WorksheetsFilipino 3 - 1QA2 Salitang Magkatugma at Kayarian ng salita
Total questions: 40
Worksheet time: 1hrs 10mins
Mga salita na may magkasingtunog ang dulumpantig ng mga ito. Ito ay nagbibigay ng ganda at dulas sa pagbigkaS ng tulang may tugma.
magkasalungat
makasingkahulugan
magkatugma
magkaparehas
Ang lapis ni Brenda ay manipis. Ang mga salitang nasalungguhitan ay salitang ______.
magkasingkahulugan
magkasalungat
magkatugma
wala sa mga nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang mga salitang magkatugma?
gatas at prutas
hikaw at hagdan
kalabaw at naligaw
nahulog at ilog
makulay gulay
Ang batang malusog ay laging busog. Alin ang salitang magkatugma?
batang at busog
laging at malusog
busog at laging
malusog at busog
Malinis tignan ang batang si Hanna. Ang kanyang kutis ay makinis. Alin ang mga salitang magkatugma?
tignan at kanyang
kutis at batang
malinis at makinis
batang at Hanna
Inilagay ni Tatay sa likuran ng bahay ang aming basurahan. Alin ang salitang magkatugma?
inilagay at basurahan
likuran at basurahan
Tatay at likuran
inilgay at basurahan
Inilagay ni Tatay sa likuran ng bahay ang aming basurahan. Alin ang mga salitang magkatugma?
inilagay at bahay
tatay at bahay
likuran at basurahan
bahay at basurahan
inilagay at tatay
Ano ano ang mga kayarian ng salita?
tambalan
klaster
inuulit
payak
maylapi
Ito ay salitang binubuo ng basal na salita o salitang ugat lamang. wala itong kasamang panlapi at walang pag-uulit na salita.
inuulit
payak
maylapi
tambalan
Alin sa mga sumusunod ang hindi salitang payak?
nanay
yakap
luto
suklayan
Ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi o mga panlapi?
tambalan
inuulit
maylapi
payak
Uri ng panlapi na nilalagay sa unahan ng salita?
kabilaan
gitlapi
hulapi
unlapi
UrI ng panlapi na inilalagay sa gitna ng salita?
kabilaan
gitlapi
unlapi
hulapi
Uri ng panlapi na inilalagay sa hulihan ng salita?
gitlapi
kapilaan
hulapi
laguhan
Uri ng panlapi na inilalagay sa unahan at hulihan ng salita?
unlapi
kabilaan
laguhan
gutlapi
Uri ng panlapi na inilalagay sa una, gitna at hulihan ng salita?
laguhan
kabilaan
gitlapi
unlapi
Alin sa mga sumusunod ang unlapi?
natulog
masakit
pansulat
itiman
kasipag
Alin sa mga sumusunod ang mga salitang gitlapi?
sumikat
hinulog
listahan
lumutang
kumain
Alin sa mga sumusunod ang hulapi na salita?
sikapin
tulungan
hugasan
naiyak
kagatin
Alin sa mga sumusunod ang panlapi na kabilaan?
magtaguan
nadapa
nagbiruan
pinagtawanan
magsigawan
Ito ay salitang binubuo ng pag-uulit ng isang bahagi o buong salita?
payak
tambalan
maylapi
inuulit
Alin sa mga sumusunod ang mga salitang inuulit?
putol-putol
maliit-liit
tamang-tama
bahaykubo
salita ng salita
Alin sa mga sumusunod ang mga salitang inuulit?
iyak-iyakan
pinaglaruan
galit na galit
masayang masaya
bibili
Ito ay salitang binubuo ng pinagtambal o pinagsamang dalawang salitang bumubuo ng isang bagong salita
inuulit
payak
maylapi
tambalan
Uri ng tambalan na nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.
Halimbawa: dalagang-bukid
Tambalang naiba na ang kahulugan
tambalang nananatili ang kahulugan
Uri ng tambalan na naiba na ang kahulugan sa orihinal na kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.
Halimbawa: bahaghari
tambalang nananatili ang kahulugan
tambalang naiba na ang kahulugan
Anong salita ang naiiba at hindi napapabilang sa grupo?
bahaghari
balikbayan
taingang-kawali
dalagang-bukid
Alin ang salitang naiiba ang kayarian.
inutos
mataas-taas
mapagkakatiwalaan
duguan
Alin ang salitang naiiba ang kayarian.
bagay-bagay
kapuri-puri
bagung-bago
pakpak
Alin ang salitang naiiba ang kayarian.
alagaan
tatsulok
singsing
kahoy
Alin ang salitang naiiba ang kayarian.
taas-noo
lumang-luma
kapus-palad
balat-sibuyas
Alin ang salitang naiiba ang kayarian.
binulong
karamihan
tanim
ginawa
Alin ang salitang naiiba ang kayarian.
balikbayan
hanapbuhay
punongkahoy
pambansa
Salitang-ugat ng magkakaibigan?
(a)
Salitang ugat ng gumuho?
(a)
Uri ng kayarian ng salita ng salitang payapa?
(a)
Uri ng kayarian ng salita ng salitang pantay-balikat?
(a)
Uri ng kayarian ng salita ng salitang walang-wala?
(a)
Uri ng kayarian ng salita ng salitang nakahanda?
(a)
Uri ng kayarian ng salita ng salitang abot-kaya?
(a)
