NEW
Font size
WorksheetsPretest AP 10 Lesson 1
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
lipunan
bansa
komunidad
organisasyon
Ito ay isang pampublikong bagay na may kaugnay sa krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
Isyung Personal
Isyung Panlipunan
Isyung Ekonomiko
Isyung Sibiko
Ito ay isyung tumutukoy sa paglala ng mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng malalakas na bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha.
Isyung Medikal
Isyung Pangkapaligiran
Isyung Pangkalusugan
Isyung Sibiko
Ito ay tumutukoy sa patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere.
Deforestation
Illegal logging
Climate Change
Natural Calamity
Ito ang pinaka bagong uri ng corona virus na pinaniniwalaang naggaling sa Wuhan, China.
MERS.
SARS
FLU
COVID19
Ito ay tumutukoy sa mga isyu tulad ng globalisasyon, isyu sa paggawa at migrasyon
Isyung Pang-ekonomiya
Isyung Pangkalakalan
Isyung Pangkalusugan
Isyung Pangkapaligiran
Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
Pang-aabuso
pagsasamantala.
diskriminasyon.
Pananakit
Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig?
Ito ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan
Bukod sa kaisipan, pinapalawak din ng Kontemporaryong Isyu ang koneksiyon ng "sarili" sa lipunan
Mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naaangkop ang kaalaman sa kasalukuyan.
Lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapamalas ng halimbawa ng Kontemporaryong Isyu?
Pagbabawal sa pamamasada ng mga tricycle at jeepney
Kontraktwalisasyon sa mga kawani ng ABS CBN
Bayanihan to heal as one Act
Ang pagdaong ni Gen. Mc Arthur sa Leyte
Ang lahat ay nagpapakita kung paano masasabi na ang isang pangyayari o suliranin ay isang Kontemporaryong Isyu Maliban sa isa.
may epektong hindi kawili-wili sa mga tao at lipunan
may malaking problema sa ilang tao
may matinding impluwensya sa takbo ng kasalukuyang panahon
may mga temang napag-uusapan at may positibong impluwensya sa lipunan
