Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Review ST1 - Adelfa 9

Total questions: 50

Worksheet time: 33mins

Name
Class
Date
1.

"isang kahig, isang tuka"

a)

matanda

b)

mahirap

c)

mabait

d)

masaya

2.

"nagbibilang ng poste"

a)

Tagalinis

b)

Tagaligpit

c)

Tambay

d)

Tanggero

3.

"mag-isang dibdib"

a)

mag-aaral

b)

mag-aasawa

c)

magtatrabaho

d)

maglalakbay

4.

"kabiyak"

a)

ama

b)

anak

c)

kapatid

d)

asawa

5.

"sumakabilang-buhay"

a)

nagpahinga

b)

nakahiga

c)

namatay

d)

nagpakalayo

6.

Kanino inialay ang elehiya?

a)

Ina

b)

Ama

c)

Anak

d)

Kaibigan

7.

Tungkol saan ang elehiya?

a)

Naiwang kayamanan ng ina

b)

Hindi natapos na misyon

c)

Pagmamahal sa pagkawala ng ina

d)

Pagdarasal na mapunta sa langit ang ina

8.

Saan ang tagpuan ng tula

a)

Paaralan

b)

Simbahan

c)

Tabing-Dagat

d)

Pasyalan

e)

BONUS

9.

Anong damdamin ang nangingibabaw sa tula?

a)

Kabiguan

b)

Kasiyahan

c)

Paghanga

d)

Pagmamahal

10.

Ano ang kahulugan ng pagtawid sa kabilang buhay?

a)

Pupunta sa ibang lugar

b)

Mangingibang-bansa

c)

Huling hantungan ng namatay

d)

Malayong paglalakbay

11.

Anong kaugalian ang tinutukoy sa tula kapag may mahal sa buhay na namatay?

a)

Pagdarasal sa kaluluwa

b)

Pamamaalam sa namatay

c)

Pag-asam na mapunta siya sa langit

d)

Pindi kailanman mawawala ang pagmamahal sa namayapa

12.

Lagyan ng angkop na salita ang klino upang maipakita ang pagpapasidhi ng damdamin

a)

Pagsuyo

b)

Pinatakasi

c)

Pagtatapat

d)

Paghangad

13.

Lagyan ng angkop na salita ang klino upang maipakita ang pagpapasidhi ng damdamin

a)

inggit

b)

tipid

c)

angkin

d)

ganid

14.

Lagyan ng angkop na salita ang klino upang maipakita ang pagpapasidhi ng damdamin

a)

naaasar

b)

nabubwiset

c)

namumuhi

d)

nasusuya

15.

Tukuyin ang ginamit na pagpapasidhi ng damdamin sa pahayag. Gawing gabay ang mga salitang nasa loob ng panaklong.

Ang mga tao ay ____________ sa ipinakitang kabutihan ng batang ito.(Di-Masidhi)

a)

natutuwa

b)

nasisisyahan

c)

masaya

d)

nagagalak

16.

Tukuyin ang ginamit na pagpapasidhi ng damdamin sa pahayag. Gawing gabay ang mga salitang nasa loob ng panaklong.

Ang ___________ ko lamang ay baka hindi niya ako maintindihan. (Masidhi)

a)

kaba

b)

takot

c)

pangamba

d)

pagkabahala

17.

Tukuyin ang ginamit na pagpapasidhi ng damdamin sa pahayag. Gawing gabay ang mga salitang nasa loob ng panaklong.

Ang kagandahan ng isang babaeng Pilipina ay tunay ngang ____________.(Masidhi)

a)

maganda

b)

kaakit-akit

c)

kasiya-siya

d)

kahali-halina

18.

Tukuyin kung anong uri ng Pang-uri ang ginamit sa pangungusap na nasa loob ng panaklong.

Narinig mo ba ang malakas na kulog? (malakas)

a)

Payak

b)

Maylapi

c)

Inuulit

d)

Tambalan

19.

Tukuyin kung anong uri ng Pang-uri ang ginamit sa pangungusap na nasa loob ng panaklong.

Tahimik ang naging buhay nila sa probinsya. (tahimik)

a)

Payak

b)

Maylapi

c)

Inuulit

d)

Tambalan

20.

Tukuyin kung anong uri ng Pang-uri ang ginamit sa pangungusap na nasa loob ng panaklong.

Nag-iwan ng mantsa sa pangalan nila ang naging kasalanan ng kaniyang anak. (nag-iwan)

a)

Payak

b)

Maylapi

c)

Inuulit

d)

Tambalan

21.

Suriin ang tunggalian batay sa mga pahayag ng mga tauhan sa tulong ng mga pangyayaring inilalahad.

“ Ito ba ang kapalit ng ating pagkikita, Thisbe, ang ikaw ay humantong sa iyong kamatayan!

a)

Tao vs. Kalikasan

b)

Tao vs. Lipunan

c)

Tao vs. Sarili

d)

Tao vs. Tao

22.

