NEW
Font size
WorksheetsFilipino 7 (4th Quarter Reviewer)
Total questions: 50
Worksheet time: 1hrs 1mins
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o hindi ito nagpapatunay.
Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR (Philippine Area of Responsibility).
Nagbibigay ng patunay
Hindi ito nagpapatunay
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o hindi ito nagpapatunay.
Malungkot makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga mahal sa buhay at ari-arian.
Nagbibigay ng patunay
Hindi ito nagpapatunay
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o hindi ito nagpapatunay.
Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development Authority na kakailanganin natin ng 361 bilyong piso para sa muling pagbangon ng mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda.
Nagbibigay ng patunay
Hindi ito nagpapatunay
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o hindi ito nagpapatunay.
Ang mga mamamayan ay nagsilikas sa mga tahanan dahil sa malawakang pagbaha sakanilang lugar.
Nagbibigay ng patunay
Hindi ito nagpapatunay
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o hindi ito nagpapatunay.
Patunay ni Pangulong Duterte na ang bansang Pilipinas sa kasalukuyan ay ligtas at payapa sa krimen.
Nagbibigay ng patunay
Hindi ito nagpapatunay
Basahin ang isang bahagi ng akda. Piliin ang A kung ang pangungusap ay nagpapakita ng mahalagang kaisipan mula sa binasa at B kung hindi.
Ang salapi o pagmamahal ay nagiging ugat o pinagsisimulan ng kasamaan sa ating mundo.
A
B
Basahin ang isang bahagi ng akda. Piliin ang A kung ang pangungusap ay nagpapakita ng mahalagang kaisipan mula sa binasa at B kung hindi.
“Tuso man ang matsing, napaglalalangan din.” Dumating ang sandaling ang panlolokong ginagawa ni Pilandok sa iba ay bumalik din sa kanya.
A
B
Basahin ang isang bahagi ng akda. Piliin ang A kung ang pangungusap ay nagpapakita ng mahalagang kaisipan mula sa binasa at B kung hindi.
May mga taong tulad ni Pilandok na manloloko o manlilinlang ng iba para sa sarili nilang kapakanan.
A
B
Ito ay kuwentong kabayanihan na punong-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari.
Epiko
Maikling Kuwento
Pabula
Parabula
Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran.
Ano ang makikta sa pangungusap?
Sanhi at Bunga
Bunga at Resulta
Panghihikayat
Pagpapahayag ng Saloobin
Lumusob si Sulayman sa Bumbaran sapagkat nabalitaan niyang namatay si Indarapatra.
Ang nakasalungguhit ay halimbawa ng isang _________ .
Sanhi at Bunga
Bunga at Resulta
Panghihikayat
Pagpapahayag ng Saloobin
Ano ang naging gampanin ng apat na halimaw sa paglalarawan sa mga nararanasan ng mga mamamayan ng Mindanao?
Naging simbolismo ito ng matinding kahirapan ng mga mamamayan.
Naging makabuluhan silang tauhan ng epiko.
Naging makulay ang bawat sandali ng mga tao sa Mindanao.
Naging pagsubok sila sa katatagan ng mga tao sa Mindanao.
Kung ilalapat ang nabasa sa kasalukuyang kalagayan ng Mindanao, kanino maikukumpara ang apat na halimaw?
sa mga pulitiko
sa mga terorista
sa mga sundalo
sa mga kriminal
Basahin ang maikling pasilip sa akdang “Ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”. Piliin ang A kung ang mensahe sa ay mailalapat sa binasa at B kung hindi.
Mag-ipon nang marami upang sa darating na araw ay may magamit.
A
B
Basahin ang maikling pasilip sa akdang “Ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”. Piliin ang A kung ang mensahe sa ay mailalapat sa binasa at B kung hindi.
Ang mabait na anak ay masunurin sa magulang.
