WorksheetsAP 9 Summative Assessment
Total questions: 30
Worksheet time: 3hrs 30mins
Kailangan ng estadistika upang magkaroon ng basehan ang mga pag-aaral at mapatunayan ang mga teorya sa Ekonomiks.
Ekonomiks at Natural Science
Ekonomiks at Matematika
Ekonomiks at Agham Pampulitika
Ekonomiks at Kasaysayan
Ang pag-unlad ng teknolohiya at kaalaman sa mga bagay-bagay sa mundo ay nakaapekto sa kabuhayan ng tao pati na rin sa pag-aaral ng ekonomiya.
Ekonomiks at Natural Science
Ekonomiks at Matematika
Ekonomiks at Agham Pampulitika
Ekonomiks at Kasaysayan
Ang mga samahang tulad ng mga non-governmental organizations, Rotary Club, Lions Cub, at mga kooperatiba ay may malaking ambag sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng isang bansa.
Ekonomiks at Natural Science
Ekonomiks at Matematika
Ekonomiks at Agham Pampulitika
Ekonomiks at Kasaysayan
May mga pangyayari sa nakaraan na may direktang kaugnayan sa mga suliraning kinahaharap ng ekonomiya sa kasalukuyan at nagbibigay ng mga kaalaman upang mahinuha ang maaring mangyari sa kinabukasan.
Ekonomiks at Natural Science
Ekonomiks at matematika
Ekonomiks at Agham Pampulitika
Ekonomiks at Kasaysayan
Ang pag-aaral sa mga likas na yaman at katangian ng yamang-tao ay kailangan ng Ekonomiks.
Ekonomiks at Sosyolohiya
Ekonomiks at Heograpiya
Ekonomiks at Agham Pampulitika
Ekonomiks at Kasaysayan
Nakabatay sa pisikal na lokasyon ang pang-ekonomiyang gawain at katangian ng isang lipunan o bansa.
Ekonomiks at Sosyolohiya
Ekonomiks at Heograpiya
Ekonomiks at Agham Pampulitika
Ekonomiks at Kasaysayan
Saklaw nito ang lahat ng yamang pisikal sa ibabaw o ilalim pati ang yamang tubig, yamang mineral at yamang gubat bilang mahalagang salik sa paglikha ng produkto.
Lupa
Lakas Paggawa
Entrepreneur
Kapital
Tinaguriang mga kalakal o kagamitan tulad ng makinarya o kasangkapan na nakalilikha ng iba pang produkto.
Lupa
Lakas Paggawa
Entrepreneur
Kapital
Ang proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output.
Pagkonsumo
Produksyon
Distribusyon
Alokasyon
Mahalaga ang lupa bilang isang salik ng produksyon. Alin sa mga pangungusap ang magpapatunay sa kahalagahan nito?
Pinatatayuan ito ng pagawaan, tulay at daan, mayroon ding yamang mineral, yamang tubig at yamang gubat na makukuha.
Nagbibigay ito ng serbisyo sa ekonomiya ng bansa.
Ang kita o upa mula rito ay nagbibigay kapital sa lakas paggawa, nagbibigay trabaho sa entrepreneur at kinokunsumo ng kapital.
Waka sa nabanggit
Ang tawag sa kakayahan ng isang tao na makapagsimula ng negosyo sa nabuong produkto o serbisyo.
Lupa
Lakas Paggawa
Entrepreneurship
Kapital
Kung ang makukuhang kita sa lupa ay upa, sa entrepreneur ay tubo at sa lakas paggawa ay sahod, ano namang uri ng kita ang makukuha sa kapital?
Sweldo
Interes
Makinarya
Sasakyan
Ang lakas paggawa ay tinuturing na mahalagang salik ng produksyon. Paano ito mapatutunayan?
Nakasalalay dito ang sahod na maaring ibigay sa kapital para makabuo ng isang produkto.
