WorksheetsSECOND QUARTER TEST PART-1 FILIPINO 10
Total questions: 50
Worksheet time: 38mins
1.Ang pagpapalawak ng pangungusap ay kailangang angkop ang mga salitang ginagamit upang mapanatili ang diwa at kaisipan nito. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagpapalawak ng pangungusap?
ingklitik
Modipikasyon
panuring
pokus ng pandiwa
2.Ito ay kaganapan ng pandiwa na tumutukoy sa bagay na ginamit upang maisakatuparan ang kilos.
kagamitan
sanhi
layon
tagaganap
3. Ito ay bahagi ng panag-uri na nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.
kaganapan
paningit
panuring
pokus
4. Ito ay kaganapan ng pandiwa kung saan isinasaad nito kung sino ang makikinabang sa kilos.
ganapan
kagamitan
tagaganap
tagatanggap
5. Ito ay tumutukoy sa panitikang kaugnay ng wika at kadalasang tungkol sa kultura at sibilisasyong Europeo.
Panitikang Europeo
Panitikan ng Hawai
Panitikan ng Amerika
Panitikang Kanluranin
6.ipinanganak ang taong iyan na may gintong kutsara. Anong uri ng matatalinhagang pahayag ang ginamit sa pangungusap?
idyoma
salawikain
tayutay
kasabihan
7.Ayon sa sanaysay ang nagkakaisang bansa ay may layuning pangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan at mananatili ang kalayaan sa malalakas at mahihinang bansa kung maging isang pulungan ng pag-iimbento. Alin sa mga tinutukoy ang hindi kasama sa tatanglaw sa buong mundo?
ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
ang enerhiya
ang pananalig
debosyon na iniaalay sa pambansang layunin
8.Ito ay kataga na isinasama sa pangungusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito.
pang-abay
pang-uri
pandiwa
paningit o ingklitik
9. Ito ay di-karaniwang salita o isang matalinhagang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan, damdamin at saloobin.
Idyoma
salawikain
Matatalinhagang pahayag
tayutay
10.Ito ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
matatalinhagang pahayag
idyoma
salawikain
tayutay
11.Ito ay nagbibigay ng makulay at mabisang pagpapakahulugan. Ito ay di-tuwirang pagpapahayag na ginagamitan ng masisining na mga salita.
idyoma
matatalinhagang pahayag
salawikain
tayutay
12.Ito ay bukambibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay sa mga dapat gawin sa buhay
matatalinhagang pahayag
idyoma
salawikain
tayutay
13.Ito ay kadalasang nasa anyong patula sapagkat may sukat at tugma at karaniwang dalawang saknong laman.May malalim na kahulugan na nakatago sa payak nitong anyo.
salawikain
tayutay
idyoma
matatalinhagang pahayag
14.Ito ay pag-uulit ng pabaliktad ng mga pahayag.
aliterasyon
anadiplosis
empanodos
katapora
15.Ito ay pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakababa patungo sa pinakamataaas na antas.
Tambisan
pagtanggi
paghihimig
Pasukdol
16.Anong bukas ang naghihintay sa atin? Anong uri ng tayutay ito?
balintuna
retorikal
pasukdol
pag-uulit
17.Ito ay pag-uulit ng pabaliktad ng mga pahayag.
aliterasyon
anadiplosis
empanodos
katapora
18.Sila ang mga tanyag na manunulat ng panitikang kanluranin maliban sa isa.
Edgar Allan Poe
Dante Alighieri
William Shakespeare
Desmond Tutu
19.Siya ang manunulat nahindi mabilang ang mga akdang naisulat na kung saan ay naging impluwensiyal sa iba-ibang mga panitikan sa iba-ibang bahagi ng daigdig.
Dante
Homer
Shakespeare
Stowe
20.Sino ang may akda ng sanaysay na "Para sa kalayaan ng Tao?
Pat Villafuerte
John F. Kennedy
Franklin Roosevelt
Dr. Jose Rizal
21.Ano ang tema ng sanaysay ni Pangulong John F. Kennedy?
pagiging malaya ng tao
pagiging isang mabuting mamamayan
pagiging makapangyariahan
pangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan
22.Ito ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y.
din/daw
lamang
lang
rin/din
23.ito ang paglalarawan o pagbibigay ng karagdagang impormasyon sa paksa ng pangungusap.
Ingklitik
atribusyon
panuring
kaganapan
24.Ito ay mga pang-abay na kataga na nagsisilbing paningit sa pangungusap upang mabigyang diin ang pinatutungkulan.
ingklitik
atribusyon
panuring
kaganapan
25.Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na pagpapahayag ng buong diwa. Ito ang nagbibigay impormasyon tungkol sa paksa.
simuno
panag-uri
pang-uri
kaganapan
26.Kung si Homer ang may-akda ng Iliad; siya naman ang may akda ng Oedipus Rex.
