wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 7 Short Quiz

Total questions: 50

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin ang mga sumusunod na mga pangungusap. Piliin sa ibaba ang sagot.


1. Ito ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipaglaban ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway.

a)

Alamat

b)

Epiko

c)

Maikling kuwento

d)

Nobela

2.

2. Ito ay isang pasalaysay na nagpapalipat-lipat sa bibig ng ating ninuno na likhang isip lamang.

a)

dula

b)

kuwentong-bayan

c)

salaysay

d)

tula

3.

3. Ito ay isang uri ng piksyunak na panitikan na ang mga tauhan ay mga hayop, halaman, mga bagay na nagbibigay o nagsisilbing gabay sa buhay at nagtuturo ng mga magagandang asal.

a)

alamat

b)

dula

c)

kuwentong-bayan

d)

pabula

4.

4. Ito ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan. Maaaring totoo o likha lamang ng malawak na imahinasyon ng isang manunulat ang mga pangyayari.

a)

alamat

b)

dula

c)

epiko

d)

tula

5.

5. Ito ay salamin ng buhay. Ginawa ito upang itanghal at maghatid ng aral. Binigyan ito ng interpretasyon ng mga mandudula upang higit na makapanghikayat ng mga manonood.

a)

alamat

b)

pabula

c)

dula

d)

kuwentong-bayan

6.

6. Ito ang ekspresyong ginagamit kapag ang pangyayari ay may posibilidad na magaganap sa pangyayaring kinasasangkutan o nagpapakita ng paninigurado.

a)

Baka

b)

Maaari

c)

Marahil

d)

Siguro

7.

7. Ito ay ekspresyong nagpapakilala ng agam-agam, hinala, takot, alinlangan, walang kasiguraduhan, o pag-aalala.

a)

Baka

b)

Maaari

c)

Marahil

d)

Siguro

8.

8. Ito ay ekspresyong nagpapakita ng pag-aalinlangan sa sinabi o pagkakagawa sa mismong pangyayari.

a)

Baka

b)

Maaari

c)

Marahil

d)

Siguro

9.

9. Ito ay ekspresyong nagpapakita ng walang katiyakan. Ito rin ay nangangahalugang wari, para, mukha, at iba pa.

a)

Baka

b)

Marahil

c)

Tila

d)

Maaari

10.

10. Ito ang ekspresyong ginagamit kapag ang pangyayari ay posibleng mangyari.

a)

Baka

b)

Maaari

c)

Tila

d)

Marahil

11.

Panuto: Bigyang DAHILAN ang mga sumusunod na mga sitwasyon.


11. Nabasa sa ulan si Michelle

4 lines
12.

12. Napagalitan ang bata ng kaniyang ina.

4 lines
13.

13. Nag-away ang matalik na magkaibigan.

4 lines
14.

14. Bumagsak sa Matematika ang mag-aaral.

4 lines
15.

15. Walang takdang-aralin si Melvin.

4 lines
16.

Panuto: Piliin ang TAMA kung wasto ang diwang ipinapahayag sa tamang paraan ng pagsusuri ng maikling kwento at MALI kung ang pahayag ay di wasto.


16. Matapos na mabasa ang kuwento, mainam na piliin lamang ang isyu na iyong gusto at ito ang pagtuunan ng pansin.

a)

Tama

b)

Mali

17.

17. Sa pagsusuri ng kuwento, mas mainam kung may makakausap ka na nakabasa na nito upang makapalitan mo ng ideya.

a)

Tama

b)

Mali

18.

18. Ang maingat na pagbabasa ng kuwento ay isang hakbang upang maunawaan mong mabuti ang nilalaman nito.

a)

Tama

b)

Mali

19.

19. Dahil sa nakabuo ka na ng malinaw, magandang balangkas, maaari mo ng paghiwa-hiwalayin ang lahat ng impormasyon upang mas maunawaan ng mambabasa ang iyong ginawang kuwento.

a)

Tama

b)

Mali

20.

20. Kapag nakapili ka na ng paksa, muli mong balikan ang mga pangyayari sa kwento upang mabigyan ng patunay ang alinmang pahayag na iyong binanggit.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na mga pahayag o salita. Piliin kung ito ay nagsasaad ng PAGHANGA, SAMBITLA, EKSISTENSYAL, PORMULASYONG PANLIPUNAN, PAMANAHON, at PAUTOS.


21. Kunin mo ang iyong mga gamit na nasa iyong kwarto.

a)

Pautos

b)

Pormulasyong Panlipunan

c)

Paghanga

d)

Eksistensyal

22.

22. Paalam na aking mga minamahal na kababayan.

a)

Pautos

b)

Pormulasyong Panlipunan

c)

Paghanga

d)

Eksistensyal

23.

23. Ang ganda niya!

a)

Pautos

b)

Pormulasyong Panlipunan

c)

Paghanga

d)

Eksistensyal

24.

