NEW
Font size
WorksheetsQuiz 1: Solid Waste
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Tumutukoy sa problema natin sa basura, tubig, lupa at ibang gawain.
suliraning politikal
suliraning edukasyon
suliraning pantao
suliraning pangkapaligiran
Isang lugar o posibilidad na kung saan dinadala ang mga pinaghiwa-hiwalay na basura.
MCT
MCU
MRT
MRF
Anong batas ang ipinatupad noong 2000 na naglalayong magkaroon ng legal na batayan at proseso ng pamahahala ng basura sa bansa?
Republic Act 8742
Republic Act 9003
Republic Act 7942
Republic Act 8003
Sa kasalukuyan, humaharap ang Pilipinas sa napakalaking problema kaugnay ng solid waste. Bilang mag-aaral paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa solid waste?
I. Isabuhay ang 3 Rs o Reduce, Reuse at Recycle
II. Ibulsa pansamantala ang mga maliliit na basura
III. Ipagsawalang bahala ang mga anunsyo patungkol sa wastong pagtatapon ng basura
IV. Makibahagi sa mga seminar at symposium na nagbibigay kaalaman tungkol sa solid waste
I, II at IV
I, III at IV
I, II at III
II, III at IV
Ano ang masamang epekto ng ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura?
I.Nagdudulot ng sakit sa mga tao
II. Nakadaragdag ng polusyon sa Hangin
III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector
I
I at II
II at III
I, II at III
Alin sa mga sumusunod na solid waste ang kabilang sa electronic waste?
Laptop, computer at cellular phone
Laptop, Computer at mga basag na bubog
Computer at mga sirang yero
Lata, plastic at mga papel
Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.
Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste management Report ng 2015, anong uri ng basura ang may pinakamalaking porsyento ang itinatapon sa bansa?
Biodegradables
Recyclables
Residual
Special
Paano higit na mapapangalagaan ang iyong kalikasan sa pamamagitan ng Solid Waste Management?
a. Magsisimula sa bawat residente ang paghihiwalay ng basura at ang barangay ay magsasagawa ng pagsasanay sa ‘composting’, ‘recycling’ at ‘livelihood opportunities’
b. Magkakaroon ng pagbibigay ng impormasyon sa lahat ng sakop ng komunidad hinggil sa tamang paghihiwalay ng mga basura at pagkakaroon ng parangal o insentibo sa mga mahusay sa pagtataguyod.
c. Magsasagawa ng ordinansa ang barangay na magkaroon ng multa at parusa sa mga hindi susunod sa mga alituntunin ng tamang pagtatapon ng basura
d. Magkakaroon ng suporta mula sa ibang pang ‘stakeholders’ ng komunidad upang maipagbili ang mga recyclable na produkto sa pamilihan.
2. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste ng Pilipinas?
Kawalan ng Disiplina
Ang pagdami ng produktong kinokonsumo ng mga tao
Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao
Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
