wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahan: Mahabang Pagsusulit Filipino 10 VALOR

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Dito ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay linaw sa mga pangyayari sa akda. Ano ang banghay ng maikling kwento ang tinutukoy?

a)

Panimula

b)

Saglit na Kasiglahan

c)

Kakalasan

d)

Wakas

2.

Ito ang kaganapan ng pandiwa kung ang simuno ay lugar kung saan ginanap ang aksyon.

a)

Layon

b)

Tagaganap

c)

Ganapan

d)

Tagatanggap

3.

Sa bahaging ito pinakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan at tagpuan. Ano ang banghay ng maikling kwento ang tinutukoy?

a)

Panimula

b)

Saglit na Kasiglahan

c)

Kakalasan

d)

Wakas

4.

Kanino inihalintulad ang ama sa kwentong Parabula sa Alibughang Anak?

a)

Sa mga taong ganid

b)

Sa Panginoon

c)

Sa mga taong nagpapatawad

d)

Sa mga taong mapagpakumbaba

5.

Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng may-akda. Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang paksang tinatalakay o pinag-uusapan. Anong bahagi ng sanaysay ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Simula

b)

Wakas

c)

Gitna

d)

Wala sa nabanggit

6.

Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang binabasa. Anong bahagi ng sanaysay ang tinutukoy ng pahayag?

a)

Simula

b)

Gitna

c)

Wakas

d)

Wala sa nabanggit

7.

Ito ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Anong uri ng sanysay ito.

a)

Pormal

b)

Di-pormal

c)

Simbolo

d)

Pananaw

8.

Ito ay sumasalamin sa damdamin ng makata o ang taong sumusulat ng tula. Ang damdamin o emosyon ng makata laman ang naging konsiderasyon sa pagsulat ng uri nito.

a)

Tulang Pandamdamin o Liriko

b)

Tulang Pasalaysay

c)

Tulang Patnigan

d)

Tulang Pantanghalan

9.

Mula sa Mitolohiyang Paano Nabuo ang Daigdig, sino ang kinikilalang diyos/bathala sa akda?

a)

Lumawig

b)

Aremaya

c)

Alelayo

d)

Panginoon

10.

Mula sa Mitolohiyang Paano Nabuo ang Daigdig at sa Bibliya, mayroon bang kaibahan ang pangyayari sa akda?

a)

Mayroon, makatotohanan ang nasa bibliya samantalang sa mitolohiya ito ay likha lamang ng tao.

b)

Mayroon, magkakaiba ng pamamaraan kung paano nagkaroon ng mga tao sa mundo

c)

Mayroon, magkaiba ng kilikilalang diyos ang kwento hango sa bibliya at mula sa mitolohiya.

d)

Lahat ng nabanggit

11.

Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Anong uri ng sanysay ito?

a)

Pormal

b)

Di-pormal

c)

Simbolo

d)

Pananaw

12.

Sila naman ang mga katutubo sa pulo ng Borneo mula sa epikong Maragtas.

a)

Ribongsapaw

b)

Maniwantiwan

c)

Ati

d)

Bisaya

13.

Sila naman ang mga katutubo sa pulo ng Aninipay mula sa epikong Maragtas.

a)

Ribongsapaw

b)

Maniwantiwan

c)

Ati

d)

Bisaya

14.

Siya naman ang hari ng Aninipay at mabuting pinuno mula sa epikong Maragtas.

a)

Maniwantiwan

b)

Ribongsapaw

c)

Marikudo

d)

Ati

15.

Saan ang tagpuan ng akda mula sa epikong Maragtas.

a)

Dagat

b)

Balsa

c)

Panay

d)

Bahay

16.

Siya naman ang asawa ni Haring Marikudo mula sa epikong Maragtas.

a)

Ati

b)

Marikudo

c)

Ribongsapaw

d)

Maniwantiwan

17.

Pinagbuti ng bata ang kaniyang pag-aaral para sa kaniyang mga magulang. Sino ang tagatanggap sa pahayag?

a)

Magulang

b)

Pag-aaral

c)

Bata

d)

Lahat ng Nabanggit

18.

Bumili ng GARBANSOS si Aling Marta para sa kaniyang anak. Anong kaganapan ng pandiwa ang nakasulat sa malaking titik?

a)

Tagatanggap

b)

Layon

c)

Tagaganap

d)

Lahat ng nabanggit

19.

Ano ang punto de vista ng sanaysay na "Ang Buhay"?

a)

Ang buhay ay mahalaga para aksayahin lang sa mga bagay na walang halaga.

b)

Magpasalamat at makuntento sa lahat ng biyaya at pagsunok na dumadating sa buhay.

c)

Maging positibo sa buhay kahit marami man ang pagsubok na dumating.

d)

Lahat ng nabanggit

20.

“Kaya’t sabi ng iba, mabuhay daw tayo ng masaya” at “mabuhay daw tayo ng mabait para tayo ay mapunta sa langit.” Mula sa Sanaysay na “Ang Buhay”, ilahad ang nais iparating ng may akda.

a)

Maging mabait sa kapwa

b)

Matutong magpakumbaba at magpatawad

c)

Maging isang mabuting tao sa lahat ng aspeto.

d)

Lahat ng nabanggit

21.

