wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ugnayan ng tao at kapaligiran

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang Asya ay halos napapaligiran ng mga karagatan. Ang mga ito ay may mahalagang papel sa pamumuhay ng mga Asyano, maliban sa?

a)

Nagsisilbing likas na depensa

b)

Rutang pangkalakalan at paggagalugad

c)

Pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat at yamang mineral

d)

Dahilan ng agawan ng teritoryo ng mga bansang nakapalibot dito

2.

Ang Pilipinas ay bansang nakarap sa Karagatang Pasipiko kaya madalas na tatami ang bagyo sa ilang mga lugar dito. Sa palagay mo, ano ang pinaka- angkop na uri ng bahay ang bagay rito?

a)

igloo

b)

bahay-kubo

c)

tree house

d)

bahay na kongreto

3.

Alin sa mga sumusunod na baybay-ilog ang nagsilbing lundayan ng sinaunang kabihasnan, hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig?

a)

Tigris at Euphrates

b)

Mekong, Indus, Huang Ho

c)

Indus, Huang Ho, Tigris at Euphrates

d)

Yang Tze, Huang Ho, Tigris at Euphrates

4.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ng bulubundukin sa pamumuhay ng tao?

a)

Ito ay ginagawang pastulan

b)

dahil ito ay binubungkal at ginagawang sakahan ng mga tao

c)

Ito ay nagsisilbing proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at digmaan

d)

Ito ay nagsisilbing depensa ng isang lugar at proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at digmaan

5.

Sa Asya matatagpuan ang apat na katangi-tanging lawa na nakapagdudulot din ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng mga taong naninirahan malapit dito. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking lawa sa mundo?

a)

Aral Sea

b)

Caspean Sea

c)

Dead Sea

d)

Lake Baikal

6.

Ang mga ilog Huang Ho, Yang Tze at Xi Jiang ay matatagpuan sa Tsina. Bakit itinuturing ang mga ito na pinakamahahalagang ilog ng Tsina?

a)

Dahil ang mga ito ang nagpapataba ng mga lupa.

b)

Dahil ang mga ito ang lundayan ng kanilang kaharian

c)

Dahil ang mga ito ay ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.

d)

Dahil ang mga ito ay nagpapataba ng mga lupa at ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.

7.

Kung ikaw ay naninirahan sa isang burol, alin sa mga sumusunod na gawain ang iyong maaaring maging hanapbuhay?

a)

pagsasaka

b)

pagmimina

c)

pagpapastol

d)

pagpapastol

8.

Matatagpuan sa Kanlurang Asya ang Anatolian Plateau at Iranian Plateau. Bakit mas malaki ang populasyon ng Anatolian Plateau kung ihahambing sa Iranian Plateau?

a)

dahil sa matabang lupa nito

b)

dahil sa kaaya-ayang klima nito

c)

dahil sa magandang tanawin nito

d)

dahil sa pinaghalong mataba at tuyong lupa nito

9.

Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng Tsina. Bagama’t malawak ang Tsina, bakit nagsisiksikan ang mga naninirahan sa silangang bahagi nito?

a)

dahil ito ay isang kapatagan

b)

dahil ito ay isang kabundukan

c)

dahil ito ay isang talampas

d)

dahil ito ay binubuo ng kabundukan at talampas

10.

Ano anong mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang kabilang sa rehiyong tinatawag na Ring of Fire na matatagpuan sa Pacific Ocean?

a)

Pilipinas, Malaysia

b)

Thailand, Malaysia, Indonesia

c)

Pilipinas, Indonesia, East Timor

d)

Pilipinas, Indonesia, Malaysia, East Timor

11.

Sa libo-libong taon ng ating kasaysayan, ito ang nagsisilbing landas na tinatahak at ginagamit ng mga mangangalakal upang makarating sa India. Ano ang landas na ito na matatagpuan sa Hindu Kush?

a)

Tirad Pass

b)

Khyber Pass

c)

Nomadic Pass

d)

Western Ghats

12.

Ang Asya ay mayaman sa iba’t ibang anyong tubig. Ang ilog Tigris-Euphrates ay isa lamang sa mga ilog na gumanap nang malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya? Sa aling rehiyon ng Asya ito matatagpuan?

a)

Timog Asya

b)

Hilagang Asya

c)

Kanlurang Asya

d)

Silangang Asya

13.

Alin sa mga sumusunod na lawa ang matatagpuan sa Timog-Silangan ng Siberia at ang pinakamalalim sa buong mundo?

a)

Aral Sea

b)

Dead Sea

c)

Lake Baikal

d)

Caspean Sea

14.

Anong rehiyon sa Asya ang may pinakamahabang panahon ng taglamig at may pinakamaikling tag-init, kaya’t hindi kayang tumubo sa kalakhang bahagi nito ang anumang punongkahoy?

a)

Hilagang Asya

b)

Kanlurang Asya

c)

Timog Asya

d)

Silangang Asya

15.

Sa pangkalahatan, halos sangkapat(1/4) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan. Alin sa mga sumusunod ang dapat linangin ng mga Asyano?

a)

agrikultura

b)

pagmimina

c)

pangingisda

d)

paggubat