WorksheetsLAGUMANG PASULIT SA FILIPINO
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Anong tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari?
A. Kongkreto
B. Lansakan
C. Pangngalan
D. Pantangi
Ang karangalan na natanggap ko sa sinalihan kong paligsahan ay ipinagbunyi ng lahat ng aming mga kasama. Ang salitang nakalimbag ay anong uri ng pangngalan?
A. Basal
B. Kongkreto
C. Lansakan
D. Pambalana
Malaki ang magagawa mo upang masagip ang bansa sa problema nito sa basura. Ang ang ibig sabihin ng salitang nakalimbag?
A. Mapahamak
B. Masayang
C. Matulungan
D. Tuloy-tuloy
Anong tawag sa paglalarawan ng buhay na nagtataglay ng madamdaming pahayag at binibigkas ng masining o puno ng damdamin?
A. Bugtong
B.Maikling kuwento
C. Sanaysay
D. Tula
Ito ang mga ngalang tumutukoy sa mga bagay na walang kasarian.
A. Panlalaki
B. Pananda
C. Walang Kasarian
D. Di-Tiyak
Anong tawag sa isang pangkapaligirang suliranin na kung saan ito ay tumutukoy sa walang habas na pagputol ng mga kahoy sa kagubatan?
A. Deforestation
B. Habitation
C. Illegal logging
D. Land conversion
Anong ahensya o kagawaran ang tumutulong upang masagip ang kagubatan sa bansa?
A. DOH
B.DENR
C. DOLE
D. PAG-ASA
Sinong doktor ang unang nakaimbento ng incubator na yari sa kawayan?
A. Fe del Mundo
B. Rey Aquino
C. Sally Parino
D. Wally Amor
Ito ang tawag sa espesyalistang doktor na para sa ngipin.
A. Cardiologist
B. Dentista
C. Neurologist
D. Podiatrist
Anong tawag sa pinakapopular na uri ng media na nagagamit sa halos ng tao at ito ay kasalukuyang napapanahon?
A. Balita
B. Broadcast Media
C. Diaryo
D. Media
Anong uri ng panghalip ang sumasaklaw sa kaisahan, dami o kalahatan ng pangngalan?
A. Pamatlig
B. Panaklaw
C. Pananong
D. Panao
Ano ang salita o katagang ginagamit sa pagtatanong tungkol sa bagay, panahon, lunan, at mga pangyayari ito ay nagmula sa salitang tao?
A. Pamatlig
B. Panaklaw
C. Pananong
D. Panao
Dito magiging masaya at payapang mamuhay. Ang salitang nakalimbag ay tumutukoy sa anong panauhan?
A. malayo sa nag-uusap
B. malapit sa taong nagsasalita
C. malayo sa pinag-usapan
D. malapit na malapit sa nag-uusap
Tukuyin kung anong gamit ng pangngalan ang salitang sinalungguhitan sa pangungusap.
Kumakain ng matatamis na mangga ang mga bata.
Simuno o Paksa
Layon ng Pandiwa
Pangngalang Pamuno
Paari
Tukuyin kung anong gamit ng pangngalan ang salitang sinalungguhitan sa pangungusap.
Si G. Rosario ay kawani sa munisipyo ng kanyang siyudad.
Simuno
Pantawag
Kaganapang Pansimuno
Pangngalang Pamuno
Tukuying kung anong Kasarian ng Pangngalan ang sinalungguhitan sa pangungusap.
Ang mga kabataan ay nanguna sa isang proyekto sa kanilang lugar.
Panlalaki
Pambabae
Walang Kasarian
Di-Tiyak
Punan ng tamang panghalip panaklaw ang linya upang mabuo ang diwa sa pangungusap.
Ang (a) ay magiging apektado kapag tuluyang nasira ang ating kapaligiran.
Gamitin sa pangungusap ang panghalip pananong na "Bakit?"
Gamitin sa pangungusap ang panghalip panao na "Ikaw."
Naghimutok ang mga bata nang hindi mapagbigyan ang kanilang kagustuhan. Ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan ay_______.
A. Nagdiwang
B. Nagtago
C. Nagtampo
D. Nagdamdam
