NEW
Font size
WorksheetsESP 8 MOD 1 LESSON 2: SUBUKIN
Total questions: 15
Worksheet time: 6mins
Nasira ang bahay ng kapitbahay nina Janna noong nagdaang bagyong Shina. Sila ay pinatira muna nila Janna sa kanilang bahay dahil naawa ito sa kanila.
Anong kaugalian ang umiiral kay Janna?
Ang pagkamatulungin ni Janna
Naging mapagkumbaba siya sa iba
pagapakita ng malasakit sa kapwa
pagiging mabait s nangangailangan
Nagkasakit ang asawa ni Rina, wala silang trabaho kaya pansamantala silang pinatira sa bahay ng kanyang byenan upang maipagamot ang kaniyang asawa. Aling katangian ang ipinakita ng kaniyang byenan?
madaslin
matulungin
mapagkunwari
mapagkumbaba
Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya? Upang:
Maging matatag ang pamilya
Maayos aang pagtrato ng bawat isa
Mapanatili ang respeto sa isa't isa
Magkaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya
Tuwing Linggo hindi lumiliban ang pamilyang Malabanan sa pagsisimba. Anong kaugalian ang umiiral sa pamilyang Malabanan?
Walang kaguluhan sa pamilya
nanatiling masunurin ang pamilya
umiiral ang pagmamahalan sa pamilya
may matatag na pananampalataya ang pamilya
Ang mag-asawang Lorna at Lino ay matagal nang gustong magkaroon ng anak. Pumunta sila sa lugar ng Obando, Bulacan upang manalangin, sumayaw sa harap ng simbahan sa paniniwalang diringgin ang kanilang panalangin. Ano ang gustong iparating ng karanasan ni Lorna at Lino?
milagrong maituturing
may matatag na paniniwala
pagnanais nilang magkaroon ng anak
pagbibigay halaga sa pananampalataya
Tumutulong si Myrna sa kaniyang ina sa pagbabantay ng kanilang tindahan pagkatapos ng kaniyang klase. Anong katangian ang umiiral kay Myrna?
pagtanaw ng utang na loob sa iba
pagpapakita ng pagkamatulungin
pagiging maalalahanin sa kanyang ina
resulta ng pagmamahal niya sa kaniyang ina
Lumaki sai Lucas na hindi nya parating kasama ang kaniyang mga magulangdahil sa trabaho nila. Ang lagi niyang kasama ay ang kaniyang lola. Halos ito na anag nagpalaki sa kaniya, kaya gagawin nya ang lahat para sa kanya. Anong katangian ang ipinapakita ni Lucas sa kaniyang Lola?
naaawa siya sa kanyang lola
pagpapakita ng pagkamatulungin
labis na pagmamahal para sa kaniyang lola
sinusuklian niya ng kabutihan ang ginawa ng lola
Nakasanayan Ni Melba na tuwing Pasko ay may handog siyang laruan sa mga batang mahihirap. Anong damdamin ang pinapoairal ni Linda tuwing Pasko?
mapagbigay sa mga bata
matulungin lalo na sa mga bata
ibinabalik lamang niya ang iyaya sa iba
labis na pagmamahal sa mga mahihirap na bata
Ang baryo Pag-asa ay isang liblib at malayong lugar. Kaya laking tuwa ng mga taga roon nang may dumating na doktor na libre ang panggagamot. Anong katangian ang pinapairal ng doktor?
matulungin sa kapwa
isang mabait na doktor
may malasakit sa mga nangangailangan
umiiral ang pagmamahal sa baryo Pag-asa
" Mas diringgin ng Pnaginoon kung marami ang nagdarasal sa isang pamilya kaysa nag-iisa." Anong kaugalian ang ipinapahiwatig ng kasabihan?
nakagawian na sa pamilya
sama-samang nagdarasal ang mag-anak
binibigyan ng halaga ang pananampalataya
masidhing pananampalataya sa Panginoon
Ang kumain nang sabay-sabay ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino. Ano ang magandang dulot ng kaugaliang ito?
respeto sa pamilya
pagiging buo ng pamilya
pagpapahalaga sa kaugalian
nagpapatibay ng samahan ng pamilya
Sa mga pagsubok o suliranin na kinakaharap ng bawat pamilya, hindi nawawala ang paghingi ng tulong sa Panginoon sa pamamagaitan ng panalangin. Bakit kailangang pairalin ang pagiging madasalin ng pamilyang Pilipino?
malampasan ang lahat ng suliranin
mapagtibay ang samahan ng pamilya
mas tumatag ang ugnayan sa Panginoon
hindi madaling sumuko sa anumang pagsubok
Tuwing kaarawan ng anak ni Gng. Yabut sila ay naghahanda ng pagkain hindi lamang sa kanilang mahalagang bisita kundi maging sa kanilang mga kapitbahay tanda ng kanilang pasasalamat. Anong kaugalian ang ipinapakita ng pamilyang Yabut?
mababait ang pamilyang Yabut
umiiral sa kanila ang pagkamatulungin
may pantay-pantay na pakikitungo sa kapuwa
likas talaga sa kanila ang pagbibigay sa kapuwa
Bakit umiiral s apamilya ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya? Dahil?
may bukas na komunikasyon ang pamilya
may respeto ang bawat miyembro ng pamilya
may pagpapahalaga ang bawat isa sa pamilya
pantay-pantay ang pakikitungo nila sa isa't isa
Si Ana ay likas na matulungin sa kaniyang mga magulang pinagsasabay nito ang pag-aaral at pagtitinda ng mga kakanin sa paaralan. Anong birtud ang ipinamamalas ni Ana?
pagtulong
pagmamahal
pakikipagkapwa
pananampalataya