A
B
Basahin ang maikling pasilip sa akdang “Ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”. Piliin ang A kung ang mensahe sa ay mailalapat sa binasa at B kung hindi.
Ang mga masasamang gawin ay babalik din sa iyo.
A
B
Basahin ang maikling pasilip sa akdang “Ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”. Piliin ang A kung ang mensahe sa ay mailalapat sa binasa at B kung hindi.
Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama nang maluwat..
A
B
Ang pitong dalaga’y madalas makita sa dalampasigan habang nagtatampisaw o masayang lumalangoy, naghahabulan, at nagtatawanan. Mahihinuha mula rito na ang mga dalaga ay:
masayahin
mapagkumbaba
palakaibigan
malaro
Araw-araw makikita ang pitong dalaga habang nagsasagawa ng kani-kanyang gawaing-bahay. Mahihinuha mula rito na ang mga dalaga ay:
palautos
malilinis
masisipag
masayahin
Sa kanyang pag-uwi ay napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha nang masagana. Alin sa palagay mo ang hindi nararamdaman ng ama sa mga sandaling ito?
labis na nasasaktan
labis na nagdaramdam
labis na nalulungkot
labis na nasisiyahan
Natanggap niya ang kanyang pinapangarap na regalo kaya pakiramdam niya siya na ang _________________ tao sa mundo.
Alin sa sumusunod ang angkop na paglalarawang pasukdol ang nararapat ipuno sa patlang?
masuwerte
pinakamapalad
mas maswerte
kasing palad
Isang simpleng pagbati lamang ang kanyang sinabi, “__________ ang gawa mo,” at siya’y umalis na.
Alin sa sumusunod ang angkop na paglalarawang lantay ang nararapat ipuno sa patlang?
maganda
mas maganda
magsinganda
pinakamaganda
“Ikaw ang ______________ kaysa sa napili, dapat ikaw ang kinuha”, ang komento ng kanyang mga kasama.
Alin sa sumusunod ang angkop na paglalarawang pahambing ang nararapat ipuno sa patlang?
mahusay
napakahusay
kasing husay
mas mahusay
Piliin ang pinakaangkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Ilan sa kabataan ay ______ sa masamang bisyo kaya hindi tila nakatapos ng pag-aaral.
napalulong
binalaan
nagliwaliw
sinalugsog
magbulaan
Piliin ang pinakaangkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Bagama’t _____ sila ng kanilang ama sa di magandang epekto ng masamang bisyo subalit hindi pa rin sila nakinig.
napalulong
binalaan
nagliwaliw
sinalugsog
magbulaan
Piliin ang pinakaangkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Marami pa rin sa kanila ang mahilig ____ sa kanilang magulang upang mapagtakpan ang kanilang masamang gawa.
napalulong
binalaan
nagliwaliw
sinalugsog
magbulaan
Piliin ang pinakaangkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
____ ang dibdib ng ina nang malamang nawawala ang anak.
napabuti
sinikangan
nagliwaliw
sumasal
magbulaan
Piliin ang pinakaangkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
_______ ng mga pulis ang buong lugar subalit hindi nila natagpuan ang batang nawawala.
napabuti
sinikangan
nagliwaliw
sinalugsog
magbulaan
Anong nais ipahiwatig ng sagot nina Don Pedro at Don Diego kaugnay sa pagkawala ng Ibong Adarna?
“Ama, ewan ang bantay po’y si Don Juan”.
paninisi
pagkalimot
paghuhugas kamay
pagtataksil
Ano ang ibig sabihin ng Saknong 411?
“Subalit O! yaong inggit,
sawa’ng maamo’y bumabangis!
pag sinumpong maging ganid
Panginoo’y nililingkis”.
Ang ahas ay nakakatakot kapag nagagalit sapagkat ito ay nanlilingkis.
Ang inggit ay tulad ng isang ahas na kapag umusbong sa puso ng isang tao ay mahirap pigilan.
