wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4TH QRTR REVIEWER-AP5

Total questions: 15

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Ang paggarote sa tatlong pari sa pamamagitan ng garote na nag-iwan ng mapait na alaala at gumising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.

a)

Ang Pagkamartir ng GOMBURZA

b)

Ang pagkamartir ni Andres Bonifacio

c)

Ang Pagkamartir ni Jose Rizal

2.

Sino ang namuno sa pag-aalsa upang tutulan ang pagpapadala ng mga manggagawa upang gumawa ng mga galyon?

a)

Diego Silang

b)

Juan Sumuroy

c)

Lakandula

d)

Andres Malong

3.

Sino ang pinunong Espanyol ang nangako ng mga benepisyo sa mga pamilya ng mga datu at maharlika matapos sakupin ang Maynila?

a)

Miguel Lopez De Legazpi

b)

Narciso Claveria

c)

Guido de Lavezares

4.

Anong katawagan nakilala si Gabriela Silang sa pagpapakita niya ng katapangan ng isang kababaihan laban sa mga Espanyol?

a)

"Joan of Arc” ng Pilipinas

b)

“Mulan” ng Pilipinas

c)

“Pilipinang Amazona”

5.

Ano ang pangunahing dahilan bakit hindi nagtagumpay ang mga unang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?

A. Wala silang pagkakaisa.

B. Walang matatapang na lider.

C. Kulang sila sa armas at taktika.

D. Duwag at madaling matakot ang mga Pilipino

a)

A at B

b)

A at C

c)

B at C

6.

Anong kahanga-hangang katangian ng mga Pilipino ang naipakita nila sa mga unang pag-aalsa?

a)

Katapangan

b)

katalinuhan

c)

pagkamadasalin

7.

Bakit naging mahalaga si Lakandula para sa kasaysayan?

a)

Kilala siya bilang unang datu ng Tondo.

b)

Isa siya sa mga unang nag-aalsa laban sa mga Espanyol.

c)

Mataas ang kanyang katayuan sa lipunan.

d)

Mayroon siyang monumento bilang simbolo ng kanyang katapangan

8.

Aling pinuno ng rebelyon ang HINDI nahuli at hinatulan ng kamatayan ng mga Espanyol?

a)

Juan de la Cruz Palaris

b)

Juan Sumuroy

c)

Andres Malong

d)

Francisco Maniago

9.

Siya ang namuno ng rebelyon na ipinaglalaban ang mga sumusunod:

kalayaan para sa mga Ilocano ipatigil ang sapilitang pagtatrabaho *labis na paniningil ng tributo.

a)

Diego Silang

b)

Juan Sumuroy

c)

Andres Malong

d)

Magat Salamat

10.

Sinong bayani ang namuno sa pag-aalsang panrelihiyon?

a)

Francisco Maniago

b)

Juan Sumuroy

c)

Andres Malong

d)

Hermano Pule

11.

Bakit ikinatakot ng mga paring regular ang itinatadhana ng Konseho ng trent?

a)

Dahil inalisan sila ng Karapatan na mamuno sa mga misa

b)

Dahil pinauwi na sila lahat sa Espanya.

c)

Dahil pinahintulutan ang mga paring Pilipino na mamahala sa mga Parokya sa bansa

12.

Dahil sa kalupitang ipinakita ng gobernador heneral na ito, nagkaisa ang mga Pilipino na magalsa sa Cavite noong Enero 20, 1872?

a)

Roy Lopez De Villalobos

b)

Miguel Lopez De Legazpi

c)

Rafael de Izquierdo

13.

Ano ang naging bunga ng pagkakahuli sa mga nag-alsa sa Cavite?

a)

Paggarote kina GOMBURZA

b)

Pagpatay kay Andres Bonifacio

c)

Pagbaril kay Dr, Jose Rizal

14.

Piliin ang apat na Mukha ng Pagkakaisa

a)

Nagkaisa ang mga Pilipinong nais maglingkod sa Diyos, tulad ng mga kasapi ng Confradia de San Jose

b)

Kumampi si Juan Makapagal sa mga Espanyol na naging dahilan ng pagsuko ni Francisco Maniago

c)

Nagkaisa ang mga Pilipino sa pag - aaklas laban sa mga Espanyol dahil sa 3 dahilan

d)

Nagsama - sama ang mga sundalo sa Cavite upang tuligsain ang mga hindi pagtupad ng mga Espanyol sa pamumuno ni Rafael de Izquierdo

e)

Nagkaisa ang mga Datu mula sa Katagalugan

15.

Piliin ang tatlong Mukha ng Pagtataksil

a)

Namatay si Diego Silang sa Ilocos sa kamay ng kanyang kaibigang sina Miguel Vicos at Pedro Becbec.

b)

Kumampi si Juan Makapagal sa mga Espanyol na naging dahilan ng pagsuko ni Francisco Maniago

c)

Nagbigay ng impormasyon sina Antonio Surabao at Felipe Amarlangagui sa mga Espanyol tungkol sa planong pag - aaklas ng pangkat ni Magat Salamat

d)

Nagsama - sama ang mga sundalo sa Cavite upang tuligsain ang mga hindi pagtupad ng mga Espanyol sa pamumuno ni Rafael de Izquierdo

e)

Nagkaisa ang mga Datu mula sa Katagalugan