wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4th Quarter Examination Reviewer sa EsP 8

Total questions: 30

Worksheet time: 59mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa feminity o masculinity ng isang tao kaugnay sa kaugalian at ikinikilos at dapat ikilos ng isang tao.

a)

Sekswalidad

b)

katauhan

c)

kakayahan

d)

gender

2.

Ito ay kaugnay ng pagiging ganap na babae o lalaki ng isang tao.

a)

Sekswalidad

b)

katauhan

c)

kakayahan

d)

gender

3.

Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao upang maging ganap ang pagkababae o pagkalalaki.


Piliin ang kahulugan nito.

a)

Mahalaga ang pagpapakatao sa sekswalidad.

b)

Hindi magkatugma ang sekswalidad at pagkatao.

c)

Hindi moral ang tao na hindi buo ang sekswalidad.

d)

Ang lalaki ay dapat na lalaki sa sekswalidad at pagkatao, gayun din ang babae.

4.

“Ang tao ay tinawag upang magmahal”.


Ito ang natatanging bokasyon ng tao bilang tao.


Piliin ang dalawang daan tungo dito.

a)

Ang pagdadalaga at pagbibinata

b)

Ang pag-aasawa at ang buhay na walang asawa

c)

Ang pag-aasawa at pagiging balo

d)

Ang pag-aasawa at paghihiwalay

5.

Isang napapanahong isyu ang _______. Ito ay mahahalay o malalaswang babasahin o panoorin na may masamang epekto sa isipan ng tao na nahuhumaling dito.

a)

Teenage pregnancy

b)

Droga

c)

Pornograpiya

d)

Pag-inom ng alak

6.

“Junior High School” pa lamang si Laarnie ay mayroon na itong nobyo at minsan ay hindi mapigilan ang kapusukan ng kanilang damdamin na humahantong sa gawaing mag-asawa.


Piliin ang maaaring ibunga nito kay Laarnie.

a)

Teenage pregnancy

b)

Pagkahilig sa pornograpiya

c)

Teenage piracy

d)

Pagkahumaling sa nobyo

7.

Pagkasugat ng matris, pagkabaog, pagkakaroon ng kanser sa matris at sa iba ay kamatayan.


Ang mga nabanggit ay halimbawa ng hindi magandang dulot ng tinatawag na _______.

a)

Pre-marital sex

b)

Abortion

c)

Teenage pregnancy

d)

Pornograpiya

8.

Sina Xander at Xandra ay magkasintahan na gumagawa na ng gawaing mag-asawa na kapwa alam na ito ay kasalanan sa Diyos. Suriin ang paglabag na nagagawa ng magkasintahan.

a)

Pre-marital sex

b)

Abortion

c)

Teenage pregnancy

d)

Pornograpiya

9.

Ito ang pagkitil sa buhay ng nasa sinapupunan ng ina. Ito ay isang paglabag sa utos ng Diyos.

a)

Pre-marital sex

b)

Abortion

c)

Teenage pregnancy

d)

Pornograpiya

10.

Ito ay kadalasang napagkakamalang tunay na pagmamahal na maaring bunga ng sekswalidad na pinupukaw ng mga pandama.

a)

Simbuyong sekswal

b)

Simbuyong pagmamahal

c)

Instinct

d)

Puppy love

11.

Ang mga sumusunod na pahayag ang tamang pananaw sa kalinisang puri maliban sa ____________.

a)

Tintignan ang minamahal bilang kapares at kapantay.

b)

Iginagalang ang dignidad at kalayaan ng bawat isa.

c)

Pilitin ng isa’t-isa na gawin ang mga bagay na may paglabag sa kalooban.

d)

Mahalaga sa iyo ang kanyang ikabubuti at gayon din ang ikabubuti mo.

12.

“Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na paghahandog ng buong pagkatao sa minamahal.”


Suriin kung sa paanong paraan ito naisasabuhay. Piliin ang tamang sagot.

a)

Ang palatandaan nito ay ang pagsasagawa ng “pre-marital sex.”

b)

Ang palatandaan nito ay ang pakikipag “live-in” muna bago kasal.

c)

Ang palatandaan nito ay ang pagbibigay ng sarili sa minamahal kahit na hindi pa kasal.

d)

Ang palatandaan ng paghahandog na ito ay ang pagpapakasal sa taong minamahal.

13.

Tukuyin ang salitang bubuo sa talata.


Ang pagmamahal ay hindi isang emosyon at lalong hindi pagpukaw lamang sa diwa at mga pandama bagkus ito ay ______ na patuloy na bumubukal mula sa Diyos sa tulong ng kanyang grasya.

a)

pagpapahalaga

b)

katangian

c)

birtud

d)

kaugalian

14.

Ito ay isang kilos na sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan.

a)

pagkapikon

b)

pambubulas

c)

pagkainis

d)

pagganti

15.

Nakatanggap si Abel ng sulat na naglalaman ng panlalait at masasakit na pananalita mula kay Ed.


Anong uri ng pambubulas ang naranasan ni Abel?

a)

Pisikal na pambubulas

b)

Pasalitang pambubulas

c)

Sosyal o relasyonal na pambubulas

d)

Pasulat na pambubulas

16.

Si Ivan ay “war freak” na madalas manuntok at manipa ng kaniyang kinukursunada sa paaralan.