Kung ikaw si Marikudo, tatanggapin mo ba ang mga tao sa iyong pulo kahit na hindi mo lubusang kilala? (Epikong Maragtas)

a)

Oo, dahil marami silang dalang gamit.

b)

Oo, dahil mas maganda ang makatulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan.

c)

Hindi, dahil masasakop lamang nila ang ibang lupain.

d)

Hindi, dahil hindi ko naman sila kilala.

22.

Kung ikaw si Sultan Makatunao,ano ang mararamdaman mo sa pag-iwan sa iyo ng inyong mga katribo? (Epikong Maragtas)

a)

Malulungkot dahil naging masama ako sa kanila, magbabago na ako para hindi na ako muling iwan.

b)

Malulungkot, mg-iisip nang paulit-ulit at sisikaping magbago.

c)

Malulungkot, dahil wala na akong utusan.

d)

Lahat ng nabanggit

23.

Ano ang ipinakitang kultura sa akdang Maragtas? (Epikong Maragtas)

a)

Nanghihingi ng kapalit sa kabutihang nagawa.

b)

Maayos na pagtanggap sa bisita.

c)

Mapagmahal sa kapwa.

d)

Pagmamalupit sa mga walang kapangyarihan.

24.

Ikaw, kikilos ka ba o mananatili ka na lang sa iyong kinalalagyan? Babangon ka ba para makisalamuha at humanap ulit ng panibagong kaibiagn na tatanggap sa iyo ng buo. Anong bahagi ng sanaysay ang binanggit sa pahayag?

a)

Simula

b)

Gitna

c)

Wakas

d)

Wala sa nabanggit

25.

Siya ay sumasayaw habang umaawit ng kaniyang paboritong awitin. Ano ang ginamit na pangatnig sa pangungusap?

a)

habang

b)

umaawit

c)

sumasayaw

d)

Lahat ng nabanggit

26.

Mag-aral nang mabuti upang umunlad ang ating buhay. Ano ang ginamit na pangatnig sa pangungusap?

a)

upang

b)

mag-aral

c)

umulad

d)

lahat ng nabanggit

27.

Ikaw at ako pero walang tayo. Ano ang ginamit na pangatnig sa pangungusap?

a)

Ako

b)

Walang tayo

c)

Ikaw

d)

At

28.

Ang napag-usapan ay tungkol sa kabutihang loob ni Hana. Ano ang ginamit na pang-ukol sa akda?

a)

napag-usapan

b)

tungkol

c)

kabutihan

d)

loob

29.

Ang ipinatupad na batas ay alinsunod sa mga mambabatas. Ano ang ginamit na pang-ukol?

a)

ipinatupad

b)

batas

c)

alinsunod

d)

mambabatas

30.

Kung ikaw ang ama sa "Alibughang Anak" tatanggapin mo bang muli ang iyong anak?

a)

Oo, dahil gagawin ko siyang alina sa tahanan

b)

Hindi, dahil isa siyang anak na matigas ang ulo at hindi nakikinig

c)

Oo, dahil bilang magulang tayo ang gagabay sa mga anak lalo na sa naliligaw ng landas

d)

Hindi, dahil nakuha na niya lahat ng para sa kanya.

31.

Ano ang aral sa Parabulang "Alibughang Anak"?

a)

Matutong magpatawad

b)

Huwag magmalaki sa pamilya o sa kahit kaninong tao

c)

Huwag maging ganid sa yaman

d)

Lahat ng nabanggit

32.

Mula sa Alibughang anak, makatwiran bang magtampo ang Panganay na Anak sa kanilang ama?

a)

Oo, dahil hindi masyadong pinagtuunan ng pansin ng Ama ang kanyang Panganay na Anak.

b)

Oo, dahil mas pinapakita ng Ama na mas mahal niya ang kanyang Bunsong Anak.

c)

Hindi, dahil naubos naman na ng Bunsong Anak ang kanyang yaman kaya wala ng dahilan para magtampo.

d)

Hindi, dahil kung sinong anak ang mas nangangailangan ng paggabay siya iyong gabayan.

33.

Ilahad ang tema ng tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na isinulat ni Andres Bonifacio.

a)

Ipakita sa mga mamamayan ang kakayahan niya sa pagsulat ng tula.

b)

Impluwensyahan ang mga mamamayan sa kaniyang pansariling interes para mag-aklas.

c)

Paggising sa diwa ng mga Pilipino tungkol sa hindi magandang pamamalakad sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila.

d)

Lahat ng nabanggit

34.

Nagtungo sa kalangitan sina Daga, Adlao at,Bulan. Ano ang kaganapan ng pandiwang direksyunal?

a)

Nagtungo sa kalangitan

b)

Daga

c)

Bulan

d)

Adlao

35.

