wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP10-Modyul1 Quiz

Total questions: 15

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Ang salitang ___________ ay naglalarawan sa takdang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ito ay tumutukoy sa katangian na nagpapakilala sa kasalukuyan.

a)

Kontemporaryo

b)

Isyu

c)

Kontemporaryong Isyu

d)

Isyung Personal

2.

Ang __________ ay nangangahulugang mga pangyayari, mga sigalot o problema na pinag-uusapan sa lipunan.

a)

Kontemporaryo

b)

Isyu

c)

Suliraning Panlipunan

d)

Suliraning Personal

3.

Alin sa mga sumusunod na bansa ang may pagkakakilanlan na "Very Clean" o halos walang bahid ng anumang uri ng korapsyon na nagaganap sa mga bansang ito.

a)

Singapore

b)

Japan

c)

Philippines

d)

HongKong

4.

Ano ang tawag sa pinagmumulan ng impormasyon na mula sa orihinal na nagsulat o nakaranas ng pangyayari?

a)

Primaryang Sanggunian

b)

Sekondaryang Sanggunian

5.

Sino ang nagsabi na ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng interes at kapangyarihan. Bunga nito, nagkakaroon ng hindi pantay na antas ng pamumuhay sa lipunan?

a)

Emile Durkheim

b)

Isabel Panopio

c)

Karl Marx

d)

Charles Cooley

6.

Ito ay binubuo ng mga taong nagsasama-samang naninirahan sa isang organisado at sistematikong pamayanan o lugar.

a)

Lipunan

b)

Barangay

c)

Siyudad

d)

Bansa

7.

Ang Institusyon ay mga organisadong komunidad na bumubuo sa saing lipunan. Ang Institusyon ay binubuo ng mga sumusunod maliban sa isa, Alin ito?

a)

Pamilya

b)

Paaralan

c)

Ekonomiya

d)

Pamahalaan

e)

Hukuman

8.

Ang relasyon ninyo ng iyong kaibigan ay isang halimbawa ng __________.

a)

Primary Group

b)

Secondary Group

9.

Bilang isang anak ng iyong mga magulang, ito ang iyong posisyon sa iyong pamilya. Anong uri ito ng Status o posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan?

a)

Scribed Status

b)

Achieved Status

10.

Bilang isang anak, ikaw ay may gawain, obligasyon, responsibilidad, at karapatan bilang isang miyembro ng iyong pamilya. Ito ay tumutukoy sa iyong ____________.

a)

Roles

b)

Status

11.

Ito ay isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay (way of life) ng isang grupong panlipunan sa kabuuan. Ano ito?

a)

Lipunan

b)

Kultura

c)

Kontemporaryong Isyu

12.

Ang halimbawa ng kulturang ito ay ang mga palayok, tela, at iba pang kagamitang ginamit ng ating mga ninuno na nagpapakita ng kanilang paraan ng pamumuhay o kultura. Ano ito?

a)

Materyal na Kultura

b)

Hindi Materyal na Kultura

13.

Ito ang isa sa mga bumubuo ng kultura na nagbibigay kahulugan sa mga bagay na pinaniniwalaang totoo ng mga tao o grupo ng mga tao sa isang lugar. Halimbawa nito ang mga pamahiin, tradisyon, at iba pa.

a)

Paniniwala

b)

Pagpapahalaga

c)

Norms

d)

Simbolo

14.

Ito ay isa sa mga elemento ng kultura kung saan ito ang nagiging pamantayan ng pagkilos ng mga tao sa isang lipunan. Ito ay maaaring folkways o mga dapat ikinikilos ng mga tao sa isang lugar, at Mores kung saan ang mga batayang kilos ay naaayon sa batas, at anumang paglabag dito ay may kaakibat na kaparusahan.

a)

Pagpapahalaga

b)

Paniniwala

c)

Norms

d)

Simbolo

15.

Ito naman ang paglalapat ng kahulugan sa isang kilos, o bagay ayon sa gamit nito sa indibidwal o grupo ng mga tao.

a)

Paniniwala

b)

Pagpapahalaga

c)

Norms

d)

Simbolo