wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGSUSULIT SA PN 11

Total questions: 20

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Tumutukoy ito sa wikang kinagisnan ng isang bata o ng isang tao magbuhat nang siya ay ipinanganak.

a)

Unang wika

b)

Pangalawang wika

c)

Pangatlong wika

2.

Maaari itong tawagin bilang, mother tongue, sinusong wika at/o katutubong wika.

a)

Pangatlong wika

b)

Pangalawang wika

c)

Unang wika

3.

Ito ay tumutukoy sa wikang maaaring matutunan ng isang tao sa telebisyon, sa kaklase, sa kalaro, sa kanyang guro o sa kanya mismong magulang.

a)

Pangatlong wika

b)

Pangalawang wika

c)

Unang wika

4.

Nagagamit mo ang wikang ito sa iyong pakikiangkop sa lumalawaj na mundong iyong ginagalawan.

a)

Unang Wika

b)

Pangalawang Wika

c)

Pangatlong Wika

5.

Si Benok ay tatlong taong gulang, naririnig niya ang mga magulang niyang madalas mag-away at magmurahan. Isang araw habang naglalaro siya sa sala ay nasabi niya ang salitang "puta."


Batay sa sitwasyon na ipinakita, ano ang wikang natutuhan ni Benok?

a)

Unang Wika

b)

Pangalawang Wika

c)

Pangatlong Wika

6.

Si Ruffa ay ipinanganak sa Cebu kaya naman mahusay siyang gumamit ng wikang Cebuano kahit pa marunong siyang gumamit ng Wikang Ingles at Wikang Filipino. Wikang Cebuano pa rin ang pinipili niyang gamitin sa araw-araw lalo na sa loob ng kanilang pamamahay.


Si Ruffa ay kakikitaan ng kahusayan sa paggamit ng kanyang _____________?

a)

Pangatlong Wika

b)

Pangalawang Wika

c)

Unang Wika

7.

Si Mora ay anak ng mga Indiyanong piniling manirahan sa Pilipinas. Sa kanyang paglaki ay unti-unti siyang pinaoayagan ng kanyang mga magulang na makihalubilo sa ibang tao kung saan madalas niya marinig ang mga salitang, "Tara, laro tayo," "Ikaw ang taya," "Ayoko na nga."


Ang nabasang sitwasyon ay nagpapakita ng pagkatuto ni Mora ng kanyang __________?

a)

Pangatlong Wika

b)

Pangalawang Wika

c)

Unang Wika

8.

Si Bryan ay isang Bikolano na exchange student mula sa Pilipinas. Siya ay ipinadala sa bansang Hapon upang doon ipagpatuloy ang kanyang kursong Medisina. Sa loob ng isang buwan na pananatili niya sa bansang Hapon ay may iilang salita ng Nihonggo na siyang natutuhan.


Ang nabasang sitwasyon ay nagpapakita ng pagkatuto ng ____________?

a)

Unang Wika

b)

Pangalawang Wika

c)

Pangatlong wika

9.

Si Ben-ben ay hindi tinuruan magsalita ng wikang Ingles ngunit madalas manood ng mga palabas na pambata buhat sa bansang Amerika kaya laking gulat na lamang ng kanyang mga magulang nang isang araw ito ay magsalita ng "How are you?"


Sa sitwasyong nabasa, anong wika ang natutuhan ni Ben-ben?

a)

Unang Wika

b)

Pangalawang Wika

c)

Pangatlong Wika

10.

Si Annabelle ay isang mag-aaral sa sekondaryang antas at siya ay mahilig makinig ng mga kanta ng BTS, EXO, Twice at Blackpink. Dahil lubusan niyang hinahanggaan ang mga nasabing grupo ay inaral niya ang wika ng mga ito.


Ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagkatuto ng ___________?

a)

Pangatlong Wika

b)

Unang Wika

c)

Pangalawang Wika

11.

Ano ang Wikang Panturo ng Pilinas?

a)

Filipino at Ingles

b)

Tagalog at Ingles

c)

Kastila at Filipino

d)

Tagalog at Kastila

12.

Patakaran na umiiral sa isang bansa gaya ng Japan at South Korea na gumagamit lamang ng iisang wika sa pakikipagkomunikasyon sa lahat ng larangan.

a)

Bilingguwalismo

b)

Monolingguwalismo

c)

Multilingguwalismo

13.

Tawag sa kakayahan ng isang tao na gamitin nang may pantay na kahusayan ang kanyang L1 at L2

a)

Balanced Lingual

b)

Balanced Bilinggual

c)

Fair Lingual

d)

Fair Bilinggual

14.

Sa Pilipinas ay mayroong dalawang Wikang Panturo at ang bawat wika ay itinuturo bilang magkaibang asignatura.

a)

Monolingguwalismo

b)

Bilingguwalismo

c)

Multilingguwalismo

15.

Tumutukoy sa patakarang ipinatupad ng DepEd upang mabigyan ng tuon at pansin ang iba't ibang wika at wikain sa Pilipinas sa larangan ng edukasyon.

a)

Mother Tongue

b)

Multi Lingual Education

c)

MTB-MLE

16.

Taong 2012 ay naglabas ang DepEd ng 8 lingua franca sa Pilipinas. Alin ang hindi kabilang dito?

a)

Sambal

b)

Tagalog

c)

Pangasinense

d)

Waray

17.

Naglalarawan ito sa isang bansang mayroong wika na higit sa isang-daan.

a)

Monolingguwalismo

b)

Bilingguwalismo

c)

Multilingguwalismo

18.

Si Manny ay isang Amerikano na matagal nang naninirahan sa Pilipinas kasama ang kanyang Pilipinang asawa. May kakayanan na rin siyang makaunawa at makapagsalita ng Wikang Filipino. Si Manny ay isang _________.

a)

Monolingguwal

b)

Bilingguwal

c)

Multilingguwal

19.

Ito ay mamarkahan, manually ng guro.


Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap. Isulat ang PANGALAN ng IYONG CRUSH kung mali ang ipinapahayag ng pangungusap.


Tanong: Ang Pilipinas ay isang monolingguwal na bansa.

(a)  

20.

Ito ay mamarkahan, manually ng guro.


Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap. Isulat ang PANGALAN ng IYONG CRUSH kung mali ang ipinapahayag ng pangungusap.


Tanong: Ang Pilipinas ay isang arkipelago kaya tayo ay bansang mutilingguwal.

(a)