wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Second Quarter Worksheet No.1 Filipino 8

Total questions: 25

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang sining kung saan inilalahad sa isang uri ng panitikan ang mga saloobin o mga gustong ipahayag ng isang tao sa pamamagitin ng pananalitang may mga tugma sa huli.

a)

tula

b)

debate

c)

tagisan ng talino

d)

balagtasan

2.

Sinasabing ‘’ipinanganak’’ang balagtasan noong Marso 28,1924,araw ng linggo, Isinigawa ito bilang paghahanda sa pagdiriwang ng ___________ noong abril 2 ng taong iyon.

a)

Araw ng Kalayaan

b)

Araw ni Balagtas

c)

Araw ng Panitikang Pilipino

d)

Gintong Araw ng Panitik

3.

Siya ang tinaguriang Hari ng Balagtasan.

a)

Jose Corazon dela Cruz

b)

Jose Corazon de Jesus

c)

Patricio A. Dionisio

d)

Florentino Collantes

4.

Siya ang unang sumulat ng Balagtasan at nailathala sa babasahing ‘’BAGONG LIPANG KALABAW’’ ang kanyang akdang ‘’ibig-sumali-kung-maaari’’

a)

Francisco Baltazar

b)

Jose Corazon De Jesus

c)

Patricio Dionisio

d)

Florentino Collantes

5.

Ang paksa ay mahalagang salik ng Balagtasan sapagkat ito ang pagtatalunan ng magkatunggali. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging paksa ng Balagtasan?

a)

pulitika

b)

pag-ibig

c)

pamilya

d)

relihiyon

6.

Ito ay nagsisilbing tagamagitan sa dalawang nagtatalo at pormal na nagbubukas balagtasan.

a)

lakandula

b)

lakambini

c)

lakandiwa

d)

mambabalagtas

7.

Ito ang bersiyon ng Balagtasan sa Ilocos na mula sa pangalan ng Ilocanong makata na si Pedro Bukaneg.

a)

Balitaktakan

b)

Bukanegan

c)

CrisSotan

d)

El Bukaneg

8.

Sa kanya kinuha ang panagal ng bersiyon ng balagtasan sa Pampanga na Crissotan.

a)

Juan Crisostomo Ibarra

b)

Juan Crisostomo Soto

c)

Juan Crisostomo de Dios

d)

Juan Crisostomo dela Cruz

9.

Kailan nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas batay sa tradisyon ng makatang pagtatalo gaya ng karagatan,dupo at juego de prenda.

a)

Panahon ng Amerikano

b)

Panahon ng Kastila

c)

Panahon ng Hapon

d)

Katutubong Panahon

10.

Siya ang may akda ng Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.

a)

Patricio Dionisio

b)

Pat Villafuerte

c)

Jose Corazon De Jesus

d)

Florentino Collantes

11.

Kailan nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas na nilikha ng mga pangkat ng manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas?

a)

Abril 6, 1924

b)

Abril 6, 1925

c)

Abril 2, 1925

d)

Marso 28,1925

12.

Ito ay isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangangatuwiran at matalas na pag-iisip. Ang halimbawa nito ay dupo, balagtasan at karagatan.

a)

Tulang liriko

b)

tulang patnigan

c)

tulang pandulaan

d)

tulang pasalaysay

13.

14.Ito ay elemento ng Balagtasan na tumutukoy sa mga taong nakikinig at nanonood sa mga mambibigkas.

a)

mambibigkas

b)

lakandiwa

c)

manonood

d)

publiko/madla

14.

Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap , pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

c)

opinyon

d)

katotohanan

15.

Ito ay mga impormasyong batay sa saloobin at damdamin ng tao. kadalasang ginagamitan ng mga pariralang kung ako ang tatanungin, sa aking palagay at iba pa.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

c)

opinyon

d)

katotohanan

16.

Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas, patutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya.

a)

Pagsang-ayon

b)

pagsalungat

c)

opinyon

d)

katotohanan

17.

Ito ay mga impormasyong maaaring mapatunayang totoo,bihirang magbago at sinusuportahan ng sanggunian o batayan.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

c)

opinyon

d)

katotohanan

18.

Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay Pagsang-ayon, pagsalungat.DAPAT LAMANG IPAGLABAN ANG IYONG KARAPATAN.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

19.

Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay Pagsang-ayon, pagsalungat.HUWAG KANG AALIS NANG WALANG KASAMA.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

20.

Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay Pagsang-ayon, pagsalungat.IKINALULUNGKOT KO ANG PAGKAWALA NG IYONG MAHALAGANG GAMIT.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

21.

Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay Pagsang-ayon, pagsalungat. MABUTI ANG GINAWA MONG PAGTULONG SA IYONG KAPWA.

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

22.

Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay Opinyon o Katotohanan. PARA SA AKIN, SI PANGULONG DUTERTE ANG PINAKAMAGALING NA PANGULO NG PILIPINAS.

a)

katotohanan

b)

opinyon

23.

Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay Opinyon o Katotohanan. AYON SA SALIGANG BATAS,ANG PANGULO AY AWTOMATIKONG MAGSISILBI BILANG COMMANDER-IN-CHIEF NG PNP AT AFP.

a)

katotohanan

b)

opinyon

24.

Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay Opinyon o Katotohanan. SI PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE ANG KASALUKUYANG PANGULO NG PILIPINAS.

a)

katotohanan

b)

opinyon

25.

Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay Opinyon o Katotohanan. SA TINGIN KO AY MAY MALALAKING PANANAGUTAN SA INSEDENTE SA MAMASAPANO SI PANGULONG AQUINO.

a)

katotohanan

b)

opinyon