WorksheetsBERBAL AT DI BERBAL
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
1. Pasigaw na tinawag ni Manong Ebe ang babaeng bumili ng taho sapagkat nalimutan nitong kunin ang kaniyang sukli.
Berbal
Di-berbal
2. Tinapik ni Anna sa balikat ang kaibigang nakalugmok dahil sa sama ng loob.
Berbal
Di-berbal
3. Kumaway si Jules bilang pagpapaalam sa kaniyang mag-anak bago siya pumasok sa terminal.
Berbal
Di-berbal
4.Nangasim ang mukha ni Sam sa pagkain niya ng manggang hilaw.
Berbal
Di-berbal
5. Kinausap nang maayos ni Tin ang nakaalitang kaklase.
Berbal
Di-berbal
6. Rinig sa buong hallway ang anunsiyo ng presidente ng klase na nagsasabing wala ang kanilang guro.
Berbal
Di-berbal
7. Kinurot ni Andrew ang pilyong kapatid na nanabunot sa kaniya.
Berbal
Di-berbal
8. Nagkilitian ang magnobyo sa gitna ng mga nakatinging tao na nasa parke.
Berbal
Di-berbal
9. Matamis na ngiti ang isinukli ni Mae sa iniabot na regalo ng kaniyang manliligaw
Berbal
Di-berbal
10. Naluha sa tuwa si Nina nang malamang nakapasa siya sa exam.
Berbal
Di-berbal
Alin sa mga sumusunod ang dalwang uri ng berbal na komunikasyon?
Pasulat
Galaw
Pasalita
Ekspresyon ng mukha
Ang uri ng komunikasyong (a) ay hindi gumagamit ng salita, titik, at wika.
Alin sa mga sumusunod ang di kabilang sa uri ng di-berbal na komunikasyon?
Ekspresyon ng mukha
Tindig
Galaw ng bibig
Kumpas ng kamay
Ang (a) ay tumutukoy sa pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan at ibang bahagi ng katawan ay nakatutulong upang higit na mabigyan ng detalye ang mensaheng nais iparating.
Sa paggamit ng dalawang uri ng komunikasyon, higit na nagiging epektibo ang (a) .
