Font size
WorksheetsBARAYTI NG WIKA
Total questions: 20
Worksheet time: 18mins
Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad.
Register
Pidgin
Creole
Homogenous
Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti. Sinasabing walang buhay na wika ang ganito sapagkat kailanman ay hindi maaaring maging pare-pareho ang pagsasalita ng lahat ng gumagamit ng isang wika.
Heterogenous
Homogenous
Dayalek
Idyolek
Barayti ng wikang nangyayari kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika at di nakaaalam sa wika ng isa’t isa.
Dayalek
Etnolek
Creole
Pidgin
Katangian ng wikang nagpapakitang ito’y hindi maaaring maging puro sapagkat ang bawat wika ay binubuo ng iba’t ibang barayti dala na rin ng mga salik panlipunang nagiging dahilan sa pagkakaiba iba ng mga ito.
Heterogenous
Homogenous
Jargon
Etnolek
Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
Register
Etnolek
Idyolek
Dayalek
Ito ang barayti ng wika kung saan lumulutang ang personal na katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
Creole
Sosyolek
Dayalek
Idyolek
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawiganin, rehiyon, o bayan.
Dayalek
Sosyolek
Creole
Homogenous
Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba iba sa katayuan o antas panlipunan o dimensyonng sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Sosyalek
Ekolek
Sosyolek
Register
Ito ang tawag sa wika ng mga bakla o beki na nagsimula bilang sikretong wika subalit kalauna’y ginagamit na rin ng nakararami.
Sosyolek
Regsiter
Idyolek
Dayalek
Ito ang barayti ng wikang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat etniko.
Pidgin
Etnolek
Creole
Dayalek
Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
(a)
Nagta-Tagalog din ang mga taga-Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng mga taga-Metro Manila.
(a)
Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang malutong niayng “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
(a)
Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
(a)
Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng kanilang mga naging anak.
(a)
Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a. “Dana” ang mga salitang charot, chaka, bigalou, at iba pa.
(a)
Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan. . Narinig niya ang usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y alam na niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
(a)
Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal ang paraan nila ng pagsasalita.
(a)
Natutuhan ni Joven ang salitang “vakkul” mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes. Saan man siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
(a)
“Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang programang Rated K. Kahit hindi ka nakatingin sa telebisyon at naririnig lamang ang kanyang pagsasalita ay tiyak na malalaman mong si Korina nga ito dahil sa sarili niyang estilo ng pagbigkas.
(a)
