wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Lagumang Pagsusulit Blg. 2

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.

Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad at nagsabi ng isang kuwento.

a)

a. alaga

b)

b. amo

c)

c. tagasunod

d)

d. taga-alaga

2.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.

Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito.

a)

a. ipinakita

b)

b. ipinagyabang

c)

c. itinago

d)

d. itinanggi

3.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.

“Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng maraming tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng

inyong mga puso.”

a)

a. nagbabalat-kayo

b)

b. nagkikibit-balikat

c)

c. nagmamalaki

d)

d. nagsisinungaling

4.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.

Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Hesus sapagkat sakim sila sa salapi.

a)

a.. Di pinansin

b)

b. hinangaan

c)

c. inapi

d)

d. nilibak

5.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.

“Sapagkat ang tinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”

a)

a. hindi katanggap-tanggap

b)

b. lubhang kakaiba

c)

c. kaakit-akit

d)

d. kaiga-igaya

6.

Panuto: Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng

pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng Mensahe ng Butil ng Kape.

“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?” tanong ng ama.

a)

seryoso

b)

humahanga

c)

nag-aalinlangan

d)

nanunudyo

e)

mapanghikayat

7.

Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng

pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng Mensahe ng Butil ng Kape.

“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.

a)

seryoso

b)

humahanga

c)

nag-aalinlangan

d)

nanunudyo

e)

mapanghikayat

8.

Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng

pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng Mensahe ng Butil ng Kape.

“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa

buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o

butil ng kape?” usal ng ama.

a)

seryoso

b)

humahanga

c)

nag-aalinlangan

d)

nanunudyo

e)

mapanghikayat

9.

Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng

pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng Mensahe ng Butil ng Kape.

“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat,

ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama.

a)

seryoso

b)

humahanga

c)

nag-aalinlangan

d)

nanunudyo

e)

mapanghikayat

10.

Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng

pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng Mensahe ng Butil ng Kape.

Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape…” katulad mo mahal na ama.

a)

seryoso

b)

humahanga

c)

nag-aalinlangan

d)

nanunudyo

e)

mapanghikayat

11.

Alin sa mga sumusunod ang kaisipang higit na ipinakikita ng parabulang Ang Tusong Katiwala?

a)

a. Ang magnanakaw ay kapatid ng sinungaling.

b)

b. Ang bawat kasalanan ay may katapat na kabayaran.

c)

c. Ang pagiging matalino’t madiskarte ay makapagliligtas sa iyo sa anumang kapahamakan.

d)

d. Walang alipin ang maaaring maglingkod ng sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian

niya ang isa at iibigin ang ikalawa.

12.

Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa tunay na buhay ang kahalintulad ng ginawang pagtataksil ng

tusong katiwala sa parabulang binasa?

a)

a.Pangungurap sa pondo ng bayan ng ilang tiwalang opisyal

b)

b. Pangangalunya o pakikiapid ng mga magkakasintahan sa iba

c)

c. Pagkatamad ng ilang empleyado sa paggawa ng kanilang tungkulin

d)

d. Pagbabalik isang drayber ng mga naiwang gamit ng kaniyang mga pasahero.

13.

Kung ikaw ang amo sa parabulang Ang Tusong Katiwala, alin sa mga sumusunod ang higit na mainam

mong gawin kapag nalaman mong nilulustay ng katiwala mo ng iyong ari-arian?

a)

a. Hingin ang isa sa kaniyang anak o kaanak upang maging alipin.

b)

b. Kalimutan na lamang ang ginawa niyang pagtataksil na parang walang nangyari.

c)

c. Kunin ang lahat ng ari-arian ng kaniyang buong angkan bilang kabayaran sa kaniyang ginawa.

d)

d. Ipataw ang karampatang parusa sa kaniyang ginawang kasalanan at ipanalangin ang kanyang

pagbabalik-loob sa Diyos.

14.

Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng pagsunod sa salita ni Hesus na,

“Angmapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya

sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.”?

a)

a. Mula sa mahirap na pamilya si Art. Gamit ang angking talento at pagsusumikap ay naiahon niya

ang kaniyang pamilya.

b)

b. Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Candy sapagkat nadatnan nila ang kanilang bahay na malinis ayon sa

kanilang inaasahan sa anak bago sila umalis.

c)

c. Inutusan si James ng kaniyang ina na bumili sa tindahan ngunit hindi na naibalik ni James ang

sukli sa kaniyang ina hanggang sa nakalimutan na niya ito.

d)

d. Isang mahusay na empleyado si Mark sa kanilang kompanya. Gayon pa man, ibinubuhos lamang

niya ang kanyang buong husay kapag alam niyang may kapalit itong gantimpala.

15.

Alin sa mga sumusunod ang higit na naglalarawan sa mga Pariseong kumutya kay Hesus?

a)

a. magnanakaw

b)

b. mapanghusga

c)

c. mapanudyo

d)

d. sakim

16.

Piliin ang angkop na pang-ugnay na bubuo sa diwa ng buong talata.

Itinuturing ng World Health Organization na isang pandemic ang Corona Virus Disease 2019 na

lumaganap mula sa China hanggang sa iba’t ibang panig ng mundo.

(16) ____________ ikinabahala ito ng

maraming bansa at nagdulot ng malaking epekto sa kani-kaniyang ekonomiya gaya ng Pilipinas. Isinara ang iba’t

ibang lugar sa bansa (17) ____________ ang mga establishemento maliban sa mga nagbibigay ng mga pangunahing

pangangailangan. (18) ____________ hindi makapagtrabaho ang maraming mamamayan (19) ____________ gutom

ang dinanas ng marami. Tiniyak naman ng pangulo na mayroong aasahan gobyerno ang mga mamamayan at

(20) ____________ humiling siya ng panalangin para sa pamahalaan at sa mga frontliner.

a)

kaya't

b)

pagkatapos

c)

bunga nito

d)

kaya naman

17.

Piliin ang angkop na pang-ugnay na bubuo sa diwa ng buong talata.

Itinuturing ng World Health Organization na isang pandemic ang Corona Virus Disease 2019 na

lumaganap mula sa China hanggang sa iba’t ibang panig ng mundo.

(16) ____________ ikinabahala ito ng

maraming bansa at nagdulot ng malaking epekto sa kani-kaniyang ekonomiya gaya ng Pilipinas. Isinara ang iba’t

ibang lugar sa bansa (17) ____________ ang mga establishemento maliban sa mga nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan. (18) ____________ hindi makapagtrabaho ang maraming mamamayan (19) ____________ gutom

gayundin

18.

19.

20.