wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP Quiz Review #1

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Hindi sinadyang nasagi ni Celine ang plorera ng bulaklak ng kanyang guro. Ito ay nahulog at nabasag. Walang nakakita sa pangyayari, Siya aý nataranta at hindi alam ang gagawin. Wala naman siyang pera ipambili ng kapalit ng nabasag na plorera. Ano sa palagay mo ang dapat gawin ni Celine?

a)

Ituro sa iba ang kasalanang nagawa.

b)

Sasabihin sa guro ang totoong nangyari.

c)

Ligpitin kaagad ang nabasag na plorera at itapon sa malayo upang walang makaalam na nabasag ito.

d)

Umalis kaagad sa pinangyarihan upang walang makakaalam na siya ang nakabasag nito

2.

Masyado kang abala sa buong araw kaya hindi mo natapos ang iyong takdang-aralin. Kailangan mo itong tapusin sa araw na iyon sapagkat iwawasto na ito kinabukasan. Napagdesisyunan mong tapusin ito hanggang sa inabot ka na nang hatinggabi. Upang hindi ka antukin, nilakasan mo ang radyo. Lumabas sa kwarto ang bunso mong kapatid at sinabihan ka na hindi siya makatulog dahil sa lakas ng tunog ng iyong radyo. Sinabi niya na hinaan mo ito ngunit inaantok ka na. Ang malakas na tunog lamang ang nag-aalis ng iyong antok sa panahong iyon, Ano ang gagawin mo?

a)

Pagagalitan ang kapatid dahil nakikialam siya.

b)

Hahayaan ang bunsong kapatid at ipagsawalang bahala ito.

c)

Papatayin ang radyo at maghanap na lang ng ibang paraan para hindi antukin.

d)

Papatayin ang radyo, hindi tatapusin ang takdang-aralin at magsusumbong sa nanay na inistorbo ka ng kapatid mo.

3.

Si Mang Kanor ay nawalan ng hanapbuhay dahil nagsara ang pabrika na kanyang pinapasukan. May apat siyang anak na pawang mga bata pa. Wala ring hanapbuhay ang kanyang asawa. May konting ipon silang pera sa bangko ngunit unti-unti na rin itong nauubos dahil ito ang ginagamit nila sa pang-araw-araw na gastusin. Wala nang pag-asang magbukas pang muli ang pabrikang kanyang pinasukan noon. Ano ang maibibigay mong suhestiyon sa kanyang sitwasyon?

a)

Maghanap ng ibang trabaho na marangal kahit na maliit ang sahod.

b)

Pagsabihan niya ang kanyang mga anak na mamalimos sa lansangan.

c)

Pagsabihan siya na kasalanan niya kung bakit nawalan siya ng trabaho.

d)

Huwag ng papaaralin ang mga anak at hayaan silang magtinda ng mga pagkain sa lansangan para mag dagdag income.

4.

Maganda ang ideya ng isang kasapi ng inyong samahan tungkol sa Clean-Up Drive. Subalit, ayaw sundin ng isa mo pang kasamahan ang kanyang suhestiyon dahil salungat ito sa gusto niya. Ano ang gagawin mo?

a)

Pumili ng kagrupo na may katulad na paniniwala.

b)

Magkanya - kanya na lang dahil iba-iba ang pananaw ng bawat isa.

c)

Pakinggan ang suhestiyon ng bawat isa at pag-usapan nang mabuti kung ano ang nakabubuting gawin.

d)

Huwag nang gawin ang Clean-Up Drive sapagkat nakasisira lamang ito sa relasyon ng bawat kasamahan.

5.

Si Jesie ay pangulo ng inyong klase at matalik mong kaibigan. Gusto niyang ipatupad ang “Basura Mo, Ligpitin Mo”, bilang isang proyekto sa inyong paaralan. Bilang isang kaibigan, ano ang gagawin mo?

a)

Hayaan siyang ipatupad ang proyektong ito.

b)

Ipagsawalang bahala ang proyektong nais niyang ipatupad.

c)

Susuportahan ang kaibigan upang maging malinis ang kapaligiran.

d)

Makinig sa kanyang gusto at bahala na ang ibang grupo na magpatupad nito.

6.

