NEW
Font size
WorksheetsSecond Quarter Test Par 1 Filipino 8
Total questions: 50
Worksheet time: 38mins
1.Ito ay mga impormasyong batay sa saloobin at damdamin ng tao. kadalasang ginagamitan ng mga pariralang kung ako ang tatanungin, sa aking palagay at iba pa.
pagsang-ayon
pagsalungat
opinyon
katotohanan
2.Ang paksa ay mahalagang salik ng Balagtasan sapagkat ito ang pagtatalunan ng magkatunggali. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging paksa ng Balagtasan?
pulitika
pag-ibig
pamilya
relihiyon
3.Ito ay isang sining kung saan inilalahad sa isang uri ng panitikan ang mga saloobin o mga gustong ipahayag ng isang tao sa pamamagitin ng pananalitang may mga tugma sa huli.
tula
debate
tagisan ng talino
balagtasan
4.Kailan sinasabing ‘’ipinanganak’’ang balagtasan kung saan sinigawa ito bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas noong abril 2 ng taong iyon.
Pebrero 28,1924
Marso 28,1924,
Abril 2, 1924
Marso 2,2o24
5.Ito ang bersiyon ng Balagtasan sa Ilocos na mula sa pangalan ng Ilocanong makata na si Pedro Bukaneg.
Balitaktakan
Bukanegan
CrisSotan
El Bukaneg
6.Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap , pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya.
pagsang-ayon
pagsalungat
opinyon
katotohanan
7.Ang Ing Managpe naman ni Mariano Proceso Pabalan Byron ang unang sarsuwela sa Pampanga.
TAMA
MALI
DI-SIGURADO
8.Sa kanya kinuha ang panagal ng bersiyon ng balagtasan sa Pampanga na Crissotan.
Juan Crisostomo Ibarra
Juan Crisostomo Soto
Juan Crisostomo de Dios
Juan Crisostomo dela Cruz
9.Siya ang nagpapakahulugan sa isang iskrip, nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng tauhan at maging ang pagbigkas ng tauhan ay nakadepende sa interpretasyon nit.
iskrip
aktor
direktor
manonood
10.Ang balagtasan ay isang uri ng tulang Patnigan. Siya ang tinaguriang Hari ng Balagtasan.
Jose Corazon dela Cruz
Jose Corazon de Jesus
Patricio A. Dionisio
Florentino Collantes
11.Dito inilaladlad ang pangmukhang tabing upang magkaroon ng panahong makapagpahinga ang mga nagsiganap gayon din ang mga manonood.
yugto
tanghal-eksena
tagpo
eksena
12.Ang bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan ay isang halimbawa ng Balagtasan.Sino ang may akda nito?
Patricio Dionisio
Pat Villafuerte
Jose Corazon De Jesus
Florentino Collantes
13.Ito ay nagsisilbing tagamagitan sa dalawang nagtatalo at pormal na nagbubukas balagtasan.
lakandula
lakambini
lakandiwa
mambabalagtas
2.Sarsuwelang pagtuligsa sa mga baluktot na gawain, tulad ng mataas na interes sa pautang.
Anak ng Dagat
Bunganga ng Pating
Paglipas ng Dilim
Walang Sugat
15.Sa kanya kinuha ang panagalan ng bersiyon ng balagtasan sa Pampanga na Crissotan.
Juan Crisostomo Ibarra
Juan Crisostomo Soto
Juan Crisostomo de Dios
Juan Crisostomo dela Cruz
16.Ito ay isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangangatuwiran at matalas na pag-iisip. Ang halimbawa nito ay dupo, balagtasan at karagatan.
Tulang liriko
tulang patnigan
tulang pandulaan
tulang pasalaysay
17.Unang sarswela na itinanghal sa Maynila noong 1879 o1880 ng grupo ni Dario de Cespede.
Anak ng Dagat
Con Del Fuego Amore
Jugar con Fuego
Walang Sugat
18.Kailan nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas na nilikha ng mga pangkat ng manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas?
Abril 6, 1924
Abril 6, 1925
Abril 2, 1925
Marso 28,1925
19.Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas, patutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya.
Pagsang-ayon
pagsalungat
opinyon
katotohanan
20.Kailan nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas batay sa tradisyon ng makatang pagtatalo gaya ng karagatan,dupo at juego de prenda.
Panahon ng Amerikano
Panahon ng Kastila
Panahon ng Hapon
Katutubong Panahon
21.Siya ang unang sumulat ng Balagtasan at nailathala sa babasahing ‘’BAGONG LIPANG KALABAW’’ ang kanyang akdang ‘’ibig-sumali-kung-maaari’’
Francisco Baltazar
Jose Corazon De Jesus
Patricio Dionisio
Florentino Collantes
22.Sarsuwelang panlilibak sa mga kahinaan ng pagkatao ng mga Pilipino.
