wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

1st Summative Assessment Grade 7

Total questions: 30

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

1. Ano sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa nararapat asahan sa isang tinedyer?

a)

Gumawa ng isang maingat na pagpapasya.

b)

Patuloy na umasa sa mga magulang sa mga bagay na kaya mo namang gawin.

c)

Makipag-ugnayan ng wasto sa kaedad.

d)

Mag-aral ng mabuti.

2.

Ang isang kabataan ay nararapat na tuklasin ang kanyang kakahayaan at talento…

a)

Upang ipagyabang ito sa iba.

b)

Upang magamit ito para makamit ang pangarap.

c)

Upang matuwa sa akin ang iba.

d)

Upang makalamang ako sa iba.

3.

Ang hilig or interes ay tumutukoy sa:

a)

Nakababagot

b)

Nakakaabala

c)

Nakakininis

d)

Nakagigiliwan mong gawin

4.

Ang mahusay na mithiin ay nangangailangan ng _________.

a)

ibabatay sa hilig mo

b)

tiyak na hakbang na gagawin

c)

mahabang panahong ilalaan upang makamit ito

d)

tamang panahon upang ito’y maisasakatuparan

5.

Ano ang kalalabasan kung hindi natupad ang tungkuling nakaatang sa isang indibidwal?

a)

Kakainisan siya ng iba.

b)

Hindi na siya aasahan sa paggawa ng resposibilidad.

c)

Magiging sagabal ito sa kanyang pag-unlad bilang tao.

d)

Hindi siya matututo sa pagtupad sa tungkulin.

6.

Sa anong paraan tatanggapin ang mga pagbabagong nagaganap ngayong dalagita o binatilyo ka na?

a)

Magkaroon ng tiwala sa sarili

b)

Ikahiya ang mga ito

c)

Huwag pansinin ang mga pagbabago

d)

Patuloy na mag-asal bata

7.

Ito ay nagsisilbing panghikayat sa mga binatilyo at dalagita upang gawin ang mga inaasahan sa kanya ng lipunan.

a)

gabay

b)

motibasyon

c)

pagpapaganda

d)

pagmamalasakit

8.

Ang multiple intelligence na teoriya ng Howard Gardner ay nagsasabi na…

a)

Tunay na matalino ang tao.

b)

Dapat gamitin ng wasto ang talento.

c)

Mayroon ibat-ibang talino ang tao.

d)

Ang mga kabataan ay dapat linangin ang talino.

9.

Madalas na magdisenyo at gumuhit si Ben. Anong uri ng interes ang taglay niya?

a)

Clerical

b)

Mechanical

c)

Social

d)

Artistic

10.

Kung nais mong makamit ang minimithi sa buhay, hindi sapat na sasabihin mong gusto kong maging isang doktor kundi _________.

a)

mag-aaral akong mabuti

b)

makikiisa ako sa mga gawaing pampaaralan

c)

tatapusin ko ang mga pangangailangan sa pag-aaral

d)

iiwas ako sa mga barkada upang mapagtuonan ng pansin ang pag-aaral

11.

Bakit mahalaga ang pagkatuto ng isang tinedyer na tulad mo na tuparin ang kanyang tungkulin?

a)

Upang maasahan siya ng magulang.

b)

Upang magkaroon siya ng kaibigan.

c)

Upang tumaaas ang kanyang marka.

d)

Upang maging handa siya sa buhay.

12.

Sa iyong palagay bakit kaalinsabay ng pagiging binatilyo o dalagita ang pagkakaroon ng mga inaasahang kilos na dapat mong gawin?

a)

Upang hind imaging kahiya-hiya

b)

Upang matupad ang inaasahang ugali at gawi

c)

Upang hindi mapabayaan ang pag-aaral

d)

Upang makasabay sa mga kaedad

13.

Masasabing mahal mo ang iyong sarili bilang isang binatilyo o dalagita kung:

a)

sarili mo lang ang mahal mo

b)

mahal at nagpapahalaga ka sa ibang tao

c)

mas mahalaga ang materyal na bagay kaysa buhay ng ibang tao

d)

mahal mo lang ang mga mayayaman para ikaw ay mahalin din nila

14.

Kung ikaw ay may musical intelligence ano ang maaring kahihiligan mong gawin?

a)

magsulat

b)

mag-isip

c)

sumayaw

d)

kumanta

15.

Anong interes ang higit na kailangan ng isang nagnanis na maging politiko?

a)

Literary

b)

Musical

c)

Persuasive

d)

Outdoor

16.

Kung nasusukat lamang ang mithiin sana ay ________.

a)

makatapos tayong lahat sa pag-aaral

b)

walang naghihirap sa kasalukuyan

c)

hindi tayo naiimpluwensiyahan ng ating barkada

d)

nasusubaybayan natin ang ating pagtamo sa pangarap

17.

