WorksheetsARALING PANLIPUNAN MODYUL 2 PAUNANG PAGTATAYA
Total questions: 15
Worksheet time: 6mins
Saan nanggagaling ang malaking bahagdan ng itinatapong basura sa Pilipinas?
tahanan
palengke
paaralan
pabrika
Ang sumusunod ay dahilan ng deforestation sa Pilipinas maliban sa ________
Fuel wood harvesting
Illegal mining
Illegal logging
Global warming
Ang Pilipinas ay nakararanas ng matinding suliranin sa solid waste dahil sa ______.
kawalan ng hanapbuhay ng mga tao
kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao
Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?
Pagtaas sa insidente ng dengue
Pagliit ng produksiyon ng pagkain
Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides
lahat ng nabanggit
Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap sa kasalukuyan?
Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran
Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon
Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad
Lahat ng nabanggit
Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging plantasyon, subdibisyon, o sentrong komersyo?
Paglipat ng pook tirahan
Ilegal na pagtotroso
Pagdami ng populasyon
Ilegal na pagmimina
Ang illegal logging ay isa sa mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligirang dinaranas ng Pilipinas ngayon. Alin sa sumusunod ang bunga nito?
pagbaha
pagguho ng lupa
pagkawala ng tirahan ng mga hayop
lahat ng nabanggit
Ang sumusunod ay mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa Pilipinas maliban sa _____________.
solid waste
ilegal na droga
climate change
pagkasira ng mga likas na yaman
Ipinatupad ang Republic Act 9003 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t-ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Ito ay kilala bilang ____.
Ecological Garbage Management Act of 2010
Ecological Solid Waste Management Act of 2000
Ecological Garbage Management Act of 2000
Ecological Solid Waste Management Act of 2010
Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa pagtatapon ng basura. Isang napakalaking hamon sa pagpapatupad ng batas ay ang
kawalan ng suporta ng mga namamahala
paglilinis ng mga kalat ng buong pamayanan
pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino
paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura
Ang Non-Government Organization (NGO) na aktibong tumutugon sa suliranin sa basura at may adbokasiyang zero waste.
Greenpeace
Mother Earth Foundation
Bantay Kalikasan
Clean and Green Foundation
Anong batas ang nagtatag sa National Framework Strategy and Program on Climate Change upang tugunan ang mga banta ng climate change sa Pilipinas?
Republic Act 7586
Republic Act No. 9729
Executive Order No. 23
Republic Act No. 8749
Aling batas ang nagtatag sa Reforestation Administration na naglalayong mapasidhi ang mga programa tungkol sa muling paggugubat?
Republic Act 2706
Republic Act 2649
Presidential Decree No. 705
Presidential Decree No. 1153
Ang layunin ng batas na ito ay protektahan at pamahalaan ang mga kweba at mga yaman nito.
The Chainsaw Act
Indigenous People’s Rights Act
Wildlife Resources Conservation and Protection Act
National Cave and Resources Management and Protection Act
Sa ilalim ng Batas Republika Bilang 8371, sino sa sumusunod ang kaagapay ng pamahalaan sa pangangalaga sa kagubatan?
A. mga NGO
mga katutubong Pilipino
mga pulis
mga forest rangers