Kinuha ni Andres ang kalupi ni Aling Marta. Ano ang layon ng kaganapan ng pandiwa?

a)

Marta

b)

Kalupi

c)

Bata

d)

Andres

36.

Pinangunahan ni MANGETCHAY ang pulong sa kalawakan. Ano ang kaganapan ng pandiwa?

a)

Tagaganap

b)

Tagatanggap

c)

Layon

d)

Ganapan

37.

Pinagbuti ni Ina ang kaniyang pag-aaral para sa kaniyang MGA MAGULANG. Ano ang kaganapan ng pandiwa?

a)

Tagaganap

b)

Tagatanggap

c)

Layon

d)

Ganapan

38.

NAGTUNGO SA ILALIM NG KARAGATAN si Tubigan upang magpahinga. Ano ang kaganapan ng pandiwa?

a)

Tagaganap

b)

Sanhi

c)

Direksyunal

d)

Ganapan

39.

Nag-away-away ang mga diyos sa kalawakan DAHIL SA PAGANANAIS NILANG MAKUHA ANG ATENSYON NI VENUS.

a)

Tagaganap

b)

Sanhi

c)

Direksyunal

d)

Ganapan

40.

Ang mga bata ay gumamit ng BASANG damit para mapatay ang apoy sa kanilang bahay. Ano ang ginamit na pang-angkop sa pahayag?

a)

na

b)

ng

c)

g

d)

lahat ng nabanggit

41.

Unawain at piliin sa mga pahayag ang nagpapakita ng paggamit ng pang-angkop na “g”

a)

Magandang bata si Mika.

b)

Masunuring bata si Mika.

c)

Malambing na bata si Mika.

d)

Lahat ng nabanggit

42.

Unawain at piliin sa mga pahayag ang nagpapakita ng paggamit ng pang-angkop na “na”

a)

Masunurin na bata si Mika.

b)

Mabait na bata si Mika.

c)

Mahinhin na bata si Mika.

d)

Lahat ng nabanggit

43.

AYON SA PAG-ASA, magkakaroon ng malakas na pag-ulan ngayong linggo. Anong uri ng Pang-ugnay sa pahayag?

a)

Pangatnig

b)

Pang-ukol

c)

Pang-angkop

d)

Lahat ng nabanggit

44.

KUNG GAYON, ikaw ang nagsusumbong ng hindi tama sa aking minamahal na magulang.

a)

Pangatnig

b)

Pang-ukol

c)

Pang-angkop

d)

Lahat ng nabanggit

45.

Mula sa Mitolohiyang Paano Nabuo ang Daigdig, dapat ba nating bigyan ng pagpapahalaga ito?

a)

Hindi, dahil hindi ito nangyayari sa reyalidad.

b)

Hindi, dahil ito ay gawa lamang ng tao.

c)

Oo, dahil ito ay bahagi ng ating mga akdang pampanitikan na maituturing na agkakakilanlan sa bawat lugar na pinagmulan ng akda.

d)

Oo, dahil ito ay bahagi ng ating mga aralin.

46.

Unawain at intindihing mabuti ang tulang "MUSIKA "Ni:Angelyn Mancera. Ilan ang sukat ng tula?

Himig ng isang musika

Sa akin ay mahalaga

Sapagkat sa bawat letra

Ay ramdam ko ang ligaya

a)

Wawaluhing pantig

b)

Lalabindalawahing pantig

c)

Lalabing- animang pantig

d)

Lalabing-waluhing pantig

47.

“Hindi ko akalain na makikipaglaban ako sa isang mangyan ng iba pang lungga, na mababa ang tingin kay bathala kaya, ayan, ganyan ang ginawang sumpa. Yung baba nya sandata at yan ang pinapang-tuka. Sa sobrang haba nyan pwede nang lagyan ng isa pang mukha.- CO”. Anong uri ng tulang patnigan ang tinutukoy ng pahayag.

a)

Balagtasan

b)

Karagatan

c)

Duplo

d)

Fliptop o Battle Rap

48.

Bakit mahalagang pag-aralan ang isang tula?

a)

Mahalagang pag-aralan ang isang tula upang masining na maipahayag ang nararamdaman ng awtor

b)

Mahalagang pag-aralan upang maipahayag ng damdamin, kaisipan, o ginagawa ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng mga maririkit na salita.

c)

Mahalagang mapag-aralan upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral sa pagsulat ng isang tula.

d)

Lahat ng nabanggit

49.

Bakit mahalagang pag-aralan ang parabula?

a)

Mahalagang pag-aralan upang matuto sa mga aral

b)

Mahalagang pag-aralan upang maunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang ugali

c)

Mahalagang pag-aralan upang maihatid ang mga aral sa bibiya sa mga mag-aaral

d)

Lahat ng nabanggit

50.

Mula sa akdang "Ang Kwento ni Mabuti", ano ang pagkatao ni Mabuti? Alin ang hindi kabilang.

a)

Siya ay isang guro

b)

Siya ay nakikiapid

c)

Siya ay positibo sa buhay

d)

Sya ay mapagpakumbaba