WorksheetsAP 6 - Kabuuang Pagsusuri (2nd Quarter)
Total questions: 30
Worksheet time: 23mins
Bakit mahalaga ang Konstitusyong ng Pilipinas?
Dahil ito ang naglatag ng karapatan ng mga Amerikano
Dahil ito ang naglatag ng karapatan ng mga Pilipino
Dahil ito ang naglatag ng karapatan ng mga Espanyol
Dahil ito ang naglatag ng karapatan ng mga Hapon
Alin sa sumusunod ang isang pagbabagong natamasa ng mga Pilipino sa ilalim ng Batas Tydings-McDuffie?
Pagkakaroon ng Pilipinong Bise-Presidente
Pagkakaalis ng transition period
Pagkakaroon ng kinatawan sa kumbensiyong konstitusyonal
Pagiging isang Amerikanong bansa ng Pilipinas
Anong pamahalaang Pilipino ang nabuo noong transition period ng mga Amerikano sa bansa?
Komonwelt
Unang Republika
Ikalawang Republika
Ikatlong Republika
Paano ginamit ng gobernador-heneral ng Amerika ang kaniyang kapangyarihan na hindi ipasa ang mga batas?
Nagbitiw siya sa puwesto.
Hindi niya ito masyadong ginamit.
Ginamit niya ito nang lubusan.
Itinakwil niya ang kapangyarihang ito.
Alin sa sumusunod ang ipinagkaloob ng Batas Jones sa mga Pilipino?
barangay
kongreso
senado
mga kagawaran
Ano ang naging silbi ng Philippine Autonomy Act sa mga panahong ito ay ipinapatupad?
bilang gabay ng mga Amerikano sa pagpapalakad ng Pilipinas
bilang paraan upang magkaroon ng kasarinlang ang mga Pilipino
bilang patakaran upang mapigilan ang mga pag-aalsa sa bansa
bilang konstitusyon ng Pilipinas
Bakit naging mahalaga para sa mga Pilipino na magkaroon ng posisyon sa pamahalaan?
Ipinagkaloob nito ang kapangyarihang ekonomikal sa mga Pilipino.
Binigyan nito ang mga Pilipino na pamunuan ang sariling bansa.
Binigyan nito ang mga Pilipino ng kakayahang pumili.
Ipinakilala nito ang Pilipinas sa ibang bansa.
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
karapatang pumili ng sariling relihiyon
karapatang mabuhay
karapatang makapagtrabaho
karapatang magpunta sa Estados Unidos
Alin sa sumusunod ang isa sa mga kondisyon ng mga Amerikano para sa pagpapatupad ng Batas Pilipinas?
Pagtigil ng mga pag-aaklas sa lahat ng kapuluan ng bansa
Paggawa ng mga impraestruktura para sa mga Amerikano
Pagkakaroon ng mga guro sa lahat ng kanayunan
Pagbigay ng karapatan sa mga Amerikano na magsagawa ng negosyo sa bansa
Ano ang layunin ng Batas Pilipinas?
humalili ang mga Espanyol sa pamumuno ng Estados Unidos
humalili ang mga Amerikano sa pamumuno sa bansa
humalili ang mga Pilipino sa pamumuno ng Estados Unidos
humalili ang mga Amerikano sa pamumuno ng Espanya
Ano ang unang pamahalaang itinatag sa Pilipinas ng Estados Unidos?
Komonwelt
Militar
Sibil
Komisyon
Sino ang nagsilbing tagapagpaganap ng Pamahalaang Sibil sa kolonyang Pilipinas?
Pangulo ng Estados Unidos
Gobernador-Militar
Punong Mahistrado
Gobernador-Sibil
Bakit ang unang itinatag o ipinairal ng Estados Unidos sa kolonyang Pilipinas ay Pamahalaang Militar?
May himagsikan sa Pilipinas
Mabagsik ang mga Pilipino
Sundalo si William McKinley
Duwag ang mga Amerikano
Ano ang tawag sa isang patakaran ng Estados Unidos sa Pilipinas na naglalayong hikayatin ang mga edukadong Pilipino na makipagtulungan sa pamahalaang kolonyal?
Pasipikasyon
Malayang Kalakalan
Kooptasyon
Kolonisasyon
Ano ang naging bunga ng patakarang pasipikasyon ng mga Amerikano?