Ang iyong kamag-aral ay namili ng mga materyales na gagamitin para sa inyong proyekto sa ESP. Natuklasan mo na may sobrang illustration board ang kanyang pinamimili at nagkataon itong kailangan ng iyong bunsong kapatid. Tama ba na ibigay mo ito sa iyong bunsong kapatid?

a)

Oo, dahil makatitipid na si nanay.

b)

Oo, dahil hindi naman namin kasalanan na sobra ang binigay.

c)

Hindi, dahil dapat na isauli ito sa tindahan na pinagbilhan ng kaklase ko.

d)

Hindi, dahil pwede naman naming gawing reserba ito baka sakaling magkamali kami.

7.

Pinagalitan ka ng iyong guro dahil sa isang pagkakamali na hindi naman ikaw ang gumawa. Napahiya ka sa buong klase. Napag-alaman mo na isa pala sa kamag-aral mo ang nakagawa ng mali at ikaw ang kanyang naituro ng tanungin siya ng iyong guro. Humingi siya ng tawad sa iyo at nangakong sasabihin sa guro ang totoo. Ano ang gagawin mo?

a)

Aawayin siya nang husto dahil sa iyong pagkapahiya sa klase.

b)

Isusumbong ko siya sa aking guro upang siya naman ang mapagalitan.

c)

Sasabihin ko sa kanya na huwag nang mag-abala dahil nasira ka na sa iyong guro.

d)

Pakinggan ang paliwanag ng kamag-aral at tatanggapin ang paghingi niya ng paumanhin.

8.

Si Nelie ay isang batang marunong tumupad sa kanyang pangako. Anong katangian meron siya?

a)

Matiisin

b)

Matiyaga

c)

Mahinahon

d)

May isang salita

9.

Sina Jose at Daniel ay matalik na magkaibigan. Nangako si Jose kay Daniel na ipapasyal niya ito sa Museum sa darating na Sabado. Ngunit may masamang nangyari sa nanay ni Jose kaya isinugod ito sa hospital sa mismong araw ng kanilang kasunduan. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Daniel?

a)

Pupunta nalang siya sa Museum mag-isa.

b)

Magagalit kay Jose at hindi na makipag-usap pa.

c)

Pagsabihan si Jose na hindi tama ang mangako na hindi naman tutuparin.

d)

Intindihin na lamang si Jose at ipagdasal ang kalagayan ng kanyang nanay.

10.

Paano mo maipapakita sa iyong kaibigan na ikaw ay may tunay na malasakit sa kanya?

a)

Pabayaan lamang ang kaibigan sa hospital kasi tinatamad ka.

b)

Dalawin ang kaibigan at sabihing humingi ka ng pabor sa guro.

c)

Dalawin ang kaibigan at magsinungaling na hindi natuloy ang pagsusulit.

d)

Pumunta sa hospital, dumalaw at makikain sa dalang pasalubong ng kanyang nanay.

11.

Alin sa mga salawikaing ito ang nagbibigay kahulugan sa isang tunay na pagkakaibigan?

a)

“Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”.

b)

“Matalino man ang matsing, napaglalamangan din”.

c)

“Sa panahon ng kagipitan, diyan mo makikita ang tunay mong kaibigan”.

d)

“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”.

12.

Alam mong magagalit si Alex sayo kapag isinumbong mo siya kay Diana. Bilang isang mabuting mag-aaral, paano mo sasabihin kay Alex na hindi tama ang kanyang ginawa?

a)

Sisigawan ko siya na hindi tama ang kanyang ginawa.

b)

Pagsasabihan ko siya na isauli niya ang pera kay Diana dahil hindi naman sa kanya iyon.

c)

Kakausapin ko ang kanyang mga magulang tungkol sa kanyang ginawa para sila na lang ang magsabi nito sa kanya.

d)

Kakausapin ko siya nang mahinahon at sasabihin sa kanya na hindi tama ang kanyang ginawa at ibalik niya kay Diana ang perang napulot niya.

13.