Suriin ang tunggalian batay sa mga pahayag ng mga tauhan sa tulong ng mga pangyayaring inilalahad.

“ Hinahanap ko ang aking sarili sa gurong aking pinanood…Nahihiya ako sa aking sarili, pinayapa ko ang aking kalooban.”

a)

Tao vs. Kalikasan

b)

Tao vs. Lipunan

c)

Tao vs. Sarili

d)

Tao vs. Tao

23.

Suriin ang tunggalian batay sa mga pahayag ng mga tauhan sa tulong ng mga pangyayaring inilalahad.

“Ano itong ginawa mo sa akin Jodie? Labis mong pinahihirapan ang aking buhay sa kabila ng sinunod ko ang lahat mong kalooban!”

a)

Tao vs. Kalikasan

b)

Tao vs. Lipunan

c)

Tao vs. Sarili

d)

Tao vs. Tao

24.

Suriin ang tunggalian batay sa mga pahayag ng mga tauhan sa tulong ng mga pangyayaring inilalahad.

“Punong-puno na ng kasamaan ang lipunang ating ginagalawan, lipunang mapanghusga at mapagkunwari.”

a)

Tao vs. Kalikasan

b)

Tao vs. Lipunan

c)

Tao vs. Sarili

d)

Tao vs. Tao

25.

Suriin ang tunggalian batay sa mga pahayag ng mga tauhan sa tulong ng mga pangyayaring inilalahad.

“Ang aking balat ay umitim na dahil sa pagbibilad ko sa araw upang mag-igib ng tubig” sabi ni Impe.

a)

Tao vs. Kalikasan

b)

Tao vs. Lipunan

c)

Tao vs. Sarili

d)

Tao vs. Tao

26.

Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong uri ito ng tunggallian.

“Pinagkaisahan si Don Juan ng kanyang mga kapatid matapos niyang mahuli ang Ibong Adarna.

a)

Tao vs. Tao

b)

Tao vs. Sarili

27.

Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong uri ito ng tunggallian.

Pangarap ni Van na maging isang pulis ngunit nais ng kanyang ina na siya ay maging doktor kaya nahihirapan siyang mamili kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo.

a)

Tao vs. Tao

b)

Tao vs. Sarili

28.

Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong uri ito ng tunggallian.

"Lalabas ba ako o hindi? Sobrang lakas ng ulan at nakita ko sa balita kanina na may paparating na bagyo, baka magkasakit ako”.

a)

Tao vs. Tao

b)

Tao vs. Sarili

29.

Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong uri ito ng tunggallian.

Pinagbintangan ni Aling Martha ang batang si Andress na kumuha daw ng kanyang kalupi sa palengke.

a)

Tao vs. Tao

b)

Tao vs. Sarili

30.

Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong uri ito ng tunggallian.

Nagdadalawang-isip si Maria Clara kung siya ay lalabas upang harapin si Crisostomo Ibarra.

a)

Tao vs. Tao

b)

Tao vs. Sarili

31.

Bigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa usapang napakinggan.

"Asawa ko, bakit kailangan mo pang umalis. Masaya ako kahit mahirap ang ating buhay basta’t magkakasama tayo.” Ipinakikilala nitong ang asawa ng Brahman ay…

a)

matatakutin at niyerbiyosa

b)

selosa at walang tiwala

c)

mapagmahal na asawa

d)

mapagbigay at masayahin

32.

“Kailangan kong umalis, Mela. Tingnan mo nga ang buhay natin, napakahirap. Gusto kong magkaroon ng malaking bahay at maraming salapi.” Ipinakikilala nitong ang Brahman ay…

a)

may mataas na ambisyon at labis na mapaghangad

b)

gustong makaranas ng naiibang buhay sa lungsod

c)

nagnanais makipagsapalaran at tuloy makaiwas sa mga gawain sa bukid

d)

may pagnanasang makaranas ng buhay sa ibang lugar

33.

“Hindi na po uli ito mangyayari. Ang tunay ko po palang kayamanan ay ang aking minamahal na ina at asawa,” ang sabi ng Brahman habang mahigpit na niyayakap ang kanyang asawa at ina. Ipinakikilala nitong ang Brahman ay….

a)

natatakot sa naging pasya ng raha para sa kanya

b)

nagsisisi at natuto mula sa kanyang naging karanasan

c)

naghihirap ang kalooban dahil sa pangyayari

d)

nag-aabang sa pasya ng raha

34.

“Hindi na ako tumuloy. Hindi ko pala kayo kayang iwan,” ang masayang sabi nito sabay yakap sa dalawang babaeng naiiyak sa tuwa dahil sa pagbabalik ng inaakala nilang Brahman. Ipinakikilala nitong ang espiritu ay…

a)

mapanlinlang at mapagsamantala

b)

mapagpanggap pero mabait

c)

nananabik talaga sa pagmamahal ng isang pamilya

d)

mapagpatawad ngunit mapagkunwari

35.

