wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Parola 9

Total questions: 52

Worksheet time: 5hrs 30mins

Name
Class
Date
1.

Isang akda o maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng

pang araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan,may isang pangyayari at isang kakintalan.

(a)  

2.

Kalinangan, mga katutubong ugali,saloobin at kabuhayan ng isang lahi o bansa.Ayon kay Edward B. Taylor,ay hindi ito payak at simple sa kabuuan.Ito ay naglalaman ng kaalaman ,paniniwala,sining,pagpapahalagang pangkatauhan,nakagawian at ano mang kakayahan o kaugaliang nakukuha ng isang tao sa lipunan.

a)

Katangian

b)

Kwento

c)

Kultura

d)

Salita

3.

Gintong Panahon ng Maikling Kwento

a)

Panahon ng mga Hapon

b)

Panahon ng mga Kastila

c)

Panahon ng mga Ninuno

d)

Panahon ng mga Amerikano

4.

Higit na naging makulay ang Maikling Kuwento sa Panahon ng mga _________.

a)

Kastila

b)

Amerikano

c)

Hapon

d)

Ninuno

5.

Ano ang kahalagahan ng Edukasyon?

Piliin ang pinakamahusay na sagot.

a)

Ito ay daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa at magkaroon ng masaganang ekonomiya.Ito ang magdadala sa kanila sa mga inasam nilang mithiin.

b)

Magagamit ang edukasyon upang magkaroon ng kaalaman at impormasyon sa mga bagay-bagay.

c)

Ito ang magiging sandata ng mga kabataan sa kanilang kinabukasan at ito ang nagsisilbing mekanismo humuhubog sa isipan,damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao.

d)

Nakakatulong ito sapagkat ito ang nagtuturo sa atin ng tama at mali,ito ang humasa saating pagsusulat kung kaya’t ito ay naging mahalaga.

e)

wala sa mga nakasaad

6.

1.Tinangkilik ang relihiyong katolisismo.

2.Nagpabinyag at nagpalit ng Pangalan.

3.Ginamit ang baybayin

4.Nakilala ang tradisyong Europeo (awit, moro-moro, pasyon, dungaw, karagatan, duplo, karilyo, senakulo, tibag, sarswela at iba pa.)

a)

Panahon ng mga Kastila

b)

Panahon ng mga Amerikano

c)

Panahon ng mga Hapon

d)

Panahon ng mga Ninuno

7.

•Sining at Panitikan

•Bulong

•Tugmang bayan

•Bugtong

•Epiko

•Salawikain

•Awiting Bayan na anyong patula

•Mga kwentong bayan

•Alamat at mito na anyong tuluyan

•Mga katutubong sayaw

•Ritwal ng Babaylan bilang pinaka unang anyo ng dula sa bansa

a)

Panahon ng mga Ninuno

b)

Panahon ng mga Kastila

c)

Panahon ng mga Amerikano

d)

Panahon ng mga Hapon

8.

•Maikling Kwento

•Pang publikong edukasyon kung saan pinapasok ang kurikulum sa pagtuturo ng Ingles

•Dagli(isang salaysayan na lantaran at walang pangiming nangangaral,namumuna,nanunudyo o kaya ay nagpapasaring)

a)

Panahon ng mga Ninuno

b)

Panahon ng mga Kastila

c)

Panahon ng mga Amerikano

d)

Panahon ng mga Hapon

9.

•Kwento ng katutubong kulay

•Bukod sa kwentong isipan

•Banghay

•Tagpuan at Tauhan

•Sariling wika sa pagsusulat

a)

Panahon ng mga Ninuno

b)

Panahon ng mga Kastila

c)

Panahon ng mga Amerikano

d)

Panahon ng mga Hapon

10.

Payak o simple ang pakahulugan, ito ay naglalaman ng kaalaman,

paniniwala,sining,pagpapahalagang,

pangkatauhan,nakagawian at anumang kakayahan o kaugaliang nakukuha ng tao sa lipunan.

a)

Kwento

b)

Kultura

c)

Komunikasyon

d)

Salita

11.

Pagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kanyang pang-araw-araw na pagsisikap upang mabuhay at lumigaya.

a)

Storya

b)

Kultura

c)

Panitikan

d)

Emosyon

12.

Sinasalamin ng panitikan ang kultura ng bawat mamamayan.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

1.Kilalanin ang pangkat etniko/mga taong inilalarawan sa akda.

2.Alamin ang kanilang pinagmulan maging ang kanilang gawi,uri ng pamumuhay at higit sa lahat ang kanilang pagpapahalagang pangkatauhan batay sa naitala sa kasaysayan.

3.Kapag ikaw ay may naitagong kaalaman hinggil sa pangkat na ito, maari mong basahin at hanapin sa akdang binasa ang iyong nalalaman hinggil sa kanila.

a)

Hakbang sa pagkilala ng kulturang sinasalamin ng mga pangunahing tauhan sa akda.

b)

Hakbang sa pagalam ng salitang sinasalamin ng mga pangunahing bigkas sa akda.

c)

Hakbang sa pagkilala ng panitikang sinasalamin ng mga ikatlong tauhan sa akda.

d)

WALA SA PAGPIPILIAN

14.

Isa sa mga pinakamahalagang elemento ng maikling kwento ay ang mga _______. Ang ______ ang siyang gumaganap at nagbibigay buhay sa bawat pangyayari sa isang kwento.

a)

Kultura

b)

Pangyayari

c)

Tauhan

d)

Banghay

15.

Ang "Paglalayag sa Puso ng Isang Bata"

ay akda ni __________________.

a)

Diana Gracia L. Lacano

b)

Rustica Carpio

c)

Mochtar Lubis

d)

Genoveva Edroza-Matute

16.

Pangunahing karakter na nakararanas ng iba’t ibang tunggalian at pagbabago sa buhay.

a)

Bilog na Karakter

b)

Lapad na Karakter

c)

Parisukat na Karakter

d)

Oblong na Karakter

17.
a)

Lapad na Karakter

b)

Walang karakter

c)

Oblong na karakter

d)

Bilog na Karakter

18.

Nasusuri ang kwento batay sa bilog at lapad na karakter.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

Yunit ng wika na nagtataglay ng kahulugan at maaring binubuo ng ilang morpemang magkakaugnay sa isa’t isa.

a)

Salitang Puno

b)

Salitang Ugat

c)

Salita

d)

Salitang Kahoy

20.

Tawag sa salitang walang panlapi at taglay nito ang kahulugan

a)

Payak

b)

Maylapi

c)

Inuulit

d)

Salitang Ugat

21.

Magkasamang salitang-ugat at panlapi.

(a)  

22.

Ito ay panlapi na ikinabit sa unahang bahagi ng salitang-ugat.(isa lang ang tamang sagot)

a)

Unlapi

b)

Gitlapi

c)

Hulapi

d)

Ulapi

e)

Laguhan

23.

Ito ay panlapi na ikinabit sa gitnang bahagi ng salitang-ugat.

a)

Unlapi

b)

Gitlapi

c)

Hulapi

d)

Kabilaan

e)

Laguhan

24.

Ito ay panlapi na ikinabit sa unahan at hulihang bahagi ng salitang-ugat.

a)

Unlapi

b)

Gitlapi

c)

Hulapi

d)

Kabilaan

e)

Laguhan

25.

Ito ay panlapi na ikinabit sa hulihang bahagi ng salitang-ugat.

a)

Unlapi

b)

Gitlapi

c)

Hulapi

d)

Kabilaan

e)

Laguhan

26.

Ito ay panlapi na ikinabit sa unahan,gitna at hulihang bahagi ng salitang-ugat.

a)

Kabilaan

b)

Unlapi

c)

Gitlapi

d)

Hulapi

e)

Laguhan

27.

Inuulit ang salitang ugat

a)

Pag-uulit na ganap

b)

Pag-uulit na di ganap

28.

Inuulit lamang ang bahagi ng salitang ugat

a)

Pag-uulit na ganap

b)

Pag-uulit na di ganap

29.

Dalawang salitang pinagsama upang makabuo ng isang salita.

