wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Maikling Pagsusulit sa Komunikasyon

Total questions: 30

Worksheet time: 3600secs

Name
Class
Date
1.

Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Pilipino”. Tama o Mali?

a)

Tama

b)

Mali

2.

Sa ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6, nakasaad na “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino at Ingles bilang opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Ang wikang dayuhan ang sumasagisag sa ating kalayaan.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Gagamitin naman ang Filipino bilang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa daigdig.

a)

Tama

b)

Mali

5.

Ayon sa Artikulo VI, Seksyon 7, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

a)

Tama

b)

Mali

6.

Ayon kay ______, ang wika ay isang sistematikong komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga panulat o pasalitang simbulo

a)

Hill

b)

Webster

c)

Mangahis

d)

Gleason

7.

Ayon naman kay _______, ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

a)

Hill

b)

Webster

c)

Mangahis

d)

Gleason

8.

Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Anong katangian ng wika ito?

a)

Ang wika ay ginagamit

b)

Ang wika ay arbitraryo

c)

Ang wika ay nagbabago

d)

Ang wika ay nakabatay sa kultura

9.

Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. Anong katangian ng wika ito?

a)

Ang wika ay pinipili ay isinasaayos

b)

Ang wika ay sinasalitang tunog

c)

Ang wika ay arbitraryo

d)

Ang wika ay masistemang balangkas

10.

Ang sumusunod na pahayag ay mga kahalagahan ng wika. Maliban sa isa. Ano ito?

a)

Ang wika ay istrumento ng komunikasyon

b)

Hindi tunay na malaya ang bansa kung hindi nag-aangkin ng sariling wika

c)

Wika ang nagsisilbing mata ng mga Pilipino

d)

Pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng kultura

11.

Tumutukoy sa dalawang wika

(a)  

12.

Tinatawag ding “wikang sinuso sa ina o inang wika”.

(a)  

13.

Ang isang salita o termino ay maaaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan. Ano ang tawag dito?

(a)  

14.

Pambansang wika ng Pilipinas

(a)  

15.

Ayon kay (a)   (sa Tumangan et al 2000) sa kanyang papel na “What is language”, wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolong gawang pantao.

16.

Mahalaga ang wika bilang (a)   o tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kanya-kanyang wikang ginagamit.

17.

Tumutukoy sa higit dalawang wika.

(a)  

18.

Tawag sa iba pang mga wikang natutuhan ng isang tao pagkaraang matutunan ang sariling wika.

(a)  

19.

Nangangahulugang ng paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang partikular na lugar.

(a)  

20.

Si Jose ay mahusay magsalita ng Tagalog, Ingles at Pranses.

a)

Bilinggwalismo

b)

Multilinggwalismo

21.

Mahigit limang wika ang natutunan ni Rizal noong siya ay nag-aaral pa lamang.

a)

Bilinggwalismo

b)

Multilinggwalismo

22.

Pinagsamang Waray at Bikol ang wikang ginamit ng magaling na kompositor sa kanyang awitin.

a)

Bilinggwalismo

b)

Multilinggwalismo

23.

Nagiging salik din ito sa pagkakaroon ng varayti nh wika.

a)

Heograpiya

b)

Pilosopiya

24.

Tuwang tuwa si Pepita dahil maliban sa Tagalog, marunong na siyang magsalita ng wika ng Hapon at Koreano.

a)

Bilinggwalismo

b)

Multilinggalismo

25.

Lingua franca ng ating bansa.

a)

Filipino

b)

Ingles

26.

Lingua franca ng daigdig.

a)

Ingles

b)

Filipino

27.

Ang kawalan ng wika ay magdudulot ng kapayapaan ng sangkatauhan.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Ang pagkakakaroon ng wika ay nagreresulta sa isang maunlad at masiglang sangkatauhang bukas sa pakikipagkasunduan sa isa’t isa.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunap na makatutulonh sa pagkilala sa isang partikular na varyasyon ng wika.

a)

Register

b)

Varayti ng wika

30.

Ano ang buong pangalan ng ating asignatura? :)

(a)