“Ang tronong ito’y pag-aari ng dakilang Raha Vikramaditya. Bago ka maupo rito, ipakita mo munang kapantay mo siya sa tapang at dunong. Makinig ka at sasabihin namin sa iyo kung gaano siya kadakila.” Ipinakikilala ng pahayag na ito na ang kanilang Raha Vikramaditya ay…

a)

isang tanyag at kilalang pinuno

b)

isang mahusay at iginagalang na pinuno

c)

isang mayaman at hindi malilimutang pinuno

d)

isang mataas na pinuno

36.

Tukuyin ang uri Pang-abay na ginamit sa pangungusap.

Masayang dumalo sa pagdiriwang ang mga panauhin. (masayang dumalo)

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

37.

Tukuyin ang uri Pang-abay na ginamit sa pangungusap.

Sa Intramuros madalas mamasyal ang pamilya ni Pedro. (Sa Intramuros)

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

38.

Tukuyin ang uri Pang-abay na ginamit sa pangungusap.

Ang templo ni Vishnu sa Lungsod ng Tirupathi ay binuo noon pang ikasampung siglo. (noon pang ikasampung siglo)

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

39.

Tukuyin ang uri Pang-abay na ginamit sa pangungusap.

Masigasig na nakilahok sa pagdiriwang ang 60 milyong taong dumalo sa Kumbh Mela. (masigasig na nakilahok)

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

40.

Tukuyin ang uri Pang-abay na ginamit sa pangungusap.

Sa India matatagpuan ang pinakamatandang sibilisasyon. (Sa India)

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

41.

Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay makatotohanan o di makatotohanan.

Makikita ang napakagandang tanawin na may perpektong hugis.

a)

Makatotohanan

b)

Di-Makatotohanan

42.

Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay makatotohanan o di makatotohanan.

Ang diwata ay biglang sumulpot sa harap ng mga tao. Binanggit niya ang kaparusahan ng mga taong madamot at mapang-api.

a)

Makatotohanan

b)

Di-Makatotohanan

43.

Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay makatotohanan o di makatotohanan.

Ang mga kinnaree (taong kalahating sisne) ay masayang nagtatampisaw sa lawa.

a)

Makatotohanan

b)

Di-Makatotohanan

44.

Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay makatotohanan o di makatotohanan.

Ang kalabaw at baka na naliligo sa ilog ay nataranta kaya nagkapalit sila ng damit na suot. Gayon na lamang na ang damit (balat) ng kalabaw ay masikip at sa baka naman ay maluwag.

a)

Makatotohanan

b)

Di-Makatotohanan

45.

Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay makatotohanan o di makatotohanan.

Sa lahat ng mga halaman ay saging lamang ang may puso

a)

Makatotohanan

b)

Di-Makatotohanan

46.

Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay makatotohanan o di makatotohanan.

Ang Bundok Apo ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

a)

Makatotohanan

b)

Di-Makatotohanan

47.

Bigyang-kahulugan ang ipinakikitang pangyayari sa akda sa tulong ng mga larawan.

a)

Sina Rama at Sita ay nag-uusap sa kanilang plano na paghigantihan si Ravana

b)

Tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan sa gubat nang ipatapon sila mula sa Kaharian ng Ayodha.

c)

Nais nilang mamasyal sa kagubatan nang hindi kasama si Lakshamanan.

d)

Galit na nakatingin si Lakshamanan sa kanila dahil sa sinabi ni Sita sa kanya

48.

Bigyang-kahulugan ang ipinakikitang pangyayari sa akda sa tulong ng mga larawan.

a)

Namamahinga ang mag-asawa matapos ang nakakapagod na araw.

b)

Nakikiusap si Sita kay Rama na samahan siyang mamitas ng mga bulaklak

c)

Kinausap ni Sita si Rama na habulin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay

d)

Inihahanda na ni Rama ang kanyang pana para sa pagkikita nila ni Ravana

49.

Bigyang-kahulugan ang ipinakikitang pangyayari sa akda sa tulong ng mga larawan.

a)

Masayang yayakapin ni Sita si Rama matapos mapatay ang hari ng mga higante.

b)

Sinabihan ni Sita si Rama na sila ay umuwi na matapos mamasyal

c)

Pinasalamatan ni Sita ang asawa sa paghuli sa usa,

d)

Nagkukwentuhan ang mag-asawa sa nangyaring paglalabanan

50.

Bigyang-kahulugan ang ipinakikitang pangyayari sa akda sa tulong ng mga larawan.

a)

Inilayo ni Rama si Sita sa mga taong galit sa kanila

b)

Natakot si Sita sa biglang pagsulpot si Ravana

c)

Susugurin ni Surpanaka ang mag-asawa upang patayin

d)

Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka na labis namang ikinagalit ng halimaw.