WorksheetsAP 5-Pamumuhay ng mga Sinaunang Filipino at ang Barangay
Total questions: 25
Worksheet time: 23mins
Ito ay yugto ng kasaysayan na kung saan ang mga kagamitan ay mga kasangkapang yari sa bato. Ano ito?
Panahon ng Hapon
Panahon ng Kastila
Panahong Neolitiko o Panahon ng Metal
Panahong Paleolitiko o Panahon ng Bato
Panahong __________ ang tawag sa panahon kung kailan hindi pa naisusulat ang kasaysayan.
Panahong Historiko
Panahong Neolitiko
Panahong Paleolitiko
Panahong Prehistoriko
Saan nanirahan ang mga Taong Tabon noong panahon ng lumang bato?
kagubatan
kapatagan
tabing-dagat o ilog
yungib
Panahon na kung saan nagsimulang lisanin ng mga sinaunang Filipino ang yungib at nagsimulang paunlarin ang kanilang pamumuhay.
Bagong Bato
Lumang Bato
Maagang Panahon ng Metal
Maunlad na Panahon ng Metal
Noong maunlad na panahon ng metal ay higit na napaghusay ng mga sinaunang Filipino ang kanilang kasangkapang ____________.
bato
metal
pambahay
pangkusina
Ano ang dalawang panahon noong panahon ng bato?
maagang panahon ng metal
maunlad na panahon ng metal
panahon ng bagong bato
panahon ng lumang bato
Alin-alin sa ibaba ang nagsasabi ng tungkol sa pagkakaroon ng espesyalisasyon sa paggawa ang mga sinaunang Filipino?
paghahabi
pagmimina
pagsasaka
pangangalakal ng bote
Pumili ng dalawang kagamitang metal na higit na napaghusay noong maunlad na panahon ng metal.
gulok
pinakinis na ksangkapang bato
pinatulis na bato
sibat
Alin ang dalawang palamuti na nahukay noong maagang panahon ng metal?
hikaw
jade
ling-ling-o
singsing
Paano nabuhay ang mga taong Tabon noong panahon ng Lumang bato na sinasabing nanirahan sa yungib? Pumili ng dalawa.
pangangalap ng pagkain
pangangaso
pangingisda
pagmimina
Aling antas sa lipunan ng mga sinaunang Filipino ang hindi kabilang sa pangkat ng mga tagalog?
alipin
maginoo
maharlika
oripun
Ayon sa antas ng tao sa lipunan ng mga Bisaya noong sinaunang lipunan, alin ang hindi kabilang sa pangkat?
Aliping Namamahay
Datu
Oripun
Timawa
Alin ang hindi kabilang sa pangkat ng mga oripun ng Bisaya?
Ayuey
Aliping Saguiguilid
Tumarampuk
Tumataban
Alin ang hindi tungkulin ng mga maharlika noong sinaunang lipunan?
Naninilbihan sa datu tuwing may piging o pagtitipon.
Tulungan ang datu sa pagtatanggol sa barangay.
Tulungan ang datu sa pagpapanatili ngkapayapaan sa barangay.
Walang pananagutang magbayad ng buwis sa datu.
Ang mga sumusunod ay mga paraan upang umangat sa pagiging timawa ang isang alipin noong sinaunang lipunan? Alin ang HINDI?
nabayaran ang kaniyang pagkakautang
nakompleto ang isang kautusan o kasunduan
natubos ng ginto ang kaniyang kalayaan
pagpapangalan sa anak
Ang mga kababaihan ang nagsilbing mga espiritual na pinuno sa sinaunang lipunang Filipino. Ano ang tawag sa Bisaya at sa Tagalog sa kanila?
babaylan
katalonan
Tumarampuk
Tumataban
Ang mga sumusunod ay mga karapatang tinatamasa ng mga babaylan noong sinaunang lipunan, alin lamang ang hindi?
nagsisilbi araw at gabi sa datu
pagmamay-ari at pagmamana ng mga ari-arian
pakikipagkakalan
pagiging datu kung walang lalaking magmamana ng katungkulang ito
Ano ang tawag sa pinuno ng barangay?
ayuey
datu
maharlika
oripun
Ang isang barangay noong sinaunang lipunan ay karaniwang binubuo ng __________________.
10 hanggang 60 pamilya
30 hanggang 100 pamilya
50 hanggang 100 pamilya
60 hanggang 100 pamilya
Ano ang tungkulin ng isang datu sa kaniyang nasasakupan?
magpatupad ng mga batas at ipagtanggol ang nasasakupan
nagbibigay alam tungkol sa mga pagtitipon
nagsisilbing espiritwal na pinuno
nagsisilbing tagapamagitan tuwing may kaguluhan
Ano ang dalawang uri ng batas ang umiiral noong sinaunang lipunan?
batas Jones
batas militar
batas na hindi nakasulat
batas na nakasulat
Aling usapin ang hindi nakapaloob sa batas na nakasulat noong sinaunang lipunan?
diborsiyo
krimen
pagmamay-ari ng ari-arian
pagnanakaw ng pwesto sa gobyerno
Ang mga sumusunod ay sistemang pangkatarungan sa barangay noong sinaunang lipunan, alin lamang ang hindi?
ang mga saksi ay nanunumpo sa harap ng mga hukuman
dumaraan sa proseso ang pagdinig sa kaso at paglilitis
ikinukulong at ipanapatay agad ang may sala
isinasailalim sa pagsubok ang mga akusado
Masasabi niyo ba na simula pa noong sinaunang lipunan ay may batas nang umiiral at ang pagiging patas sa lahat?
hindi po, kasi hinahayaan na lang ang mga nagkasala
hindi po, kasi malalaang mga krimen noon
opo, dahil hinuhuli at pinapatay agad ang mga nagkasala
opo, kasi mayroon din silang proseso at mga pagdinig na ginagawa
Sa mga Bisaya, tungkulin niyang maglitis hanggang sa magkasundo ang mga nagkaalitan at kapag natapos ang gulo ay tapos narin ang kaniyang tungkulin.
babaylan
bagani
timawa
umalohokan