(a)  

30.

Dalawang salita na pinagsama ay nakabubuo ng ibang kahulugan.

a)

Tambalang ganap

b)

Tambalang di ganap

31.

Dalawang salitang pinagsama ay nananatili lamang ang kahulugan.

a)

Tambalang di ganap

b)

Tambalang ganap

32.

MGA URI NG SALITA AYON SA BIGKAS

a)

BIGKAS LALAWIGANIN

b)

BIGKAS PAMBANSA

c)

BIGKAS PANG-ISLA

d)

BIGKAS PAYAK

33.

Ang "Kasalan sa Nayon" ay akda ni ________________.

a)

Rusica Carpio

b)

Ussiri Thammachote

c)

Mochtar Lubis

d)

Eleuterio P. Fojas

34.

HEOGRAPIKAL NA LOKASYON

a)

Kondisyon ng panahon

b)

ORAS

c)

LUGAR

d)

Mood o atmospera

e)

Kondisyon ng lipunan

35.

MAKASAYSAYANG PANAHON, ORAS, ARAW, TAON AT IBA PA.

a)

ORAS

b)

Kondisyon ng panahon

c)

Kondisyon ng lipunan

d)

Mood o atmospera

e)

LUGAR

36.

Kalagayan ng panahon o klima.

a)

Kondisyon ng lipunan

b)

Kondisyon ng panahon

c)

Mood o atmospera

d)

LUGAR

e)

ORAS

37.

Pananalita,pananamit, manerismo,kaugalian at iba pa.

a)

Mood o atmospera

b)

Kondisyon ng panahon

c)

ORAS

d)

Kondisyon ng lipunan

e)

LUGAR

38.

Kabuuang damdamin o emosyon sa kwento.

a)

Mood o atmospera

b)

Kondisyon ng lipunan

c)

Kondisyon ng panahon

d)

LUGAR

e)

ORAS

39.

Ang akdang "Ang Bahay na Yari sa Taek" ay akda ni ___________.

a)

Rustica Carpio

b)

Diana Gracia L. Lacano

c)

Mochtar Lubis

d)

Genoveva Edroza-Matute

40.

Ang mga MAG-AARAL ay nananawagan sa pangulo ng bansa hinggil sa patuloy na pagtaas ng matrikula sa paaralan.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

41.

Taon-taong ipinagdiriwan ng mga Davaoeno ang KADAYAWAN.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

42.

Nakakaawang tingnan ang pusang si KITKAT na nasagasaan ng sasakyan.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

43.

Ang pangkat ng mga KABATAAN ay aalis patungong Vigan.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

44.

Masinop na mag-aral ang batang si ARLYN kung kaya madalas siyang nakakukuha ng mataas na marka.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

45.

Isang mamahaling RELO ang ibinigay niya sa kanyang anak.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

46.

Ang mga mamamayan ng BOHOL ay nananawagan sa lahat na sila ay tulungan upang makabangon mula sa pinsalang gawa ng bagyo.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

47.

Ang mga AGILA ay nanganganib nang mawala.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

48.

Maraming turista ang pumunta sa SIARGAO noong nakaraang bakasyon.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

49.

Sunod-sunod na TRAHEDYA ang dumating sa ating bansa.

a)

Pantangi

b)

Pambalana

50.

Ang "Tahanan ng Sugarol" ay isinalin ni ___________.

a)

Efren R. Abueg

b)

Rustica Carpio

c)

Lyda Perez

d)

Crystobal Cruz

51.

"Ang Nawala ay Di na maibabalik" ay akda ni____________.

a)

Ai Kong

b)

Ussiri Thammachote

c)

Thelma B. Kintanar

52.

1.Kuwentong Tauhan

2.Kuwento ng Kababalaghan

3.Kuwento ng Kapaligiran/ Katutubong Kulay

4.Kuwento ng Katatakutan Kuwento ng Katatawanan 5.Kuwento ng Madulang Pangyayari

6.Kuwento ng Pakikipagsapalaran

7.Kuwento ng Sikolohikal

(Ito ay Uri ng Maikling Kwento)

a)

Tama

b)

Mali