WorksheetsSecond Quarter Test Part 1- Filipino 9
Total questions: 46
Worksheet time: 26mins
1.Ito ay ginagamit ng mga aristocrat sa paglalaro kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng iba upang mabuo ang tula
haiku
tanka
pahulaan
hokku
2.Anong pahanon lumabas ang maiikling tula tulad ng haiku at tanaga sa Pilipinas.
Heian
Espanyol
Hapones
Noong ika-15 siglo
3.Ano ang tawag sa kana na ginagamit sa pagsulat ng haiku at tanaga.
Ponemikong Cues
Ponemikong karakter
Ponemikong simbolo
Ponemikong titik
4.Ito ay bansang tinaguriang ‘Land of the Rising Sun sapagkat nangunguna ito sa makabagong teknolohiya at maunlad na ekonomiya sa buong daigdig.
Amerika
China
Japan
Korea
5.Panahon sa Japan kung saan kinilala ang dalawang uri ng drama;ang noh( Klasikal) at Kabuki( Popular) na drama.
Dinastiyang Tang
Panahon ng Heian
Panahong World War II
Panahon ng Renku
6.Ang tanka at haiku ay mga anyo ng tula na pinahahalagahan sa Japan. Sa anong panahon sinimulang gawin ang haiku at tanka na layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang?
Ikawalong Siglo
ika-15 siglo
ikasampung siglo
ikawalo at ika-15 siglo
7.Ito naman ay naglalaman ng alamat ng pinagmulan ng Hapones at pagkakabuo ng estado hanggang Hari Jimmu.
Antolohiya
Kojiki
Manyoshu
Nihon Shoki
8.Isang Tulang bibibigyang imahe ay kalikasan kaysa damdamin.
haiku
kana
soneto
tanka
9.Si Basho ang makatang ikinintal ang katangian ng tula na magkaroon ng damdamin at binago rin niya ang kayarian ng tula. Ito ay naging Malaya at ng lumaon ay tinawag na haiku.
Haikai
Hokku
Renku
Tanka
10.Upang lubos na maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa haiku at tanka mahalagang malaman natin ang kultura ng Hapon. ito ay nangangahulugang unang ulan sa pagsisimula ng taglamig.
kawazu
shigure
Shizu
Hoshige
11.Ang salita na ginagamit sa tulang haiku at tanaga ay maaring sagisag ng isang kaisipan. Ano ang ibig sabihin ng palaka na nagpapahiwatig sa tagsibol?
kawazu
shigure
hisakata
shizu
12.Kung ang Tanaga ay nagsimulang gawin noong ika-8 siglo, kailan naman nagsimula ang Kaiku?
ika-10
ika-12
ika-15
ika-18
13.Ito ay mga tulang pinagsama-samang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Haiku at bugtong
Tanka at Bugtong
Bugtong at Ambahan
Haiku at Tanka
14.Saan nakasalalay ang mga ipinahihiwatig na kagandahan ng tulang haiku sa malalim na kahulugang taglay ng talinhaga.
bigkas
imahe
antala at hinto
simbolo
15.IAng Kultura ng Tsina ay nakaimpluwensiya sa karamihan sa mga bansa sa Silangang Asya. Sa anong Dinastiya naging sikat ang panitikang Tsina na tinawag na Golden Age of Chinise Poetry?
Dinastiyang Chang
Dinastiyang Heian
Dinastiyang Meng
Dinastiyang Tang
16.Ang Japan ay kilala sa dalawang uri ng dula na nakilala noong panahon ng Heian; ang noh at kabuki. Ito ay tawag sa dramang klasikal?
Bunraku
Kabuki
Kyogen
Noh
17.Ito ay tulang pumapaksa tungkol sa kalikasan,kalungkutan,panahon, at iba pang emosyon.
Ang huling dalawang taludtod ay nagbibigay daan upang makapagpahayag ng sariling damdamin.
Hokku
Haiku
Tanka
renku
18.Ito ay naglalaman ng ibat-ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
aklat
Antolohiya
Manyoshu
Shoki
19.Ito ay kalipunan ng mga pinakaunang Tanka kasama ang kalipunan ng tula.