24. Tayo ay mayroon ng klase sa Filipino.

a)

Pautos

b)

Pormulasyong Panlipunan

c)

Paghanga

d)

Eksistensyal

25.

25. Ala singko pa lang ng umaga ay gising na ang mga mag-aaral.

a)

Pautos

b)

Eksistensyal

c)

Sambitla

d)

Pamanahon

26.

26. Yeheyy!

a)

Pautos

b)

Eksistensyal

c)

Sambitla

d)

Pamanahon

27.

27. Magpa-pasko na!

a)

Pautos

b)

Eksistensyal

c)

Sambitla

d)

Pamanahon

28.

28. Walang tao sa gusaling iyon.

a)

Pautos

b)

Eksistensyal

c)

Pormulasyong Panlipunan

d)

Pamanahon

29.

29. Halika rito at kumain ka na.

a)

Pautos

b)

Eksistensyal

c)

Pormulasyong Panlipunan

d)

Pamanahon

30.

30. Magandang Araw!

a)

Pautos

b)

Eksistensyal

c)

Pormulasyong Panlipunan

d)

Pamanahon

31.

Panuto: Piliin ang salitang KASINGKAHULUGAN ng may malaking letra.


31. Hindi ko sukat akalain na siya pala ay isang BALAKYOT.

a)

marumi

b)

makasalanan

c)

mapanlinlang

d)

mabaho

32.

32. NASASALAMIN sa kaniyang mukha ang pagnanais na makahingi ng tawad sa kaniyang mga magulang.

a)

namamasid

b)

nababakas

c)

minamasdan

d)

nakikita

33.

33. Ang TUMANGHOD sa kumakain ay hindi magandang asal.

a)

tumingin

b)

manood

c)

magmasid

d)

tumunganga

34.

34. Hindi siya NAG-URONG-SULONG sa pagtulong sa mga mahihirap at kapus-palad.

a)

nalito

b)

naguluhan

c)

nag-alinlangan

d)

nag-atubili

35.

35. Ang ABRIGO na ibinigay sa may kaarawan ay makulay.

a)

pamaypay

b)

tela

c)

balabal

d)

banig

36.

Panuto: Piliin ang salitang KASALUNGAT ng salitang may malaking letra.


36. MASALIMUOT ang mga pangyayari sa pagkamatay ng kaniyang lolo.

a)

magulo

b)

makulay

c)

maalalahanin

d)

mapayapa

37.

37. Ang pamilya ni Rosa ay may MABABANG-LOOB sa mga taong nangangailangan at sa mga taong nasa lansangan.

a)

maawain

b)

mapagpala

c)

matabil

d)

mayabang

38.

38. MALABAY na punung-kahoy ang makikita sa mga kabundukan.

a)

mataba

b)

malusog

c)

payat

d)

putol

39.

39. MAALYAW na buhay ang ibibigay ko sa aking mga anak.

a)

masarap

b)

mahirap

c)

masagana

d)

mahigpit

40.

40. KATUNGGALI niya sa paligsahan ang kaniyang matalik na kaibigan.

a)

kasamahan

b)

kalaban

c)

kakampi

d)

kasulatan

41.

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na mga pangungusap.


41. Ito ay malaking tugma na kumakatawan sa akit ng isang lugar.

a)

Brochure

b)

Islogan

c)

Kanta

d)

Meme

42.

42. Ito ay tumutukoy sa nakaimprentang dokumento na naglalaman ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa lugar. Karaniwan ding isinasama dito ang larawan ng magagandang pasyalan sa lugar.

a)

Brochure

b)

Islogan

c)

Kanta

d)

Meme

43.

43. Tinutukoy nito ang malikhain at mapaglarong gamit ng larawan at mga salita upang maipakita, sa mas magaan at nakatutuwang paraan, ang katangian ng lugar.

a)

Brochure

b)

Islogan

c)

Kanta

d)

Meme

44.

44. Katulad ng video, ito ay maaaring kuwento o maaari namang pagsasama-sama lamang ng mga pangunahing katangian ng lugar.

a)

Brochure

b)

Islogan

c)

Kanta

d)

Meme

45.

45. Ito ay may dalawang uri; ang isa ay nagtataglay ng naratibo na naglalahad kung paano nahubog ng lugar ang kuwento ng tao o mga taong sangkot; ang ikalawa naman ay maaaring walang naratibo, bagkus ay maiikling kuha ng mga pangunahing lugar o bagay sa lugar na pinagsasama-sama upang mabuo at maipakita ang pinakamagandang katangian ng lugar.

a)

Brochure

b)

Video

c)

Kanta

d)

Meme

46.

Panuto: Tukuyin kung anong produkto o kompanya ang nagtataglay ng sumusunod na TAGLINE sa pamamagitan ng slogan quiz.


46. "We find ways!"

(a)  

47.

47. "It's finger lickin' good."

(a)  

48.

48. "Abot ko ang mundo."

(a)  

49.

49. "Open happiness."

(a)  

50.

50. "Bida ang saya," "Langhap sarap"

(a)