wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE ASSESSMENT SA FILIPINO 9 (IKALAWANG MARKAHAN)

Total questions: 50

Worksheet time: 42mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang anyo ng tula na pinapahalagahan ng Hapon sa kalipunan din ng Menyoshu na antalohiya nitong ipinapahayag o inaawit.

a)

Tanaga

b)

Tanka

c)

Ambahan

d)

Haiku

2.

Ang nakasaad sa ibaba ay pawang karaniwang paksa sa Tanka MALIBAN sa isa

a)

pagbabago

b)

pag-ibig

c)

pag-iisa

d)

kalikasan

3.

Ang tamang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng haiku ay…

a)

7-7-7-5-5

b)

5-5-7-7-7

c)

5-7-5

d)

7-5-7

4.

Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto at ang tawag sa sensura nito ay ______

a)

Kiru

b)

Kireji

c)

Kaunzu

d)

Shigure

5.

Ang Tanaga ay may sukat na …

a)

7-7-7-5-5

b)

7-7-7-7

c)

5-7-5

d)

5-5-7-7-7

6.

Mas maraming mapagtataguan sa kampo kaysa kaya nilang bilangin – taniman, maisan, daluyan ng irigasyon, di pa nabubungkal na bukid – na ang tanging nagmamasid sa kaniya ay ang langit sa itaas at ang lupa sa ibaba. Nais ipakita ng manunulat sa mambabasa ang paglalarawan sa…

a)

tauhan

b)

pangyayari

c)

banghay

d)

tagpuan

7.

Sa sumunod na araw, nakabenta siya ng muffler. Sa ikatlong araw, wala siyang naitinda. Sa ikaapat na araw, wala pang kalahating oras pagkabukas niya ng tindahan, nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Ang estilo ng manunulat sa kaniyang akda ay isang pamaraang ______ dahil sa paggamit ng sa sumunod na araw, sa ikatlong araw at ikaapat na araw

a)

paglalahad

b)

pagkukuwento

c)

pasalaysay

d)

paglalarawan

8.

Sa unang araw ng bagong taon, pinagkaabalahan niya ang kaniyang sasakyan, sa ikalawang araw, inilabas iyon para paandarin. Tuwang-tuwang siya sa mga sisidlang ginawa niya. Nagbisekleta siya para tingnan ang mga pakyawan, para pag-aralan ang mga lokasyon nito. Ang pahayag na ito ay ang pagkilala ng saloobin batay sa…

a)

gawi

b)

paniniwala

c)

ugali

d)

paninindigan

9.

Ang kaniyang designasyong ay Timog 025. Hindi magandang puwesto. Naipakilala rito na ang mga Tsino ay likas na…

a)

mapamahiin

b)

mapaniwala

c)

mapanindigan

d)

malakas ang kapangyarihan

10.

“Medyas na nylon, pasara na ! Otsenta sentimos ang isang pares … otsenta sentimos isang pares ! Paubos na ang medyas na nylon. Huling tawag ! Medyas na nylon …Ito ay isang pagpapakita ng ugali ng tao na

a)

matuso

b)

matalino

c)

madiskarte

d)

masipag

11.

Magalang na yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya sa kampo.Kailangang yumuko ang mga bilanggo sa lahat ng guwardya, inspektor, at tagamasid na nakikipag-usap sa kanila o nakatingin man lang sa kanila- iyon ang pagsasanay. Ipinapakita rito na kapag nasa mataas ka na katungkulan ikaw ay…

a)

maabuso

b)

pinagpala

c)

makapangyarihan sa sarili

d)

may paninindigan

12.

Pagkilala sa damdaming nangingibabaw sa pahayag.

“Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong ituro at isalaysay ang nangyari kayong dalawa.”- lalaki. Ano ang damdaming nangingibabaw?

a)

Padalos-dalos na desisyon

b)

pagbigay ng patas na desisyon

c)

Kapatiran

d)

mapanudyo

13.

Pagkilala sa damdaming nangingibabaw sa pahayag.

Kinabukasan naroroon na sa isang panig ng parang ng hukbo ng mga matsing. Ang daming matsing. Waring ang buong kamatsingan.

a)

Padalos-dalos na desisyon

b)

pagbigay ng patas na desisyon

c)

Kapatiran

d)

mapanudyo

14.

Pagkilala sa damdaming nangingibabaw sa pahayag.

“Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata.”

a)

Padalos-dalos na desisyon

b)

pagbigay ng patas na desisyon

c)

Kapatiran

d)

mapanudyo

15.

Pagpapakahulugan sa pahayag at pahiwatig.

