wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Denotatibo at Konotatibo

Total questions: 17

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Ang takot, ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. ano ang denotatibong kahulugan ng "alaala ng isang lasing na suntok sa bibig"?

a)

Tumatak sa isipan

b)

Hindi makalimutan

2.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito. Ang salitang kaluwagang-palad ay bukas-palad.

a)

Denotatibo

b)

Konotatibo

3.

Kung umuuwi ito ng pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Ano ang konotatibong salita ng " umakit sa malaking kamay"?

a)

Nakahikayat

b)

Nagpagalit

c)

Nagpainit ng ulo

d)

Nanghampas

4.

Kung umuuwi ito ng pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Ano ang denotatibong salita ng " umakit sa malaking kamay"?

a)

Nagpasigaw

b)

Nagpainit ng ulo

c)

Nagpainis

d)

Nagpagalit

5.

Ano ang konotatibong kahulugan ng "nagpapangilo sa nerbyos"

a)

Nagpapanginig sa kaba

b)

Nagpaalab ng galit

6.

Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli; para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Ang denotatibong kahulugan ng "matigas ang loob" ay matibay ang loob.

a)

Tama

b)

Mali

7.

ibigay ang konotatibong kahulugan na nasa larawan

a)

Uri ng Anyong tubig

b)

Sumisimbolo sa agos ng buhay

8.

ibigay ang kahulugang denotatibo ang nasa larawan

a)

Simbolong karunungan

b)

Gamit kaalaman

9.

Ang nasa larawan ay nangangahulugan sa konotatibong pahayag na _________________

a)

isang uri na gas na namuo sa kalangitan

b)

sumisimbolo sa mga pangarap na nabuo

10.

Sa konotatibong pagpapakahulugan ito ay nangangahulugang _______________________

a)

sanga-sangang daan

b)

landas na tatahakin

11.

ang rosas ay nangangahulugan sa denotatibong pahayag na _________________-

a)

isang uri ng bulaklak na may mabangong amoy

b)

sumisimbolo ng pag-ibig ng isang tao

12.

Ang bahaghari kung bibigyang pagpapakahulugan sa konotatibong pahayag ito ay nangangahulugan ng ______________________

a)

pulutong ng kulay na nasa anyo ng kalahati o buong bilog.

b)

simbolo ng pag-asa

13.

Denotatibo ang kahulugan ng isang salita kung ito ay hango sa (a)   .

14.

Kapag ang isang salita ay may ekstrang kahulugan, kaisipan, o pahiwatig na nakadepende sa layunin ng gumagamit ito ay tinatawag na (a)   kahulugan.

15.

Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap sa ibaba?


Dinaan ni Peping si Karmen sa mga pambobola upang ito siya ay ibigin nito.

a)

paglalaro

b)

laruang hugis bilog

c)

matatamis na salita

d)

pamimilit

16.

Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap sa ibaba?


Si Vincent ay bulag sa katotohang siya ay niloloko ng kanyang iniibig.

a)

hindi nakakakita

b)

walang paningin

c)

walang alam

d)

masaya

17.

Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap sa ibaba?


Naghayag na naman si Ramon ng mga kuwentong barbero.

a)

kuwento sa paggugupit

b)

kasinungalingan

c)

katotohanan

d)

kagandahan