wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino101

Total questions: 25

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Piliin ang pangungusap na may naiibang gamit sa nakasalungguhit na NANG.

a)

Kinabit ni Anton nang mabilisan ang kable ng kuryente.

b)

Kinausap nang marahan ng guro ang batang nahihirapan sa asignaturang Filipino.

c)

Tumaas ang presyo ng langis nang magkagulo sa ibayong dagat.

2.

Piliin ang pangungusap na may naiibang gamit sa nakasalungguhit na NANG.

a)

Lakad nang lakad ang balisang ina.

b)

Tumakbo nang tumakbo si Teddy nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya.

c)

Dahil sa sobrang kalungkutan, iyak siya nang iyak.

3.

Piliin ang pangungusap na may naiibang gamit sa nakasalungguhit na NANG.

a)

Nagbago ang ugali niya nang makilala niya ang mga bago niyang kaibigan.

b)

Ginawa ni Miguel nang mabilisan ang kanyang proyekto nang malaman niyang pasahan na pala ito ngayon.

c)

Natuwa ang guro sa kanya nang sumagot siya nang tama.

4.

Piliin ang pangungusap na may naiibang gamit sa nakasalungguhit na NANG.

a)

Ligo si David nang ligo sa sobrang init ng panahon.

b)

Dahil sa kagustuhang makabili ng bagong laruan, nag-iipon siya nang nag-iipon ng pera.

c)

Nanalangin nang taimtim si Jose sa Diyos.

5.

Piliin ang pangungusap na may naiibang gamit sa nakasalungguhit na NANG.

a)

Sa sobrang takot ni Arnold na makagat ng aso ay kumaripas siya ng takbo nang walang saplot sa paa.

b)

Nang marinig niya ang malakas na sigaw ng ama, agad siyang tumalima.

c)

Nakinig siya nang buong taimtim sa guro.

6.

Tukuyin kung paano ginamit ang mga nakasalungguhit na NG sa bawat pangungusap. Ilagay ang 1 kung sumasagot sa tanong na "ano", 2 kung "sino" at 3 kung nagpapakita ng "pagmamay-ari".


Tinahi ng ale ang butas na bulsa ng bata.

(a)  

7.

Tukuyin kung paano ginamit ang mga nakasalungguhit na NG sa bawat pangungusap. Ilagay ang 1 kung sumasagot sa tanong na "ano", 2 kung "sino" at 3 kung nagpapakita ng "pagmamay-ari".


Ginamitan ng sinulid na itim ang pagtahi sa butas na bulsa ng bata.

(a)  

8.

Tukuyin kung paano ginamit ang mga nakasalungguhit na NG sa bawat pangungusap. Ilagay ang 1 kung sumasagot sa tanong na "ano", 2 kung "sino" at 3 kung nagpapakita ng "pagmamay-ari".


Ang bulsa ng bata ay butas.

(a)  

9.

Tukuyin kung paano ginamit ang mga nakasalungguhit na NG sa bawat pangungusap. Ilagay ang 1 kung sumasagot sa tanong na "ano", 2 kung "sino" at 3 kung nagpapakita ng "pagmamay-ari".


Inayos ng ale ang butas na bulsa ng bata.

(a)  

10.

Tukuyin kung paano ginamit ang mga nakasalungguhit na NG sa bawat pangungusap. Ilagay ang 1 kung sumasagot sa tanong na "ano", 2 kung "sino" at 3 kung nagpapakita ng "pagmamay-ari".


Ang mga pantahi ng ale ay matitibay.

(a)  

11.

Punan ng tamang NG o NANG ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Palala (a)   palala ang mga sakit ngayon.

12.

Punan ng tamang NG o NANG ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Tuwang-tuwa ang bata (a)   mag-abot ng pasalubong ang kanyang itay.

13.

Punan ng tamang NG o NANG ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Si Sharon ang maglilinis (a)   sarili niyang kuwarto.

14.

Punan ng tamang NG o NANG ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Ang damit na bagong bili ay isinuot (a)   hindi pa nilalabhan.

15.

Punan ng tamang NG o NANG ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Pumasok sa madilim na kuwarto ang bata (a)   walang takot.

16.

Punan ng tamang NG o NANG ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


(a)   iwan siya ng kanyang ina, iyak nang iyak ang bata.

17.

Punan ng tamang NG o NANG ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Kinausap niya nang mahinahon ang asawa (a)   biktima.

18.

Punan ng tamang NG o NANG ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Maraming konduktor ang natuwa (a)   bumaba nang bahagya ang presyo ng langis.

19.

Punan ng tamang NG o NANG ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Sobra na ang pagmamalupit (a)   amo mo!

20.

Punan ng tamang NG o NANG ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Hawakan mo (a)   mahigpit ang suspek na iyan at baka makatakas siya muli.

21.

Punan ng tamang NG o NANG ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Matutulog ka (a)   hindi pa tuyo ang buhok mo?

22.

Punan ng tamang NG o NANG ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Natapos ko agad ang trabaho ko (a)   magkaroon ako ng bagong laptop.

23.

Lagyan ng ang kahon sa bawat pangungusap na nagtataglay ng tamang balarila o grammar. (Balarilang tinalakay sa presentasyon)

a)

Kinamusta ni Aila ang kanyang anak na dumating galing ibang bansa.

b)

Kung magkakaroon ng bakuna raw sa susunod na buwan, ito ay malaking tulong sa lahat.

c)

Darating raw bukas ang padalang biko ni Carl.

d)

Palaging kinukumusta ni Murp ang kanyang nobyo.

24.

Lagyan ng ang kahon sa bawat pangungusap na nagtataglay ng tamang balarila o grammar. (Balarilang tinalakay sa presentasyon)

a)

Kararating lang ni Shula nang pumasok ang isang gwapong lalaki.

b)

Maghapon daw na naglaba ng kanyang damit si Nida kaya sumakit ang kanyang mga kamay.

c)

Inalok ni Mark ng puto si Carlo na kakakain lamang.

d)

Kaiinom lamang ni Harzy ng gamot. Tiyak na daw ang kanyang pagpasok bukas.

25.

Lagyan ng ang kahon sa bawat pangungusap na nagtataglay ng tamang balarila o grammar. (Balarilang tinalakay sa presentasyon)

a)

Nag-eexercise tuwing hapon sina Nida, Maidy at Elena nang samasama.

b)

Nag-iisip nang mabuti ang mga guro kung ano ang mabuting istratehiya sa bagong normal ng pagtuturo.