Antolohiya
Kojiki
Manyoshu
Nihon Shoki
20.Dito makikita at mababasa ang talaan ng sinaunang mga bagay ng Hapon.
Antolohiya
Kojiki
Manyoshu
Nihon Shoki
21.Ito ay isang uri ng pangangaso na gumamit ng bato at buto para maka-gawa ng mga kakaibang dekorasyon ng paso ang unang sibilisasyon.
Jomon
Shinto
Nihon
Yayoi
22.. Ang ponema ay mahalagang tunog na sumisimbolo sa titik ng alpabeto. Ito ay tumutukoy sa makabuluhang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga titik sa pagsulat. Upang matukoy ang paraan ng pagbigkas tinutumbasan ito ng notasyong phonemic.
Glottal
Morpema
ponemang segmental
ponemang suprasegmental
23. Ito ay tumutukoy sa salitang paghihintuan o cutting words, na kahawig ng sesura ng ating panulaan.
kana
kireji
kiru
shigure
24. Ito ang sukat na bumubuo sa tulang tanka.
17
24
31
27
25.Siya ang makatang ikinintal ang katangian ng tula na magkaroon ng damdamin.
Basho
Hashno
Jimmu
Renku
26.Ito ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa bunganga. sinisimbolo nito ay h.
glottal fricative
glottal stop
hinto
walang sagot
27.Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan.
malumay
malumi
mabilis
maragsa
28.Ito ay mga salitang binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Wala itong impit na tunog.
malumi
malumay
maragsa
mabilis
29.Ito ay salitang binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan.
malumay
malumi
mabilis
maragsa
30.Basahin ng wasto ang mga salita. Ibigay ang isinasaad na kahulugan ng mga sumusunod: /BU:kas/
tomorrow
open
31.Ito ay ang taas baba na inuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa.Ito
tono
haba
diin
antala
32.Ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita.
tono
diin
haba
antala
33.Ito ay saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.
antala
haba
diin
tono
34.Ito ay tumutukoy sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat.Sa halip,sinisimbolo ito ng notasyong phonemic upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
ponema
semental
ponemang segmental
ponemang suprasegmental
35.Ito ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika.
ponema
titik
tunog
salita
36.Ito ay ginagamit sa pagbigkas ng mga salita upang higit na maging mabisa ang pakikipagtalastasan, HINDI ito kinakatawan ng titik o letra.
ponema
glottal
ponemang segmental
ponemang suprasegmental
37.Ito ay ang simbolo sa pagsulat na kakikitaan ng paraan sa pagbigkas.
ponema
segmental
glottal
notasyong ponemiko
38.Ito ay ginagamit upang makabuo ng mga salita upang bumuo ng mga pahayag o pangungusap, kinakatawan nito ang mga titik o letra sa alpabetong Filipino.
glottal
ponemang segmental
ponemang suprasegmental
notasyon
39.Ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
haba
tono
diin
antala
40.Ito ay mga salitang binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan.
malumi
malumay
maragsa
mabilis
41.Ito ay notasyong ponemiko na nangangahulugang paghahaba ng patinig.
tuldok (.)
kuwit (,)
Tandang pananong (?)
glottal
42.Basahin ng wasto ang mga salita. Ibigay ang isinasaad na kahulugan ng mga sumusunod: /pa:SO/
lagayan ng halaman
sugat sa katawan
43.Basahin ng wasto ang mga salita. Ibigay ang isinasaad na kahulugan ng mga sumusunod: /SA:ya/
tuwa
pambansang damit o kasuotan
44.Basahin ng wasto ang mga salita. Ibigay ang isinasaad na kahulugan ng mga sumusunod: /BA:ka/
posibilidad
hayop
45.Basahin ng wasto ang mga salita. Ibigay ang isinasaad na kahulugan ng mga sumusunod: /ba:Ka/
posibilidad
hayop
46-50.Gumawa ng sariling Haiku at Tanka.
Paksa: Pandemya
