NEW
Font size
WorksheetsAng Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
May tatlong kakayahan na nagkakapareho sa hayop at sa tao maliban sa:
Konsensiya
Pandama
Pagkagusto
Pagkilos o paggalaw
Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip.Tama ba o mali ang pahayag?
Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip
Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito.
Ito ang kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katwiran?
Kamalayan
Imahinasyon
Memorya
Instinct
Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
mag-isip
maghusga
makaunawa
Mangatwiran
Ano ang ibig sabihin ng “Ang tao ay obra maestra ng Diyos”?
Ang tao ay may kamalayan sa sarili.
Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos.
. Ang tao ay may kakayahang magmahal.
. Ang tao ay isang umiiral na nagmamahal.
Ito ang pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapaguunawa.
Imahinasyon
Memorya
Instinct
Kamalayan
Bakit sinasabing hindi nilikhang tapos ang tao?
. Sapagkat buo na siya mula pagsilang niya.
Sapagkat walang sinuman ang nakaaalam kung ano ang kahihinatnan niya mula sa kanyang kapanganakan, o magiging sino siya sa kanyang paglaki.
Sapagkat kailangan pa niyang makatapos ng pag-aaral.
Sapagkat alam na niya ang kanyang pagkatao.
Ito ay kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan?
Memorya
Kamalayan
Instinct
Imahinasyon
Ang tao ay binubuo ng materyal at ispiritwal na kalikasan, ito ay ayon sa Pilosopiya ni:
Scheler
Sto. Tomas
Manuel Dy
Esteban
Ang tinutungo ng kaisipan (intellect) ay ang:
Kabayanihan
Kapayapaan
Kabutihan
Katotohanan