Lahat ay pananagutan ng kabataan maliban sa isa.

a)

sarili

b)

magulang

c)

kalikasan

d)

bisyo

18.

Minsan, hindi nagkakaroon ng unawaan ang tinedyer at mga magulang nito. Alin sa mga sumusunod ang mahihinuha mong pinakamalaking dahilan? Maaring…

a)

Dahil sa age gap sa pagitan nila

b)

Dahil sa pagrerebelde ng anak

c)

Dahil mayroong inaasahan ang mga magulang sa anak

d)

Dahil sa kakulangan nila ng komunikasyon

19.

Mahalaga ang paglalaro at paglilibang bilang isang dalaga at binata:

a)

Para makaiwas sa mga gawaing bahay.

b)

Para makalimutan ang lahat ng problema at hindi na kailangan ng solusyon.

c)

Upang makalakwatsa sa paaralan at makatakas sa mga tungkulin bilang isang dalaga o binata.

d)

Dahil ito ay paraan upang malibang at makalimutan ang iyong pag-aalala, takot, pagdududa at insekyuridad.

20.

Si Manny Pacquiao ay mayroong _________________ intelligence.

a)

kinesthetic

b)

musical

c)

intrapersonal

d)

interpersonal

21.

Ang interes ng mekanikal ay tumutukoy sa __________.

a)

Pagkahilig makisalamuha sa tao.

b)

Nasisiyahan sa paggamit ng makina.

c)

Pagkahilig sa paggamit ng numero.

d)

Nasissiyahan sa pag-iimbento ng bagay.

22.

Bawat kurso o propesyon na gusto mo ay may mga pangangailangan kaya kailangang __________.

a)

handa ka sa pag-aaral

b)

mapera ang mga magulang

c)

mag-aaral at magsisikap kang mabuti

d)

malalaman mo kung ano-ano ang natapos mo na at kailangan pang tapusin

23.

Ano ang pinakamalaking dahilan para mag-aral nang mabuti ang isang kabataang tulad mo?

a)

Magkaroon ng diploma.

b)

Matuto sa paghawak ng tungkulin balang araw.

c)

Umasenso ang buhay.

d)

Magkaroon ng magandang hanapbuhay balang araw.

24.

Lahat ay mga inaasahang kilos at asal (developmental tasks) ng isang kabataan maliban sa isa.

a)

Marunong magdala ng mga suliranin.

b)

Magkaroon ng boyfriend at girlfriend.

c)

Mahusay sa pakikisalamuha sa kapwa.

d)

Matutong pamahalaan ang mga peer pressure.

25.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa pagiging isang ganap na binatilyo o dalagita?

a)

Nakatutulong sa pagiging marahas sa sarili at sa ibang tao.

b)

Nakatutulong sa kompetisyon ng mga karibal para sa pag-unlad sa buhay.

c)

Nakatutulong sa pag-unlad ng sarili, batay sa pag-iisip at sa pakikipagkapwa-tao.

d)

Nakapagbibigay-linaw at tiwala sa sarili upang makaapak sa karapatan ng ibang tao.

26.

Si Alisa ay late bloomer kung pagsayaw ang pag-uusapan, ang ibig sabihin nito ay __________.

a)

Hindi niya natuklasan ang talentong ito.

b)

Wala siyang interes na linangin ang talinong ito.

c)

Wala siyang talent rito.

d)

Huli niyang natuklasan ang kakayahang ito.

27.

Hindi lahat ng hilig ng kaibigan ay sasang-ayunan sapagkat…

a)

Baka ikagalit ito ng magulang.

b)

Baka ikakasama ko ang paggawa ng ganun.

c)

Baka madamay ako sa gulo.

d)

Baka matulad ako sa iba.

28.

Ang pagtamo ng mithiin ay magiging makabuluhan kung __________.

a)

ito’y naisasakatuparan

b)

pinagsisikapang marating

c)

narating ang pinapangarap

d)

nangangailangan ito ng pinakamatayog na kakayahan

29.

Ang pangangalaga sa kalikasan ay isa sa mga tungkulin ng isang kabataang tulad mo. Ang pinakaangkop na dahilan ay…

a)

Upang hindi bumaha.

b)

Upang hind maging biktima ng kalamidad.

c)

Upang maging malinis ang paligid.

d)

Upang mapangalagaan ang kalikasan.

30.

Ito ay bahagi ng pakikipag-ugnayan sa kapwa upang maipahayag ang iyong nararamdaman, ninanais, at mga plano sa buhay.

a)

pakiki-isa

b)

paglilibang

c)

komunikasyon

d)

pagkukunwari