Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagdalumat sa mga Salita ng Taon

Total questions: 15

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Nangangahulugan itong malalim na pagtingin o paglirip sa anumang bagay

a)

Pagtitig

b)

Pagdalumat

c)

Pagsipat

d)

Pagsusuri

2.

Ang taunang proyekto ng Filipinas Institute of Translation (FIT) na pumipili sa salita ng taon na may malaking dating sa lipunang Pilipino.

a)

SALITAAN

b)

KASABIHAN

c)

SAWIKAAN

d)

KAWIKAAN

3.

Ang lahat ay pamantayan sa pagtatanghal sa salita ng taon MALIBAN sa ____________________.

a)

Bagong imbento

b)

Bagong hiram na mula sa katutubo o banyagang wika

c)

Luma ngunit may bagong kahulugan

d)

Pinasíkat ng milenyal

4.

Ang salita ng taon na may kinalaman sa mano-manong eleksiyon noong 2004

a)

canvass

b)

dagdag-bawas

c)

terorista

d)

korap

5.

Anong salita ng taon noong 2010 ang may kaugnayan sa pagbabagong anyo ng wika? Halimbawa nito ang "musta na u? D2 na m."

a)

jejebuster

b)

jejenese

c)

jejemon

d)

jejelanguage

6.

Anong pangyayari noong 2016 ang nagsilang sa salitang fotobam?

a)

Paglaganap ng mga meme kaugnay sa pagsira ng vista (view) ng retratong kinukuha

b)

Pagpapatayo ng Torre de Manila na nakasira sa vista (view) ng monumento ni Rizal

c)

Paglaganap ng selfie at groupie

d)

Pagpapatayo ng mga subdibisyon sa mga palayan sa karatig pook ng Maynila

7.

Saan galing ang salitang na tokhang na salita ng taon noong 2018 dahil sa kontrobersiyal ba programa ng pamahalaan sa pagsugpo ng droga?

a)

toktok + hangyo

b)

katok + hayo

c)

toktok + humayo

d)

katok + humalili

8.

Ang pagkuha ng sariling larawan at pag-post sa social media ang nagsilang sa salitang _______________.

a)

selfie

b)

emoji

c)

groupie

d)

GGSS

9.

Sa anong taon, sumíkat ang wangwang dahil sa kampanyang Tuwid na Daan ng bagong pangulo?

a)

2012

b)

2011

c)

2013

d)

2009

10.

Alin sa sumusunod ang bagong kahulugan ng miskol na lumaganap noong 2007 dahil sa pamamayagpag ng mga mobile phones sa bansa?

a)

hindi nasagot na tawag

b)

hindi sinasadyang tawag

c)

pagpaparamdam at pagtitiyak kung ginagamit pa ng tinawagan ang kaniyang numero

d)

Pagpapansin

11.

Ano ang bagong kahulugan ng lobat na malayo sa kahulugan nito sa mobile technology?

a)

matinding pagod

b)

mabilis na pagkasawa

c)

madalas na pagkabalisa

d)

pagkalungkot

12.

Ang Salita ng Taon 2005 na maglalarawan sa malawakang impluwensiya ng nasa may kapangyarihan at nasa politika

a)

Huweteng

b)

Networking

c)

Caregiver

d)

SPA

13.

Bakit may lumalaganap na salita sa bawat taon?

a)

Dahil may nagpapauso

b)

Dahil marami ang nagpapakalat nito lalo sa social media

c)

Dahil sa impluwensiya ng mga taong gumagamit nito

d)

Dahil may na tumatak na karanasan ng lipunan kaugnay nito

14.

Alin sa sumusunod ang maaaring matanghal na Salita ng Taon 2020 kaugnay sa iringan sa mga partido sa politika?

a)

Marcos Loyalist

b)

Diláwan

c)

Liberal

d)

Lugaw

15.

Ang lumalaganap na salita nang maluklok si Pangulong Duterte na tumutukoy sa kaniyang mga tagasuporta. Huma(ha)rap din sila sa samot-saring batikos dahil sa 'di-umano'y pagbubulag-bulagan sa totoong nangyayari sa lipunan.

a)

Diláwan

b)

DDS

c)

EJK

d)

Duterte pa rin