Pinagbabasehan dito ang dami ng oras para sa upa na ibabayad sa lupa.
Pangunahing batayan dito ang panahon at lakas sa pagproseso para makalikha ng produkto.
Walang silbi kung hindi ginagawa ng entrepreneur ang kanyang tungkulin.
Ang salik ng produksyon ay mahalaga sa pang araw-araw na pamumuhay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito?
Ang kita sa bawat salik ng produksiyon ay ginamit sa pagbili ng produkto o serbisyo.
Sa pamamagitan ng produksyon nagagawa ng tao ang pagkokonsumo.
Mas mahalaga ang salik ng produksyon sa salik ng pagkonsumo.
Ang mga salik ng produksyon ay nakatutulong sa pagbibigay tulong sa mga tao.
Ang entrepreneur ang gumaganap bilang tagapag-ugnay sa ibang naunang salik ng produksyon. Anong katangian ang dapat niyang taglayin bilang may mahalagang gampanin sa produksyon?
Dapat magpakita ng mabilis na paggawa at may kakayahang pisikal.
Dapat malikhain, puno ng inobasyon at handa sa pagbabago
Dapat nakasalalay sa interes ng kapital, upa sa lupa at sahod sa paggawa
Dapat isinasaisip ang tatlong salik ng produksiyon
Mahalaga ang paglikha ng produkto at serbisyo sa ekonomiya. Gaano kahalaga ang mga salik ng produksyon kaugnay sa paglikha ng produkto?
Nagmumula sa lupa ang hilaw na materyales, sa tao ang lakas paggawa, sa kapital ang mga makinarya at sa entrepreneur ang abilidad na mapagsasama ang mga salik para sa produksyon.
Nakakukuha ng kabayaran mula sa lakas paggawa, entreprenyur, lupa at kapital
Nakabubuo ng limitadong produkto/serbisyo ang mga salik ng produksyon.
Nakakukuha ng tubo sa lupa, interes sa lakas paggawa, upa sa entrepreneur at sahod sa kapitalista
Isang uri ng pagkonsumo na nagdudulot ng pinsala sa kalusugan ng isang tao. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy nito?
Direkta
Produktibo
Maaksaya
Mapanganib
Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng pagkonsumo?
Ito ay proseso ng paglikha ng panibagong produkto.
Ito ay ang interaksyon ng mamimili at nagtitinda sa isang pamilihan.
Ito ay mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo.
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng produkto o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Ang lahat ng tao ay mamimili. Paano mo malalaman kung may nakukuhang kasiyahan ang mamimili sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo?
Kung patuloy pa rin siya sa paggamit ng naturang produkto.
Kung marami ang stock ng naturang produkto sa pamilihan.
Kung hindi na siya tumatangkilik sa naturang produkto o serbisyo.
Kung nagmahalan ang presyo ng produkto at serbisyo
Ang pagkonsumo ay may iba’t ibang uri. Anong uri ang nakapagdudulot ng agarang kasiyahan sa mamimili
Direkta
Produktibo
Maaksaya
Mapanganib
Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa pagkonsumo ng isang produkto o serbisyo?
Kapakinabangan nito
Kasiyahan na dulot nito para sa iba
Kaligayahan na dulot nito sa ibang tao
Kaibahan nito sa ibang produkto o serbisyo
Ang hindi pagtugon ng mga tao sa kanyang pangangailangan at kagustuhan ay magdudulot ng iba’t ibang suliranin sa ekonomiya ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang payak na paglalarawan sa suliraning ito?
Mawawalan ng hanapbuhay ang mga tao.
Magreresulta sa pagkalugmok ng bansa sa kahirapan.
Mabubuhay pa rin ang mga tao na nasa mga liblib na lugar.
Walang pamilihan dahil walang malilikhang produkto at serbisyo.
Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawain ng lipunan. Paano mo mailalarawan ang isang lipunan na walang pagkonsumong nagaganap
Walang umiiral na pamilihan
Industriyalisado at superyor sa paggawa
May naglalakihang mga gusali at bahay-kalakal
Kakikitaan ng interaksyon sa pagitan ng konsyumer at prodyuser
Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya ng bansa sapagkat ito ay nagbibigay katuturan sa produksyon. Ano ang mahihinuha mo sa pahayag na ito?
Walang produksyon kung may pagkonsumo.
Walang pagkonsumo kung walang produksyon.
Ang pagkonsumo ay nakasalalay sa dami ng produkto o serbisyo.
Maaaring may mga produkto at serbisyo kahit walang produksyon.
Ang kita ay isa sa mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo. Ano ang kaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo?
Pagnenegosyo ang sagot sa kahirapan ng mga taong naglilingkod sa bayan.
Nagsusumikap ang tao na matutugunan ang lahat ng kanyang mga pangangailangan.
Higit na mas mahalaga sa tao ang kanyang kita kaysa dami ng kanyang mga pangangailangan.
Kung mababa ang kita ng isang tao mas mababa ang kanyang pagkonsumo sa kanyang mga pangangailangan at kagustuhan.
Ang mga negosyante ay gumagamit ng patalastas sa kanilang produkto sa telebisyon, pahayagan, radyo, internet at social media. Paano ito nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang mamimili?
Mas mabenta ang mga produktong pinapatalastas.
Naeenganyong bumili ang tao para makasabay sa uso.
Mas tinatangkilik ng tao ang mga produktong iniendorso ng isang personalidad sa telebisyon.
Tumaas ang pagkonsumo ng tao dahil sa impluwensyang dulot ng mga patalastas sa telebisyon, radyo o maging sa internet.
Hindi lahat ng tao ay naiimpluwensyahan ng mga patalastas ng mga produkto kung kaya mababa lamang ang kanilang pagkonsumo. Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na ito?
Kaya ng tao paikutin ang presyo ng mga produkto sa pamilihan
Malawak ang kaalaman ng mga tao sa bawat produktong ibenebenta sa pamilihan
Mas binibili ng tao ang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain kaysa sa mga luho sa buhay
Magkakaiba ang mga pangangailangan ng tao kaya mas inuuna niya ang pagbakasyon sa ibang bansa
Ang pagkakaroon ng maraming utang ay makaaapekto sa pagkonsumo ng tao. Bilang isang mag-aaral, paano mo maiiwasan ang pagkakautang?
Dapat may sapat na halaga ng pera bilang pambayad ng utang
Matutong humingi ng libreng pera sa kaklase para makaiwas sa pagkakautang
Matutong magtipid sa paggamit ng pera para makabili ng pangangailangan
Iwasan ang pangungutang sa mga bangko at sa ibang pang mga institusyong pinansyal
Ang mga sakuna tulad ng bagyo, lindol at maging ang pandemyang dala ng COVID-19 ay nagreresulta sa kakulangan ng suplay ng mga pangunahing produkto. Bilang isang Pilipino, paano ka makatutulong na mapanatili ang maayos na pagkonsumo sa kabila ng sakuna
Bumili ng maramihan at itago sa bahay para hindi maubusan.
Bumili ng mabentang produkto sa pamilihan kahit hindi kailangan
Sundin ang mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan para makontrol ang presyo
Bumili lamang ayon sa pangangailangan para mabigyan ng pagkakataon ang iba na makabili sa parehong produkto
Sinasabing may mataas na pagkonsumo ang mga taong may malalaking kita. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatotoo nito?
Kung mas malaki ang kita, mas maraming mabibiling mga produkto
Kung may malaking kita, mas kayang makapagbakasyon sa iba’t ibang bansa.
Kung mas malaki ang kita, mas mababa ang pagtugon sa mga pangangailangan
Kung mas malaki ang kita, mas malawak ang kaalaman sa sistemang pang-ekonomiya