Ang inggit ay tulad ng isang mabangis na ahas na pumupulupot at walang isinasaalang-alang kahit na sinong tao.
Ang ahas ay papatay kung siya’y sasaktan.
Alin sa sumusunod ang kahiraan nina Haring Fernando at Donya Valeriana?
Albanya
Berbanya
Krotona
Armenya
Ito ang punong tirahan ng mahiwagang Ibong Adarna.
Piedras Platas
Pidras Platas
Piedro de Oro
Piedras Blanca
Ano ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon?
namamatay
nakakatulog
nagiging bato
nahihilo
Ano ang sakit ng matandang nasalubong ni Don Juan sa kanyang paglalakbay?
kanser
ketong
hika
galis
Ano ang bagay na hiningi ni Don Juan sa ama bago siya umalis sa kahiraan?
salapi o yaman
bendisyon
pagkain at tubig
tinapay
Ano ang bagay na ibinigay ni Don Juan sa matandang nasalubong?
tubig
kanin
tinapay
alak
Ang bilang ng taon simula nang umalis at hindi na nakabalik ang mga kapatid ni Don Juan.
isang taon
dalawang taon
tatlong taon
apat na taon
Ano ang mensaheng taglay sa panalangin ni Don Juan bago siya nakipagsapalaran?
ang wagas na pagmamahal sa magulang
paghahangad sa kayamang mamanahin sa magulang
kahihiyan ng pamilya kung hindi sila kikilos para sa ama
upang inggitin ang kanyang mga kapatid
Ano ang mensaheng taglay sa pagtulong ni Don Juan sa matanda?
Likas na maawain at mapagkawanggawa si Don Juan.
Alam ni Don Juan na may maitutulong ang matanda kaya tinulungan niya.
Hindi na kailangan ni Don Juan ang bagay na hiningi ng matanda kaya ibinigay na lang niya.
Alam ni Don Juan na kapag tinulungan niya ang matanda ay tutulungan din siya.
Paano mo ilalarawan si Don Juan?
hambog
matiisin
mapagmahal
mapamaraan
Tukuyin ang damdaming hinihingi ng saknong.
Hindi kita kailangan
ni makita sa harapan
umaalis ka’t manghihinayang
sa makikitil mong buhay
nag-aalala
nayayamot
nagmamalaki
nananakot
Tukuyin ang damdaming hinihingi ng saknong.
Sa sindak ni Leonora
napasigaw kapagdaka
“Ay, Don Juan, aking sinta,
buhay nati’y paano na?”
nagmamalaki
nag-aalala
nagsusumamo
naninisi
Tukuyin ang damdaming hinihingi ng saknong.
"Di ko kayo huhumpayan
hanggang di mangamatay
ang ulo ko iisa man
ako ang magtatagumpay”
natutuwa
nagbabanta
nayayamot
nag-aalala
Tukuyin ang damdaming hinihingi ng saknong.
“Di mo baga nalalamang
mapanganib iyang buhay
sa serpyente kong matapang,
walang salang mamamatay?”
nagagalit
nag-iisip
nag-aalala
natatakot
Tukuyin ang damdaming hinihingi ng saknong.
Danga’t ako’y nagkapuso
na pinukaw ng pagsuyo
sa dilag mo’y kailan ko po
matanggap ang pagsiphayo
nagmamalaki
nag-aalala
nagsusumamo
naninisi
Piliin ang salitang hindi kasama sa pangkat.
sukal
dumi
basura
lamat
Piliin ang salitang hindi kasama sa pangkat.
nililok
pinutol
tinorno
inilapat
Piliin ang salitang hindi kasama sa pangkat.
tinangtang
batak-batak
dala-dala
hila-hila
Piliin ang salitang hindi kasama sa pangkat.
matalos
mabatid
mailihim
malaman
Piliin ang salitang hindi kasama sa pangkat.
pagmamasid
pagtalikod
pag-oobserba
pagmamalas