Shakespeare
Plato
Dante
Sophocles
27.Ito ay kaganapang isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa.
Direksiyonal
ganapan
instrumento
layon
28.Ito ang kailangan at nakatutulong upang magkaroon ng mas malinaw at lohikal na pangungusap sa tuwing magsusulat ng akda.
kaalaman at kasanayan
kaalaman at talino
kasanayan at talina
karunungan at talinao
29.Ang paningit na malayang nagpapalitan ay ang rin/din,raw/daw,lang/lamang. Ito ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa y at w.
rin/raw
din/daw
lang/lamang
30.Ang komplemento ng pandiwa ay kilala rin sa tawag na pokus ng pandiwa.
tama
mali
di-sigurado
31.Ito ay nagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
matatalinhagang pahayag
idyoma
salawikain
tayutay
32.Ito ay isang masining na paraan na pagpapahayag o paglalarawan na sadyang layo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang lalong madaling maunawaan, maging mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag.
epipora
katapora
empanados
anadiplosis
33.Ito ay isang masining na paraan na pagpapahayag o paglalarawan na sadyang layo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang lalong madaling maunawaan, maging mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag.
matatalinhagang pahayag
salawikain
idyoma
Tayutay
34.Ito ay ang pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunod-sunod na taludtod.
anadiplosis
anapora
epipora
empanados
35.Ito ay ang pag-uulit ng unang titik o unang pantig sa isang linya ng pahayag o sa isang taludtod ng tula.
aliterasyon
anapora
anadiplosis
epipora
36.Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita, paggamit ng magkasalungat na salita.
balintuna
Tambisan
pagtanggi
pasukdol
37.Ang lagaslas nitong batis, ang alitiit ng kawayan at halumigmig nitong hangin ay mga bulong ng kalikasan. Anong uri ng tayutay ito?
oksimoron
onomatopiya
Paglilipat-wika
Tambisan
38.Mapanuyang pahayag na may hayagang intensiyon na makapanakit ng damdamin.
pag-uyam
pagtatambis
Balintuna
Pagtanggi
39.Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. na ginagamitan ng mga tulay o pangatnig.
pagtutulad
metapora
pagsasatao
pagtawag
40.Ito ay mag himig na pagkukunwari dahil madalas itong magpahayag ng dalawang magkasalungat na kahulugan.
pagtanggi
pasukdol
retorikal
paglilipat-wika
41.Ito ay pagbibigay-buhay o paglalapat ng mga katangiang pantao-talino,gawi-kilos sa mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga salitang nagsasad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangalang-diwa.
pagsasatao
retorikal
paglilipat-wika
pagtawag
42.Kabataan! Nasa inyong kamay ang kinabukasan ng ating bayan. Anong uri ng tayutay ito?
pagtatao
pasukdol
pagtawag
retorikal
43.Pangungutya na gumagamit ng kapuri-puring salita, ngunit kabaligtaran ang kahulugan. Mukhang hindi masakit sa una , subalit sa kalaunan, matapos malimi, ay nakakasakit din ng damdamin.
balintuna
pag-uyam
pagmamalabis
paglilipat-saklaw
44.Maraming kamay ang gumawa sa gusaling iyan kaya matibay at kahanga-hanga. Anong uri ng tayutay ito?
paglilipat-wika
pag-uyam
pagmamalabis
pagpapalit-saklaw
45.Lumuluha ang kalangitan kasabay ng aking pagdurusa. Anong uri ng tayutay ito?
pagtatao
paglilipat-wika
pagmamalabis
paglilipat-saklaw
46.Tukuyin kung anong uri ng matatalinhagang pahayag ang ginamit sa pangungusap.
Hindi mahulugang karayom ang lugar na pinagdausan ng inagurasyon ng bagong halal na pangulo ng bansa.
idyoma
salawikain
Tayutay
walang matalinhagang pahayag
47.Sabi ni Dina sa kanyang asawa,"Itaga mo ito sa bato,kahit hindi nila ako tulungan,aangat ang ating kabuhayan."
idyoma
salawikain
Tayutay
walang matalinhagang pahayag
48.Hugas-kamay ang taong iyan matapos ang lahat ng nagyari.
idyoma
salawikain
Tayutay
walang matalinhagang pahayag
49.Nabuhay muli ang mga dahon ng halaman pagkatapos umulan.
idyoma
salawikain
Tayutay
walang matalinhagang pahayag
50.Ang kasipagan ay ina ng kayamanan at kaginhawahan.
idyoma
salawikain
Tayutay
walang matalinhagang pahayag
