Worksheets(Positibong Saloobin sa Pag-aaral)Esp 5
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Kahit mahirap lang si John ay humahanap siya ng paraan upang makatulong sa sarili na maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Naghanap siya ng pagkakakitaan tulad ng pagtitinda ng pagkain sa mga kaklase upang mayroong pambaon. Alin sa mga positibong kaugalian ang ipinakita ni John sa sitwasyong ito?
Mapanghusga
Mahinahon
Matulungin
Masipag
Ano ang dapat gawin kung makarinig ng balita sa telebisyon man o pahayagan?
Maniwala kaagad.
Isangguni sa kainauukulan ang narinig.
Ipagkalat kaagad ang balita.
Balewalain ang balita.
Narinig mo sa radyo ang balita na mayroong asong ulol na nangangagat ng mga bata na nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay dahil sa rabies. Paano mo ito ibabahagi?
Ipaalam ang balita sa punong barangay.
Balewalain ang narinig na balita.
Hayaan lang ang balita.
Hayaan ang iba na makaalam nito.
Napansin mong napakatamlay ni John David ng binigyan siya ng kanyang tungkulin para sa pangkatang gawain ng klase. Makikita mong medyo hindi niya ito nagustuhan. Hindi man tumango pero hindi rin siya tumanggi. Kung ikaw ang lider ng grupo, ano ang pinakamainam mong
gagawin?
Pagagalitan ko siya
Hindi ko siya papansinin
Tanungin ko siya ng maayos
Pagdadabugan ko siya
Habang abala ang lahat ng kasapi ng grupo sa paggawa ng proyekto sa EPP ay napansin mo na sina Reynan at Carlo ay mayroon ding pinagkaabalahang iba.Napakalakas ng kanilang halakhak. Paano mo sila kakausapin na hindi sila masasaktan?
Paalalahanan ko sila sa kanilang mga tungkulin upang tumahimik sila
Isusumbong ko sila sa lider ng grupo upang mapagalitan at mapahiya
Hindi ko sila papansinin at bahala na sila sa kanilang mga sarili
Makikipaghalakhakan din ako sa kanila para lahat masaya
Madalas lumiban si Edward tuwing may pagpupulong para sa iyong
gagawing pangkatang proyekto. Nagrereklamo na ang mga kasama
ninyong sa grupo. Bilang matalik na kaibigan niya, ano ang
pinakamainam mong gagawin?
Ipagtatanggol ko si Edward dahil may crush ko siya
Pagsasabihan ko si Edward sa katotohanan at kailangang gawin
Magpapaliwanag ako para kay Edward upang pagtakpan siya
Ididiin ko si Edward upang matanggal siya dahil galit ako sa kanya
Sa iyong palagay, ano ang dapat tandaan ng bawat miyembro ng pangkat upang maging mabilis at maayos ang gawain?
Ipaubaya sa ibang miyembro ang gawain dahil sa tingin mo mas magaling sila sa iyo.
Makikilahok ang bawat miyembro upang mapadali ang gawain.
Hindi sasali sa gawain dahil walang ibabahaging ideya.
Ipagpilitan ang nabuong ideya tungkol sa gawain.
Ano ang iyong gagawin kung hindi mo naintindihan ang ipinapagawa sa iyo ng guro?
Hayaan na lang kasi nakakahiya
Magtatanong sa kaklase kung anong gagawin.
Hindi na lang iintindihin ang sinasabi ng guro.
Mahinahon na tatanungin ang guro tungkol sa gawain.
Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto ang iyong pangkat?
Upang maintindihan ang ideya ng bawat isa nang mapabilis ang ginagawang proyekto
Upang lalong mapatagal ang ginagawang proyekto
Upang bigyan ng malaking marka ng guro
Upang purihin ng guro
Pinuri ng Science teacher si Jane dahil nakakuha siya ng pinakamataas na marka sa pagsusulit. Pinalakpakan siya ng buong klase at pinuri ang nagawa. Mayamaya lang ay dahan-dahan siyang tumayo at pumunta sa gitna. Inamin niya na siya ay nagkodigo. Anong katangian ang ipinakita
ni Jane sa kaniyang pag-amin sa kasalanan?
Pagpapakumbaba
Pagkamatapat
Pagkamasunurin
Pagkamabait