Hindi ka masyadong kumbinsido sa mungkahi ng inyong Kapitan tungkol sa paraan ng pagbibigay ng relief goods. Paano mo ito maipararating sa kanya?

a)

Pabayaan na lang ito at hayaan ang kanyang desisyon.

b)

Hikayatin ang ibang kasama na huwag ng sumali sa pamimigay.

c)

Kausapin ito ng masinsinan at ilahad ang iyong opinyon ukol dito.

d)

Huwag pansinin ang kanyang mungkahi bagkos gagawa ka nalang ng ibang

paraan na naaayon sa iyong kagustuhan.

14.

Alin sa mga sumusunod ang karaniwang naging dahilan ng HINDI pagkakaunawaan ng bawat isa?

a)

Pagkakaiba-iba ng mga pananaw.

b)

Laging maunawain at magalang sa palagay ng iba.

c)

Pagkamahinahon sa pagbibigay ng sariling palagay o suhestiyon.

d)

May isipang umunawa at pusong nagsasaalang-alang ng damdamin ng iba.

15.

Nagkaroon ng pangkatang gawain tungkol sa paggawa ng isang tula para sa kapaligiran. Si Michelle ang napiling lider ng kanilang grupo. Bilang isang lider, ano kaya ang kanyang dapat gawin?

a)

Makinig sa mga suhestiyon o ideya ng nakararami.

b)

Pakinggan at sundin ang mga suhestiyon ng iilan lamang.

c)

Pakinggan ang mga suhestiyon at sundin kung ano ang nakakabuti sa sarili niya.

d)

Pagsama-samahin ang kanilang mga ideya at hangga't maaari ay ideya niya parin ang masusunod.

16.

May kaklase ka na nagbigay ng hindi masyadong magandang puna sa iyong gawain. Ano ang iyong gagawin?

a)

Tatanggapin ang puna at pagbutihan pa ang gawa.

b)

Hindi ko na siya papansinin.

c)

Magagalit ako sa kanya.

d)

Isusumbong ko siya sa aming guro.

17.

Ano ang iyong gagawin kung may mga kasamahan kang nagkagulo dahil hindi nagkasundo?

a)

Hayaan silang mag-away.

b)

Isusumbong sa guro.

c)

Umalis upang makaiwas sa gulo.

d)

Aawatin sila sa mahinahong paraan.

18.

Paano ka pipili sa mga suhestiyon na inilahad ng iyong mga kasamahan?

a)

Base sa nagbigay ng suhestiyon.

b)

Kung anong suhestiyon ang nakabubuti para sa lahat

c)

Hindi na lang pipili.

d)

Pikit-mata ang pagpili.

19.

Paano ka magbibigay ng iyong suhestiyon?

a)

Naayon sa aking kagustuhan.

b)

Titingnan ang ikabubuti ng aking mga kaibigan lamang.

c)

Titingnan ang ikabubuti ng lahat.

d)

Magbigay ng suhestiyon ng walang basehan.

20.

Ano ang gagawin mo kung hindi napili ang iyong suhestiyon?

a)

Tatanggapin ng kusang loob anuman ang napiling suhestiyon.

b)

Sa susunod na pulong, hindi na magbibigay ng suhestiyon.

c)

Hindi na papansinin ang mga kasamahan.

d)

Hindi na sasali sa susunod na pulong.

21.

Nais mong mapanatiling malinis ang inyong lugar kaya’t nagkusa kayo ng iyong mga kaibigan na walisan ang mga kalsada sa inyong barangay.

a)

SANHI

b)

BUNGA

22.

Binilhan mo ng bagong laruan ang iyong kapatid dahil nasira mo ang kanyang lumang laruan at saktong kaarawan din niya.

a)

SANHI

b)

BUNGA

23.

Nahihirapan ang kaklase mo sa Math kaya’t nag-alok ka ng libreng tutorial sa kanila tuwing recess.

a)

SANHI

b)

BUNGA

24.

Ikaw at ang iyong mga kaibigan ay nagbigay ng donasyon para sa mga batang naulila sa magulang dahil sa Bagyong Pablo.

a)

SANHI

b)

BUNGA

25.

Nakita mong hindi sinagutan ng kaklase mo ang gawaing binigay ng iyong guro dahil wala siyang papel, kaya nag alok kang bigyan siya ng isang piraso at nagpasalamat sa iyo ang iyong kaklase.

a)

SANHI

b)

BUNGA