Font size
WorksheetsMahabang Pagsusulit 1.1 (SY 2020-2021)
Total questions: 35
Worksheet time: 24mins
Sino ang tinutukoy sa pahayag - Ang mas Malawak na Dagat
Isang lalaking namumulot ng mga patay na isda at dahan-dahang ibinabalik sa tubig.
(a)
Sino ang tinutukoy sa pahayag - Aeneas (Mitolohiya)
Ang bangkero ng mga yumao at nailibing
(a)
Sino ang tinutukoy sa pahayag - Aeneas (Mitolohiya)
•Ang ama ni Aeneas na yumao na at nais niya muling makita at makausap.
(a)
Sino ang tinutukoy sa pahayag - Ang mas Malawak na Dagat
Isang lalaking binabakas ang kanyang anino sa buhangin. Dumating ang malalaking alon at binura ito. Ngunit nagpatuloy lamang siyang bakasin ito nang paulit-ulit.
(a)
Pasunud-sunurin ang mga pangyayari - Isang Piraso ng Tinapay
A. Nang buksan ng sarhento ng pulutong ang pinto at tumawag ng limang sundalo upang rumelyebo sa nagbabantay, hindi nagising si Hardimont kaya nagprisinta na lamang si Jean-Victor na papalit sa duke.
B. Nang mga sandaling iyon, isang sundalo ang namataang tumatakbo sa direksyon nila sa tabi ng kalsada at ibinalitang sinugod sila ng mga Prussian.
C. Mabilis na bumangon ang mga sundalo, at bawat isa ay hawak ang kanilang baril,maingat na humakbang palabas. Nalaman ng duke na pinalitan siya ni Jean-Victor para magbantay nang gabing iyon.
D. Maghahatinggabi na ay naalimpungatan si Jean-Victor, marahil dahil sa gutom. Tinanglawan niya ang makisig na duke na natutulog dahil naaantig pa rin ang kanyang damdamin sa kabutihan ng kasama.
E. Ngunit makalipas ang kalahating oras, pumunit sa katahimikan ng gabi ang ingay ng sunod-sunod na putukan.
F. Nalaman ng duke na tinamaan ng bala sa ulo si Jean-Victor at siya ay nalagutan ng hininga
A D E C B F
D A E C B F
D B A E C F
F D A E C B
F A D E C B
Piliin sa sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng "pagtanaw ng utang na loob"
A. Nang mga sandaling iyon, isang sundalo ang namataang tumatakbo sa direksyon nila sa tabi ng kalsada at ibinalitang sinugod sila ng mga Prussian.
B. Mabilis na bumangon ang mga sundalo, at bawat isa ay hawak ang kanilang baril,maingat na humakbang palabas. Nalaman ng duke na pinalitan siya ni Jean-Victor para magbantay nang gabing iyon.
C. Nang buksan ng sarhento ng pulutong ang pinto at tumawag ng limang sundalo upang rumelyebo sa nagbabantay, hindi nagising si Hardimont kaya nagprisinta na lamang si Jean-Victor na papalit sa duke.
D. Maghahatinggabi na ay naalimpungatan si Jean-Victor, marahil dahil sa gutom. Tinanglawan niya ang makisig na duke na natutulog dahil naaantig pa rin ang kanyang damdamin sa kabutihan ng kasama.
E. Ngunit makalipas ang kalahating oras, pumunit sa katahimikan ng gabi ang ingay ng sunod-sunod na putukan.
F. Nalaman ng duke na tinamaan ng bala sa ulo si Jean-Victor at siya ay nalagutan ng hininga
A
B
C
D
E
Tukuyin ang Kaganapan ng Pandiwang ginamit sa pangugusap:
Kinausap ni Itay ang anak niyang makulit.
tagatanggap
tagaganap
layon
ganapan
Tukuyin ang Kaganapan ng Pandiwang ginamit sa pangugusap:
Napaiyak siya dahil sa matinding pagkadismaya.
taganap
sanhi
direksyonal
ganapan
Tukuyin ang Kaganapan ng Pandiwang ginamit sa pangugusap:
Tumanggap ng parangal ang kanilang pangkat.
tagaganap
tagatanggap
ganapan
layon
Tukuyin ang Kaganapan ng Pandiwang ginamit sa pangugusap:
Nagbigay ng donasyon ang kanilang simbahan para sa mga biktima ng sunog.
layon
ganapan
tagatanggap
tagaganap
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari: Aeneas (Mitolohiya)
A. Nanumbalik si Aeneas sa lupain ng mga buhay at naglayag sa bansa na kilala ngayong Italya.
B. Sa ilog na ito nakilala nila ang bangkero ng mga yumao. Isinakay sila sa bangka habang galit na galit na tumatahol sa mga buhay na bisita ang aso ng impyerno na may tatlong ulo.
C. Hindi pa man patay si Aeneas ngunit nais na niyang makitang muli ang kanyang ama na yumao na.
D. Hindi nagtagal, narating niya ang lugar na kanyang hinahanap, ang napakagandang paraiso para sa mga taong nagkaroon ng mabuting pamumuhay sa mundo. Doon hinihintay siya ng kanyang ama.