Anak ng Dagat
Bunganga ng Pating
Paglipas ng Dilim
Walang Sugat
23.Ito ay mga impormasyong maaaring mapatunayang totoo,bihirang magbago at sinusuportahan ng sanggunian o batayan.
pagsang-ayon
pagsalungat
opinyon
katotohanan
24.Ito ay elemento ng Balagtasan na tumutukoy sa mga taong nakikinig at nanonood sa mga mambibigkas.
mambibigkas
lakandiwa
manonood
publiko/madla
25.Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay Pagsang-ayon, pagsalungat. KAISA MO AKO SA IYONG LAYUNIN.
pagsang-ayon
pagsalungat
26.Ito ay dulang may masayang sitwasyon na may masayang wakas sapagkat nagtagumpay sa kanyang layunin at mithiin ang pangunahing tauhan.
parsa
komedya
trahedya
melodrama
27.Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay Pagsang-ayon, pagsalungat. AYAW NG MGA PILIPINO NA MASAKOP MULI NG MGA DAYUHAN.
pagsang-ayon
pagsalungat
28.Ito ay nagdudulot ng katuwaan sa pamamaagitan ng ilang pagpapakahulugan o interpretasyon sa tauhan at mga elementong nauukol sa tsansa o pagkakataon, kapalaran sa pagtuklas ng suliranin at sitwasyon.
parsa
saynete
melodrama
komedya
29.Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay Pagsang-ayon, pagsalungat. BILIB AKO SA LAKAS NG LOOB MO.
pagsang-ayon
pagsalungat
30.Tawag sa kumukumpas ng orchestra at nagsasanay sa pag-awit ng mga aktor.
apuntador
electricista
maestro del coro
tramoista
31.Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay Opinyon o Katotohanan. SI PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE ANG PINAKAMAHUSAY NA PANGULO NG PILIPINAS.
katotohanan
opinyon
32.Sila ang nangangalaga sa ilaw na gagamitin sa sarswela.
apuntador
electricista
maestro del coro
tramoista
33.Nagnanais si Julia na maghandog ng isang _____para kay Tenyong.
sapatos
damit
panyo
singsing
34.Ito ang nagtatakda ng tagpo sa bawat eksena ng dulang pangtanghalan tulad ng sarsuwela.
pangkalahatang direktor
prompter
pininturahang telon
apuntador
35.Ano ang naging kapalaran ng magkasintahang Tenyong at Julia sa wakas ng dula?
ikinasal
nag-away
nagtanan
nagpatiwakal
36. Sila ang nagdidikta mula sa mula sa concha (shell sa harap ng entablado.
apuntador
direktor
maestro del coro
tramoista
37. Siya ang nagsasanay sa mga aktor at nakikipag-ugnayan sa direktor ng musika, na kumukumpas ng orchestra.
apuntador
maestro del coro
pangkalahatang direktor
tramoista
38.Ang tatay ni Tenyong ay dinakip at dinala saang lugar?
tarlac
Pampanga
pangasinan
bulacan
39. Ito ay sarswelang naglalahad ng isang kawili-wiling kwento ng pag-ibig.
Anak ng Dagat
Bunganga ng Pating
Paglipas ng Dilim
Walang Sugat
40.Dulang may malungkot na wakas dahil nagagapi ng pangunahing tauhan.
komedya
melodrama
saynete
trahedya
41.Si Julia ay ipinagkasundong ipakasal kanino?
Tenyong
Miguel
Marcelo
Tadeo
43. Ito ang tawag sa gumagawa ng mga telon at props .
apuntador
electricista
tramoista
mastro del coro
43.Ang pangunahing layunin ng dulang ito ay magdulot ng katata- wanan sa tagapanood.
komedya
parsa
saynete
sarsuwela
44.Ito ay dulang may isang yugtong katatawanan tungkol sa mga tanyag na tauhan.
parsa
saynete
komedya
sarsuwela
45. Siya may iskip at musika ng unang sarsuwela sa Waray na An Pagtabang ni San Miguel .
Mariano Byron
Dario De Cespedes
Norberto Romualdez
Severino Reyes
46.Noong mamatay ang tatay ni Tenyong, Saang samahan sumapi si Tenyong?
tulisan
militar
manggagawa
rebelde
47.Siya ang umulat ng sarsuwelang "Kahapin, Ngayon at Bukas.
Severino Reyes
Hermohenes Ilagan
Juan K. Abad
Aurelio Tolentino
48.Ito ang pinaka kaluluwa ng isang dula, lahat ng bagay na isinasaalng-alang sa dula ay naayon dito.
iskrip
aktor
direktor
Eksena at tagpo
49.Ito ay nagdudulot ng katuwaan sa pamamaagitan ng ilang pagpapakahulugan o interpretasyon sa tauhan at mga elementong nauukol sa tsansa o pagkakataon, kapalaran sa pagtuklas ng suliranin at sitwasyon.
parsa
saynete
melodrama
komedya
50. Ito ay sarwelang naglarawan ng mga tema nang pagmamahal sa bayan sa panahon ng rebolusyon.
Anak ng Dagat
Bunganga ng Pating
paglipas ng Dilim
Walang Sugat
