)

KALIKASAN

b)

KALUSUGAN

c)

PAMPALAKASAN

d)

EDUKASYON

25.

Tukuyin ang uri ng serbisyo ng pamahalaan.


Pakikiisa sa programang “Clean and Green Project."

a)

KALIKASAN

b)

KALUSUGAN

c)

PAMPALAKASAN

d)

EDUKASYON

26.

Anong tungkulin bilang responsableng mamamayan ang ipinapakita sa ibaba?


Pagtawid sa tamang tawiran.

a)

Pagiging produktibo

b)

Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino

c)

Pagsunod sa batas

d)

Pangangalaga sa kapaligiran

27.

Anong tungkulin bilang responsableng mamamayan ang ipinapakita sa ibaba?


Si Ruel ay nagtitinda ng mga kakanin sa kanilang lugar pagkatapos ng klase.

a)

Pagiging produktibo

b)

Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino

c)

Pagsunod sa batas

d)

Pangangalaga sa kapaligiran

28.

Anong tungkulin bilang responsableng mamamayan ang ipinapakita sa ibaba?


Tinatapon ni Luz ang kanyang mga pinagkainan sa tamang basurahan.

a)

Pagiging produktibo

b)

Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino

c)

Pagsunod sa batas

d)

Pangangalaga sa kapaligiran

29.

Anong tungkulin bilang responsableng mamamayan ang ipinapakita sa ibaba?


Bumibili si G. Cruz ng mga tsinelas na gawa sa Bicol at kanya itong ipinagmamalaki sa mga kaibigang banyaga.

a)

Pagiging produktibo

b)

Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino

c)

Pagsunod sa batas

d)

Pangangalaga sa kapaligiran

30.

Anong tungkulin bilang responsableng mamamayan ang ipinapakita sa ibaba?


Ang alagang aso ni Mang Berting ay nakatali na sa kanilang bakuran.

a)

Pagiging produktibo

b)

Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino

c)

Pagsunod sa batas

d)

Pangangalaga sa kapaligiran

31.

Anong tungkulin bilang responsableng mamamayan ang ipinapakita sa ibaba?


Tumutulong ang pamilya ni Tonio sa paglilinis ng kanilang barangay.

a)

Pagiging produktibo

b)

Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino

c)

Pagsunod sa batas

d)

Pangangalaga sa kapaligiran

32.

Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong sa pag-unlad ng bansa?

a)

Gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

b)

Kumain ng masustansyang pagkain.

c)

Mag-ehersisyo kung kailan nais gawin ito.

d)

Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi.

33.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may tamang saloobin sa paggawa?

a)

Palagiang nagrereklamo sa gawain.

b)

Madalas magpahinga kahit oras ng trabaho.

c)

Ipinagpapaliban ang paggawa ng gawaing-bahay.

d)

Matipid sa paggamit ng mga materyales sa opisina o pabrika.

34.

Inutusan ka ng iyong magulang na bumili ng pagkain sa kabilang kanto na malapit naman sa inyong bahay. Ano ang iyong gagawin?

a)

Iutos ito sa nakababatang kapatid.

b)

Sundin ang utos ng magulang.

c)

Sundin ang utos at humingi ng kapalit.

d)

Padabog na sumunod sa iniuutos ng magulang.

35.

Si ___________ ang naglilok ng “ Oblation “ sa Unibersidad ng Pilipinas.

a)

Guillermo Tolentino

b)

Francisco Balagtas

c)

Lamberto Abellana

d)

Francisca Reyes

36.

Ang virus na kumakalat sa buong mundo na nagsimula sa Hubei, China.

a)

Ebola Virus

b)

Corona Virus/ COVID-19

c)

Chikungunya virus

d)

Measles

37.

Sinong sikat na Pilipinong pintor ang lumikha sa bantog na Spoliarium?

a)

Victorio Edades

b)

Fernando Amorsolo

c)

Juan Luna

d)

Carlos "Botong" Francisco

38.

Mahilig kang gumawa ng komiks at pangarap mong maging animator balang araw. Anong programa ng pamahalaan ang makakatulong sa iyo?

a)

Abot Alam Program

b)

National Greening Program

c)

K-12 Basic Education Program

d)

Technical Education and Skills Development Authority

39.

Naglunsad ang iyong barangay ng Greening Program. Hinihikayat ang bawat isa na magkaroon ng nursery sa bakuran. Ano ang iyong gagawin?

a)

Masayang makilahok sa programa.

b)

Magsawalang-kibo upang hindi mapansin.

c)

Sabihin sa barangay na hindi kayo marunong magtanim.

d)

Magpalista sa barangay ngunit di susunod.

40.
Si Aling Nena ay nakakatanggap ng pera bawat buwan mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ano ang dapat gawin ni Aling Nena dito?
a)
Ipambayad ito sa kuryente at tubig.
b)
Ibili ito ng mga kagamitan sa bahay.
c)
Ibili ng gadyet gaya ng cellphone at ipod.
d)
Gamitin ito sa pagpapaaral at pagpapagamot ng anak.