NEW
Font size
WorksheetsALS MODULE 2
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Kapag may tinatalakay kang usapin sa isang katrabaho at hindi ka sumasangayon sa sinasabi niya, dapat:
a. Singitan mo ang katrabaho mo para ipaalam sa kaniyang hindi ka sumasang-ayon
b. Umiling ka para ipaalam sa katrabaho ang iyong damdamin
c. Subuking mag-isip tungkol sa ibang bagay hanggang sa tumigil magsalita ang iyong katrabaho
d. Alam mo kung ano ang damdamin mo, pero makikinig sa sinasabi ng iyong katrabaho bago ka magsalita
e. Lahat ng nabanggit
2. Kapag may nagsasalita, dapat magpakita ka ng mga non-verbal communication cues para ipakitang naiintindihan mo.
TAMA
MALI
3. Kapag nagsasalita sa isang grupo ng tao, mahalagang:
a. Manatiling nakatuon sa paksang tinatalakay
b. Tumingin sa mata ng mga kinakausap
c. Maging maalam sa paksang tinatalakay
d. Itanghal ang impormasyon sa isang lohikal at dumadaloy na paraan
e. Lahat ng nabanggit
4. Kapag hindi mo lubusang naiintindihan ang sinasabi ng iyong supervisor sa trabaho:
a. Tatango ka sa pagsang-ayon para hindi masayang ang oras ng iyong supervisor
b. Umasang maiintindihan mo rin iyon mag-isa
c. Hilingin sa supervisor mo na ulitin ang mga sinasabi niya para malinaw sa iyo ang dapat mong gawin
d. Tanungin ang isang katrabaho kung ano sa tingin niya ang dapat mong gawin
e. Lahat ng nabanggit
5. Kapag nagtuturo o nagbibigay ng impormasyon sa isang grupo ng mga katrabaho, dapat mong hilingin sa isang tao na ulitin sa iyo ang sinabi mo para makasiguradong malinaw sa lahat ang dapat gawin.
TAMA
MALI
6. Ang isang taong mahusay makipagtrabaho sa loob ng isang grupo ay ___________.
a. Sumisingit lang sa usapan kung magbibigay ng mga bagong idea
b. Nakikinig lamang sa mga may kaparehong opinyon
c. Nagbibigay ng opinyon at humihingi ng mga idea ng iba sa grupo
d. Lumilikha ng di-pagkakasundo para maging interesante ang talakayan
e. Lahat ng nabanggit
7. Laging bahagi ng magandang serbisyo sa customer service ang paggawa sa sinabi ng customer sa iyo.
TAMA
MALI
8. Kapag nakikipag-usap sa isang customer sa telepono:
a. Sabihin ang pangalan mo at pangalan ng organisation sa pagsagot ng telepono
b. Maging magalang
c. Makinig nang mabuti at huwag sumabat
d. Itala ang lahat ng mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan ng tao, numero, oras ng tawag, at kung ano ang kaniyang pangangailangan
e. Lahat ng nabanggit
9. Kapag nakikipag-usap sa isang mapilit na customer
a. Huwag pansinin
b. Manatiling kalmado
c. Sabihan siyang hindi mo na siya kauusapin
d. Pakiusapan siyang umalis
e. Sigawan siya para makita niya kung saan ka nanggagaling
10. Kapag galit ang isang customer, kailangan mo ring magalit para tumalab ang iyong pagtugon.
TAMA
MALI
