NEW
Font size
WorksheetsAP 5 - Kabuuang Pagsusulit (2nd quarter)
Total questions: 25
Worksheet time: 19mins
Ano ang tumutukoy sa pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang maliit na bansa?
merkantilismo
kolonyalismo
katolisismo
konsyumerismo
Ano ang tumutukoy sa ekspedisyon ng mga Katoliko upang bawiin ang "Banal na Lupain"?
kalsada
banda musika
calzeta
krusada
Bakit nagsasagawa ng kolonisasyon ang isang bansa?
upang tulungan maiahon sa kahirapan ang bansang ikokolonisasyon
upang matuwa ang Papa sa Roma
upang lalong yumaman at tumanyag ang kanilang bansa
upang magpuntahan sa kanilang bansa ang mga mamamayan ng ibang bansa
Bakit hindi maganda ang kolonisasyon para sa isang mahinang bansa?
nakakapagparami ito ng krimen sa bansa
tinatanggal nito ang kalayaan ng isang bansa
maghihirap ang sumasakop na bansa
pinapayagan nitong magdiwang ang sumasakop na bansa
Ano ang ibig sabihin ng 3G's na dahilan ng kolonyalismong Espanyol?
Goat, Gold, Glory
Gold, Girls, Go
God, Gold, Glory
Go, Grow, Glow
Ano ang relihiyong nais ipalaganap at layunin ng kolonyalismong Espanyol?
Katolisismo
Protestante
Islam
Iglesia
Bakit kailangang ipalaganap ng mga Espanyol ang relihiyong Katoliko sa mga masasakop nilang lupain?
sapagkat ang Espanya ay galit sa mga Muslim
sapagkat ang Espanya ay nakikiuso sa usaping relihiyon
sapagkat ang Espanya ay kumikilala sa kapangyarihan ng Papa
sapagkat ang Espanya ay tinitirahan ng maraming pari
Ano ang posibleng naging epekto ng pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano sa ating bansa?
lalong naging relihiyoso ang mga Pilipino
dumami ang nagsisimbang mga Pilipino
unti-unting nawala ang mga katutubong relihiyon
madaming naging paring Pilipino
Kaninong ekspedisyon mula Espanya ang unang nakarating sa Pilipinas?
Roy Villalobos
Felipe Carlos
Ferdinand Magellan
Miguel Lopez de Legazpi
Sino ang datu ng Mactan na tumalo sa puwersa ni Ferdinand Magellan?
Humabon
Juana
Tupaz
Lapu-lapu
Sino ang unang mga misyonero na dumating sa Pilipinas upang ipalaganap ang Kristiyanismo?
Pransiskano
Agustino
Dominiko
Recoletos
Ano ang sagisag ng Kristiyanismo sa pagpapalaganap nito ng Espanya sa Pilipinas?
pari
espada
krus
bibliya
Ano ang tumutukoy sa lugar kung saan permanenteng pinatira ang mga katutubong Pilipino noong pananakop ng mga Espanyol?
pueblo
reduccion
doktrina
patronato real
Ano ginawa ng mga Pilipino bilang paglaban sa hindi makatarungang pagbubuwis sa kanila?
nagsimba
naglakad
nag-alsa
nagpiyesta
Alin sa sumusunod ang pangunahing trabaho na nakapaloob sa sapilitang paggawa?
pagkumpuni ng mga simbahan at daan
paggawa ng tabako
paggawa ng alak
pagkumpuni ng sasakyan
Sino ang pangunahing tagapagpalaganap ng konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo?
Hari
Santo Papa
prayle
inquilino
Ano ang pangunahing reaksiyon ng mga Pilipino sa pamumuno ng mga prayle?
lungkot
sigla
takot
saya
Alin ang hindi epekto ng pamamahala ng mga prayle sa lipunang Pilipino?
Kalayaan sa relihiyon
Paghihimagsik
Takot sa pinuno
Hirap sa kabuhayan
Ano ang tawag sa kapangyarihan o kasunduang mapagkaisa ang simbahan at ang pamahalaan sa Pilipinas?
real audiencia
patronato real
pueblo
polo
Bakit nagbigay ng patronato real ang Santo Papa?
Upang kilalanin ang kahusayan ng hari sa pamumuno sa Espanya
Upang kilalanin ang katapangan ng gobernador-heneral sa pamumuno sa kolonya
Upang kilalanin ang kahusayan ng hari sa pamumuno sa Espanya
Upang kilalanin ang mga nagawa ng simbahan sa pagpapalaganap ng Katolisismo
Alin sa sumusunod ang hindi reaksiyon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol?
Wala silang nagawa, kaya tinanggap na lamang nila ito.
Nagalit sila, kaya sila ay lumaban.
Masaya nilang tinanggap ang mga Espanyol.
Tumakas ang iba sa kabundukan.
Ano sana ang naging pangunahing relihiyon ng Pilipinas kung hindi dumating ang mga Espanyol?
Islam
Hinduismo
Kristiyanismo
Budismo
Anong patakaran para sa pagbabago sa panahanan ng mga katutubo ang tinutukoy ng pahayag sa ibaba?
Mula sa kumpol ng mga tao, nagkita ang magkakaibigang sina Banaag, Sikat, at Liwayway.
reduccion
doctrina
entrada
audiencia
Ang pagpapatupad ng reduccion o paglilipat ng mga Pilipino sa sentro ay para talaga sa kapakinabangan ng mga Espanyol.
Ano ang tunay na layunin ng pangyayaring ito?
upang maisakatuparan ang entrada
para magpatupad ng mga patakaran
para kontrolin ang mga Pilipino
para makasalamuha ang mga katutubo
Anong isang pagbabago sa panahanan ang ipinatupad ng mga Espanyol na patuloy na makikita at pinakikinabangan ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan?
pagpapatayo ng mga simbahan
pagpapakilala ng larong soccer
pagkakaroon ng sistemang pulitikal
paggamit ng palikuran at banyo