E. Nilakbay nina Aeneas at Sibyl ng Cumae ang lansangan ng ligaw na mga kaluluwa na pinaliligiran ng mga gumagalang anino, hanggang sa marating nila ang ilog.
F. Ikinatuwa ni Aeneas ang magiging hinaharap niya. Sa huling pagkakataon ay niyakap niya ang kanyang ama at namaalam nang tuluyan.
A F D B E C
C E B D F A
C A E B F D
C D E F A B
A C E F B D
Tukuyin ang Kaganapan ng Pandiwang ginamit sa pangugusap:
Dahil sa pangambang magkasakit, nanatili na lamang siya sa bahay.
direksyonal
sanhi
tagaganap
ganapan
Tukuyin ang Kaganapan ng Pandiwang ginamit sa pangugusap:
Napagdesisyunan ng mag-anak na tutungo sila sa Tagaytay para magbakasyon.
ganapan
direksyonal
tagaganap
layon
Ang (a) ay salitang ginagamit upang ilarawan ang sinuman o anuman. Sa pamamagitan nito ang anupamang konsepto ay lalong nagagawang tiyak.
Ang panghalip na panaong _____ ay nakikita sa unahan ng ay at nasa hulihan ng pangungusap kapag walang ay.
SIMUNO
TAGAGANAP
Ang panghalip na panaong _____ ay laging nasa bahaging panaguri at nakikita kasunod ng pandiwa.
TAGAGANAP
SIMUNO
Ang (a) ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap.
Ibigay ang wastong panghalip sa loob ng pangungusap:
Tinatawag kita kanina pa. Lumapit ka _____.
rito
dito
Ibigay ang wastong panghalip sa loob ng pangungusap:
Gusto (a) bang magpahinga muna?
Ibigay ang wastong panghalip sa loob ng pangungusap:
Inuutusan ka ni Inay na (a) raw ang magbabantay sa tindahan mamaya.
Ibigay ang wastong panghalip sa loob ng pangungusap:
Umiiyak ang baby _____ kanina kaya pinakain ito ni kuya.
niya
sila
siya
ikaw
Ibigay ang wastong panghalip sa loob ng pangungusap:
Ang mga kababaihan sa Pilipinas ay kilala bilang malambing at matapang na ipinaglalaban ang kanilang karapatan. (a) ay hinahangaan ng mundo dahil sa mga katangiang ito.
Ibigay ang wastong panghalip sa loob ng pangungusap:
Bagamat matagal kaming hindi nagkita, hindi nagbago ang (a) ng hitsura.
Tukuyin kung ANAPORA o KATAPORA:
Nagkasakit siya kahapon. Pero pumasok na sa klase si Jake kanina.
ANAPORA
KATAPORA
Tukuyin kung ANAPORA o KATAPORA:
Kinausap ko si Jose, sinabi kong mahusay ang kanyang ginawa.
ANAPORA
KATAPORA
Tukuyin kung ANAPORA o KATAPORA:
Namili si Aling Rosa sa palengke kaya siya natagalan sa pag-uwi.
ANAPORA
KATAPORA
Tukuyin ang uri ng pangatnig na ginamit sa pangungusap:
Maghaharap sa 2nd round ng Eastern Conference Playoffs ang Toronto Raptors at Boston Celtics .
PANIMBANG
PAMUKOD
PANANHI
PANUBALI
Tukuyin kung ANAPORA o KATAPORA:
Sina Jared at Jake ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay mahilig magbasa ng libro.
ANAPORA
KATAPORA
Tukuyin kung ANAPORA o KATAPORA:
Sila ay laging nag-aagawan sa pila tuwing kainan. Makikita sa mukha ng mga kalahok na kontento sila at nasisiyahan sa seminar.
ANAPORA
KATAPORA
Tukuyin kung ANAPORA o KATAPORA:
Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang terorismo ay patuloy ni sinusugpo ni Pang. Duterte.
ANAPORA
KATAPORA
Ang (a) ay bahagi ng panalita na nagsasaad ng kaugnayan ng isang salita sa kapwa salita, parirala sa kapwa at/o sugnay sa kapwa sugnay
Tukuyin ang uri ng pangatnig na ginamit sa pangungusap:
Mayaman man o mahirap, tayo ay kailangang magkaisa sa paglaban sa pandemyang ating kinakaharap.
PANIMBANG
PANINSAY
PANUBALI
PAMUKOD
Tukuyin ang uri ng pangatnig na ginamit sa pangungusap:
Nagdeklara ng MECQ ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid19 dito.
PANIMBANG
PANANHI
PANINSAY
PANUBALI
Tukuyin ang uri ng pangatnig na ginamit sa pangungusap:
Jolo, Sulu naka-lockdown dahil sa sunod-sunod na pagsabog.
PANANHI
PANUBALI
PAMANGGIT
PAMUKOD
Tukuyin ang uri ng pangatnig na ginamit sa pangungusap:
TInanggal daw ni Coach Aldin Ayo si CJ Cansino matapos siya humingi ng break sa practice ng UST Growling Tigers sa Sorsogon noong Hunyo.
PAMUKOD
PANINSAY
PANUBALI
PAMANGGIT