Ano ang ugali na ipinamamalas ni Ivan?

a)

Pisikal na pambubulas

b)

Pasalitang pambubulas

c)

Sosyal o relasyonal na pambubulas

d)

Pasulat na pambubulas

17.

Madalas mapahiya sa harap ng maraming tao si Divine dahil sa kanyang hitsura at hindi siya tanggap bilang kaibigan.


Ano ang pambubulas na nararanasan ni Divine?

a)

Pisikal na pambubulas

b)

Pasalitang pambubulas

c)

Sosyal o relasyonal na pambubulas

d)

Pasulat na pambubulas

18.

Suriin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang sandata na magagamit ng isang kabataan upang maiwasan na masangkot sa anumang karahasan sa paaralan.

a)

Pangbubully sa kaklase

b)

Pagmamahal sa sarili

c)

Pagsali sa fraternity

d)

Pagsali sa gang

19.

Tampulan lagi ng tukso si Shane. Wala siyang itinuturing na kaibigan. Siya rin ay balisa at may mababang pagtingin sa sarili kung kaya’t siya ay “stress” at laging sakitin.


Ano ang dahilan kung bakit ito nararanasan ni Shane?

a)

Epekto ito ng kanyang pagiging mapag-isa.

b)

Epekto ito ng kanyang pagiging sakitin.

c)

Epekto ito ng nararanasang pambubulas.

d)

Epekto ito ng nararanasang pagkabalisa.

20.

Ano ang pinakadahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang karahasan sa paaralan?

a)

Upang maging payapa at maayos sa paaralan.

b)

Upang magkaroon ng pagtutok sa pag-aaral.

c)

Upang mabawasan ang suliranin ng magulang sa paaralan.

d)

Makaiwas sa mga kaibigan.

21.

Piliin ang dahilan kung bakit may mga mag-aaral na sumasali sa fraternity o gang.

a)

Kulang sa atensyon ng pamilya.

b)

Wala silang mapaglaanan ng oras.

c)

Naniniwalang magiging “cool” sila o “in.”

d)

May kakilala at magtatanggol sa kanila bilang kapatid.

e)

Lahat ng nabangit ay tama.

22.

Ito ay isang panlipunan o akademikong organisasyon ng samahan at pagkakapatiran.

a)

Gang

b)

Fraternity

c)

Kabarkadahan

d)

Kaibigan

23.

Mapipigilan at maiiwasan ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng ____________.

a)

Pag-aaral nang mabuti

b)

Paggalang sa awtoridad sa paaralan

c)

Pagsunod sa payo ng mga magulang

d)

Pagmamahal sa sarili at paggalang sa buhay at sa kapwa

24.

Si Karisma ay nagpapakita ng pagmamahal sa kanyang kapwa.


Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang dito?

a)

May paggalang sa dignidad bilang tao.

b)

May pagtanggap anuman ang estado sa buhay.

c)

Pagbibigay niya sa lahat nang hilingin sa kaniya.

d)

Pagmamahal niya na may kaakibat na katarungan

25.

Madalas na makaranas ng pambubulas si Miya ngunit hindi siya nagpapadaig dito. Alam niyang tama ang kaniyang ginagawa.


Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Miya kaugnay sa pambubulas?

a)

Gumanti sa nambubulas sa kanya.

b)

Magsabi sa mga guro para malaman ang kaniyang sitwasyon.

c)

Magsumbong sa ama upang ito ang gumanti para sa kaniya.

d)

Sumali sa gang upang merong sumuporta sa kaniya upang lumaban.

26.

Ito ang agwat sa paggamit ng teknolohiya bunga ng kalagayang pang-ekonomiya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.

a)

Agwat teknolohikal

b)

Agwat ng henerasyon

c)

Digital divide

d)

Generation gap

27.

Si Aling Kara ay hindi nagkakaroon ng pagkakataong gumamit ng digital technology sa kanyang kabataan.


Sa aling henerasyon nabibilang si Aling Kara?

a)

Digital immigrants

b)

Digital natives

c)

Digital subscriber

d)

Digital video disc

28.

Si Lola Sita ay ipinanganak sa tinatawag na “Silent Generation” o ipinanganak at nabuhay sa panahon na tinatawag na “Depression sa Estados Unidos." Ito din ang panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Si Lola Sita ay tinatawag ding _________.

a)

Makers at wars babies

b)

Builders at war babies

c)

Baby boomers

d)

Baby love

29.

Piliin ang pinaka-angkop na dahilan ng migrasyon.

a)

Upang mabayaran lahat ng utang.

b)

Kagustuhang makapundar ng bahay at kagamitan,

c)

Kagustuhang makarating at makapamasyal sa ibang bansa.

d)

Kakulangan ng mapapasukang trabaho at mababang pasahod sa bansa.

30.

Alin sa mga sumusunod ang positibong epektong dulot ng migrasyon sa pamilya.

a)

Pagkakaroon ng imported na kagamitan.

b)

Pag-usbong ng mabilis na paraan ng komunikasyon.

c)

Makapaglibang at makapamasyal sa magagandang lugar.

d)

Makatugon sa mga pangangailangang pangkabuhayan para sa maginhawang buhay ng pamilya.