Umunlad ang kabuhayan ng mga Amerikano
Nagtagumpay ang mga Pilipino
Naitatag ang pamahalaang sibil
Nasupil ang mga Pilipino
Bukod sa transportasyon, ano pa ang naging isang pokus ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas?
ekolohiya
komunikasyon
sikolohiya
literatura
Alin sa sumusunod ang naipagawa nang dumating ang mga Amerikano sa bansa?
mga makinarya ng pribadong kumpanya
mga malalaking pabrika ng sapatos
mga bagong kalsada
mga bagong imbensiyon para sa langis
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng radio-telephone service sa Pilipinas noong 1933?
Napalaki ang bilang ng turista sa bansa.
Naging kilala ang Pilipinas sa Asya.
Naging sagana sa radyo at telepono ang bansa.
Napadali ang sistema ng komunikasyon sa bansa.
Paano nakaapekto ang sistema ng tren sa sistemang pangkalakalan ng bansa?
Mas naging mahirap ang sistemang pangkalakalan.
Mas naging mahigpit ang sistemang pangkalakalan.
Mas napadali ang sistemang pangkalakalan.
Mas napagulo ang sistemang pangkalakalan.
no ang itinatag noong 1901 upang tugunan ang mga suliraning pangkalusugan at pangkalinisan?
Kagawaran ng Turismo
Kagawaran ng Edukasyon
Kagawaran ng Pinansiya
Kagawaran ng Kalusugan
Anong ospital ang ipinatayo noong 1907?
Philippine General Hospital
Fabella Hospital
Hospicio de San Jose
San Lazaro Hospital
Ano ang epekto ng pagtatayo ng Philippine General Hospital?
Nadagdagan ang mga namatay.
Dumami ang mga maysakit na babae.
Nabawasan ang mga namatay.
Dumami ang mga maysakit na lalake.
Ano ang maaaring mahinuha mula sa pagpapatayo ng iba't ibang institusyong pangkalusugan sa panahon ng mga Amerikano?
Naging mahirap para sa mga Amerikano na magtayo ng mga institusyong pangkalusugan.
Naging mahalaga para sa mga Amerikano na tugunan ang problemang pangkalusugan sa bansa.
Naging limitado ang serbisyo at kakayahan ng mga Amerikano sa larangan ng kalusugan.
Naging ehemplo ng isang magandang bansa ang Pilipinas dahil sa pagbabagong pangkalusugan na dala ng mga Amerikano.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan ng pagda-diet na itinuro ng mga Amerikano sa mga Pilipino?
Mga piniritong pagkain lamang ang kayang kainin ni Marco sa araw-araw.
Kumakain si Marie ng hindi bababa sa tatlong takal ng kanin tuwing agahan, tanghalian, at hapunan.
Hindi kumakain si Dayana ng kahit anong gulay o prutas.
Sinisiguro ni Leila na kumain ng tamang dami ng protina, prutas, gulay, at carbohydrates sa araw-araw.
Bakit tinawag na Thomasites ang mga gurong Amerikano?
dahil sila ay mga Kristiyano
dahil sa barkong SS Thomas na kanilang sinakyan papunta sa Pilipinas
dahil sa aklat na kanilang binasa bago dumating sa Pilipinas
dahil sila ay naniniwala sa mga turo ni Santo Tomas
Ang Batas Pilipinas ng 1902 ay kilala rin bilang Philippine Organic Act of 1902 o Cooper Act.
Tama
Mali
Si Pangulong Manuel L. Quezon ang naging pangulo ng Pamahalaang Komonwelt.
Tama
Mali
Ang Batas Sedisyon ay nagbawal sa mga Pilipino na magsalita, lumaban, magsulong ng rebelyon, o maghiwalay sa Estados Unidos.
Tama
Mali
Ang Flag Law (1907) ay nagbabawal sa pagpakita, pagladlad, at pagwagayway ng bandila ng Pilipinas o anumang bandilang sumasagisag sa kalayaan at rebolusyon.
Tama
Mali
Ang pagtangkilik sa mga produkto o serbisyong gawa sa ibang bansa sa halip na gawang Pinoy ay isang katangian ng tinatawag na "Colonial Mentality."
Tama
Mali
