Font size
WorksheetsQuiz #1
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Ang katawagang Austronesian ay tumutukoy sa pangkat ng mga taong gumagamit o nagsasalita ng wikang Austronesia. Sila ay nanirahan sa gawing Timog-silangan ng Asya, Polynesia, at Oceania. Ayon sa mga pag-aaral, maaaring ang mga dumating na Aaustronesian ay nanatili sa Hilagang Luzon at nadatnan ang mga Austral-Melanansian na nauna ng nanirahan doon.
Teorya ng Austronesian Migration
Teorya ng Core Population
Teorya ng Wave Migration
Ayon kay H. Otley Beyer, nagkaroon ng mga pangkat ng taong nakarating sa Pilipinas na siyang ninuno ng mga Filipino. Naunang dumating ang mga Negrito na naglakad gamit ang mga tulay na lupa na nagdurugtong sa Pilipinas at Asya.
Teorya ng Austronesian Migration
Teorya ng Core Population
Teorya ng Wave Migration
Ayon kay F. Landa Jocano, ang mga unang Filipino ay mula sa isang malaking pangkat ng mga sinaunang tao sa Timog-silangang Asya. Ito ay batay sa pagkakatulad ng mga labi ng Tabon Man, isang Homo sapiens sapiens, sa iba pang natagpuang labi sa iba’t ibang parte ng rehiyon ng Timog-silangan Asya.
Teorya ng Austronesian Migration
Teorya ng Core Population
Teorya ng Wave Migration
Natuklasan ang mga ebidensya ng pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga nahukay na kasangkapang bato at labi ng malalaking hayop tulad ng elephas, stegodon, at rhinoceros na tinatayang nabuhay 750 000 taon na ang nakalipas.
Taong Tabon
Taong Cagayan
Taong Callao
Nakita ang isang maliit na bahagi ng buto ng paa ng tao. Isa itong mahalagang tuklas na nakapagpapatunay na may naninirahan na sa Pilipinas 67 000 na taon ang nakakalipas, 47 000 taon na mas maaga kaysa sa Tabon Man.
Taong Tabon
Taong Cagayan
Taong Callao
Sa Palawan ang bahagi at panga ng isang sinaunang tao. Tinatayang nasa 22 000 hanggang 23 000 taon na ang nahukay na labi. Kasamang natagpuan dito ang iba’t ibang uri ng kasangkapang bato na ginagamit sa paghuli ng ibon, paniki, at iba pang maliliit na hayop
Taong Tabon
Taong Cagayan
Taong Callao
Si _____ ay dalubhasa sa mga pag-aaral ng populasyon sa Timo-silangang Asya at sa Pacific.
Wilhelm G. Solheim II
Peter Bellwood
Si _____ ang kinkilalang pinakatanyag sa larangan ng pag-aaral sa Timog-silangang Asya, Pilipinas at Prehistoric Archeology ng Timog-silangang Asya.
Wilhelm G. Solheim II
Peter Bellwood
Sasakyang sinasabing ginamit ng mga ninuno ng mga Filipino upang makarating sa kapuluan ng Pilipinas
Balangay
Kalesa
Eroplano
Sa iyong palagay bakit kailangan na pag-aralan ang teorya tungkol sa pinagmulan ng Filipino?