“Mga taon ang binibilang namin upang lumaki pagkatapos puputulin lang ng mga tao!” sumbat ng puno ng Pino.

a)

Panghihina at kawalan ng pag-asa

b)

Nagpapahiwatig ng pagkapoot at pagkamuhi

c)

Panunumbat,pagkadismaya at pagpapahayag ng katotohanan

d)

Nagsasaad ng pagnanasa at kayamot

16.

Pagpapakahulugan sa pahayag at pahiwatig.

“Dapat kainin ng tigre ang tao dahil naging makasarili ang tao!” ang hatol ng punong Pino at baka.

a)

Nagsasaad ng pagnanasa

b)

Nagpapahiwatig ng pagkapoot at pagkamuhi

c)

Panunumbat,pagkadismaya at pagpapahayag ng katotohanan

d)

Panghihina at kawalan ng pag-asa

17.

Bagamat ang lugar na ito ay industriyalisado pero hindi pa rin nakatanggap ng pantay na karapatan ang kababaihan lalo na sa larangan ng trabaho.

a)

Korea

b)

Tsina

c)

Taiwan

d)

Mongolia

18.

Sa lugar na ito puno ng pagpapahalaga sa kultura lalo na’t sa pamilya at pagpapahalaga sa anak na lalaki dahil ito ang magdadala sa kanilang apelyido. Maging sa pamahiin sa pagpapakasal ay dapat nilang susundin tulad ng hindi pagkikita at pagsuot ng trahe de buda.

a)

Hapon

b)

Tsina

c)

Taiwan

d)

Pilipinas

19.

Sila ang mga itinuring na tribong lagalag para lamang mamuhay.

a)

Taiwan

b)

Korea

c)

Mongolia

d)

Pilipinas

20.

Nakapaloob dito na mabibigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatan ang mga kakabaihan na dapat ipakiglaban ng mga kababaihan. Anong elemento ng sanaysay ito nakapaloob.

a)

kaisipan

b)

nilalaman

c)

himig

d)

damdamin

21.

Binura na ng panahon ang kanilang simpleng interes na mamasyal sa mga liwasang-bayan o tabing-ilog. Napalitan ito ng kanilang pagkahikayat na magpunta sa mall. Katulad rin ng iba pang kabataan, dito na sila namamasyal, naglalaro, kumakain ng kung ano-ano at nabibighani sa mga samu’t saring paninda na makikita sa mga naglalakihang estanteng salamin. Ito ay nagsasaad ng elemento ng sanaysay na…

a)

Larawan ng buhay

b)

Nilalalman

c)

Kaisipan

d)

Tema

22.

Lubos kong ikinalulumbay na nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado.” Ito ay nagsasaad ng elemento ng sanaysay na…

a)

kaisipan

b)

Larawan ng buhay

c)

nilalaman

d)

Damdamin

23.

Pagtukoy sa elemento ng dula.

Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula.

a)

aktor

b)

direktor

c)

manonood

d)

tanghalan

24.

Pagtukoy sa elemento ng dula.

Alin sa mga elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito?

a)

aktor

b)

direktor

c)

manonood

d)

tanghalan

25.

Pagtukoy sa elemento ng dula.

Ito ang pinakakaluluwa sa isang dula.

a)

Sinematograpiya

b)

Iskrip

c)

Tunog

d)

Karakter

26.

Suriin ang pakahulugan ng Tanaga/Tanka/Haiku ayon sa hinihingi nitong kahulugan.

Tag-init ni Ildefonso Santos

Alipatong lumapag

Sa lupa, nagkabitak

Sa kahoy, nalugayak

Sa puso, naglagablab


Ang konotasyong kahulugan ng tanagang ito ay

a)

Ang pagkatalo sa labanan

b)

Sumisidhing damdamin dahil sa gulo

c)

Ang pagiging isang lagalag

d)

Ang pakikipagsapalaran ng tao

27.

Suriin ang pakahulugan ng Tanaga/Tanka/Haiku ayon sa hinihingi nitong kahulugan.

Kabibe ni Ildefonso Santos

Kabibe ano ka ba

May perlas maganda ka

Kung idiit sa tainga

Nagbubuntong hininga


Ang denotasyong kahulugan sa salitang kabibe ay …

a)

Panlabas na kalansay, balat o kaha

b)

isang abaluryo

c)

Kapis o sigay

d)

hikaw

28.

Suriin ang pakahulugan ng Tanaga/Tanka/Haiku ayon sa hinihingi nitong kahulugan.

HAIKU ni Natsume Soseki

Sa kagubatan

Hangi’y umaalulong

Walang matangay


Ang salitang umaalulong kung ating iugnay ito sa isang relasyon nag-aaway ang magiging konotasyon nito ay

a)

pupunta ng kasukalan

b)

sumisigaw sa galit

c)

balisang paghihiwalay

d)

nagluluksa sa paghihiwalay

29.

Sa ponemang suprasegmental natutukoy natin ang makahulugang tunog at kaugnay nito ang ______ay ang bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig.

a)

Diin

b)

tono

c)

antala

d)

intonasyon

30.

Ang pinakamaliit na yunit ng salitang may kahulugan.

a)

morpema

b)

ponema

c)

salitang-ugat

d)

pantig

31.

Ponemang Suprasegmental. Kilalanin ang angkop na pahayag sa mga sitwasyon.

Niyaya ni Dodoy na sumama si Linette.

a)

Sama ka sa amin, Linette.

b)

Sama ka, sa amin Linette.

c)

Sama, ka sa amin, Linette

32.

Ponemang Suprasegmental. Kilalanin ang angkop na pahayag sa mga sitwasyon.

Saan ba ang sa inyo at ano ang mayroon doon?

a)

Sa GenSan para, manood ng Kalilangan.

b)

Sa GenSan, para manood ng Kalilangan.

c)

Sa GenSan para manood , ng Kalilangan.

33.

Ponemang Suprasegmental. Tukuyin ang tamang diin.


Bahagi ng sasakyan

a)

guLONG

b)

GU:long

34.

Ponemang Suprasegmental. Tukuyin ang tamang diin.


pangngalan (writing material)

a)

suLAtan

b)

sulaTAN

35.

Ibig ng marikit na babae na magkaroon siya ng anak. Ang uri ng pagkagamit sa modal ay…

a)

Nagsasaad ng posibilidad

b)

hinihinging mangyari

c)

Nagsasaad ng pagnanasa

d)

sapilitang mangyari

36.

Maaari pa bang masagip an gating kalikasan? Ang uri ng pagkagamit sa modal ay…

a)

Nagsasaad ng posibilidad

b)

hinihinging mangyari

c)

Nagsasaad ng pagnanasa

d)

sapilitang mangyari

37.

Hinggil sa batas ng paaralan na hindi kukuha ng pagsusulit ang may mababang marka. Ang pag-uugnay na ginamit ay isang..

a)

pangatnig

b)

ingklitik

c)

pang-ukol

d)

pang-angkop

38.

Sapagkat bata ka pa , sumunod ka sa utos ng iyong magulang. Ang pag-uugnay na ginamit ay…

a)

pangatnig

b)

ingklitik

c)

pang-ukol

d)

pang-angkop

39.

Tukuyin kung ang salitang may salungguhit sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON ang kahulugan.


Nangamote sa tumana si Aling Marta

a)

DENOTASYON

b)

KONOTASYON

40.

Tukuyin kung ang salitang may salungguhit sa pangungusap ay DENOTASYON o KONOTASYON ang kahulugan.


Nangamote sa klase si Pepito.

a)

DENOTASYON

b)

KONOTASYON

41.

Si Rita’y nakatapos sa ANSHS at nakapagturo sa paaralang bayan. Datapwat diyan siya nakilala ng iyong anak.

a)

ANAPORA

b)

KATAPORA

42.

Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap.

a)

ANAPORA

b)

KATAPORA

43.

Alin sa mga pahayag ang wasto tungkol sa kohesiyong gramatikal?

a)

Binibigyang turing nito ang mga pangngalan

b)

Iniiwasan nito ang pag-uulit ng mga pangangalan

c)

Napaiikli nito ang mga pangnugusap

d)

Napalalawak nito ang mga pangungusap

44.

Naku! Madali lang ‘yan. Ako na ang bahala’t kayang-kaya ko ‘yang tapusin. “Huwag mo akong tulungan” ang sabi ng tigre.

a)

Pagkaawa

b)

Pagkainis

c)

Pagkalito

d)

Pagmamayabang

45.

Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mambabasa.

a)

wakas

b)

simula

c)

gitna

d)

simbolismo

46.

Nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.

a)

wakas

b)

simula

c)

gitna

d)

simbolismo

47.

Tumutukoy sa dalawang taong nag-uusap.

a)

Sina Janna/ Sheila / at Ivy / ay nag-uusap.//

b)

Sina Janna Sheila at Ivy / ay nag-uusap.//

48.

Ipinaalam na si Venus ang may kasalanan.

a)

Hindi si Venus, ang may sala.

b)

Hindi, si Venus ang may sala.

49.

Alin sa sumusunod na bantas ang ginagamit sa pagsulat na maihuhudyat ng antala?

a)

kuwit

b)

tuldok

c)

tuldok-kuwit

d)

lahat ng nabanggit

50.

Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento.”

a)

Deogracias Rosario

b)

Edgar Allan Poe

c)

Lope K. Santos

d)

Severino Reyes