wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 7 QuiZ (2nd Graing)

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin kung denotatibo o konotatibo ang gamit ng nakasalungguhit na salita sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot.

Ang kanyang kamag-aral ay talagang may kutsarang ginto sa bibig.

(a)  

2.

Tukuyin kung denotatibo o konotatibo ang gamit ng nakasalungguhit na salita sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot.

Maraming magagandang bulaklak na anak si Aling Gina.

(a)  

3.

Tukuyin kung denotatibo o konotatibo ang gamit ng nakasalungguhit na salita sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot.

Ang lamig ng simoy ng hangin wari’y sasapit na ang taglamig.

(a)  

4.

Tukuyin kung denotatibo o konotatibo ang gamit ng nakasalungguhit na salita sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot.

Si Lani ay nanguha ng mga bato sa ilog upang ihanay sa harapan ng kanilang bahay.

(a)  

5.

ukuyin kung denotatibo o konotatibo ang gamit ng nakasalungguhit na salita sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot.

Magaling mambola si Berting kaya marami sa kanya’y nabibighani.

(a)  

6.

Tukuyin kung anong antas ng wika nauuri ang sinalungguhitang salita sa bawat pangungusap.

May pagpupulong na magaganap mamaya para sa nalalapit na pagtatanghal ng mga mag-aaral.

a)

Pambansa

b)

Pampanitikan

c)

Lalawiganin

d)

Kolokyal

7.

Tukuyin kung anong antas ng wika nauuri ang sinalungguhitang salita sa bawat pangungusap.

Ako ay yayao na, tandaan ninyo ang aking pagsusumikkap ay para sa inyong lahat.

a)

Kolokyal

b)

Lalawiganin

c)

Pambansa

d)

Pampanitikan

8.

Tukuyin kung anong antas ng wika nauuri ang sinalungguhitang salita sa bawat pangungusap.

Ang mga bagets ay nahihirapan sa pagsagot ng pagsusulit sa Filipino.

a)

Balbal

b)

Kolokyal

c)

Lalawiganin

d)

Pampanitikan

9.

Tukuyin kung anong antas ng wika nauuri ang sinalungguhitang salita sa bawat pangungusap.

Maraming ermats ang dumalo sa isinagawang programa para sa kanila kahapon.

a)

Balbal

b)

Kolokyal

c)

Lalawiganin

d)

Pambansa

10.

Tukuyin kung anong antas ng wika nauuri ang sinalungguhitang salita sa bawat pangungusap.

Choy, kalian ka pa dumating?

a)

Balbal

b)

Kolokyal

c)

Lalawiganin

d)

Pampanitikan

11.

Suriin ang antas ng wikang ginamit sa mga pangungusap. Tukuyin kung ito ay pormal o di-pormal.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagyoyosi sa mga pampublikong lugar.

a)

Pormal

b)

Di-pormal

12.

Suriin ang antas ng wikang ginamit sa mga pangungusap. Tukuyin kung ito ay pormal o di-pormal.

Ang pagpapatupad ng curfew sa aming lugar ay nagdulot ng katiwasayan sa mga magulang.

a)

Pormal

b)

Di-pormal

13.

Suriin ang antas ng wikang ginamit sa mga pangungusap. Tukuyin kung ito ay pormal o di-pormal.

Mahigpit na ipinapatupad ang pagsunod sa batas-trapiko upang mabawasan ang probla sa lansangan.

a)

Pormal

b)

Di-pormal

14.

Suriin ang antas ng wikang ginamit sa mga pangungusap. Tukuyin kung ito ay pormal o di-pormal.

Hindi matatawaran ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng sining.

a)

Pormal

b)

Di-pormal

15.

Suriin ang antas ng wikang ginamit sa mga pangungusap. Tukuyin kung ito ay pormal o di-pormal.

Maraming epal sa paligid lalo na kapag may isyung pinag-uusapan.

a)

Pormal

b)

Di-pormal

16.

Tukuyin ang uri ng awiting-bayan na laganap sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa. Piliin ang tamang sagot.

Ito ay awit ng pakikidigma o pakikipaglaban.

a)

Kumintang

b)

Kutang-kutang

c)

Sambotani

d)

Soliranin

17.

Tukuyin ang uri ng awiting-bayan na laganap sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa. Piliin ang tamang sagot.

Ito ay bersiyon ng mga awit ng pag-ibig sa mga Tagalog.

a)

Balitaw

b)

Diyona

c)

Kundiman

d)

Maluway

18.

Tukuyin ang uri ng awiting-bayan na laganap sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa. Piliin ang tamang sagot.

Ito ay awit na panrelihiyon o himno ng pagkadakila sa Maykapal.

a)

Balitaw

b)

Dalit

c)

Dung-aw

d)

Talindaw

19.

Tukuyin ang uri ng awiting-bayan na laganap sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa. Piliin ang tamang sagot.

Ito ay ang awit sa sama-samang paggawa.

a)

Dung-aw

b)

Maluway

c)

Oyayi o hele

d)

Talindaw

20.

Tukuyin ang uri ng awiting-bayan na laganap sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa. Piliin ang tamang sagot.

Ito’y mga awit ng pag-ibig na ginagamit sa panghaharana ng mga Bisaya.

a)

Balitaw

b)

Diyona

c)

Maluway

d)

Talindaw

21.

Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang tamang antas ng pang-uri kung ito’y Lantay, Pahambing o Pasukdol.

Si Gab ay kasinghusayni Juan sa paglalaro ng basketbol.

(a)  

22.

Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang tamang antas ng pang-uri kung ito’y Lantay, Pahambing o Pasukdol.

Si Jacky ang pinakamatalinongmag-aaral sa klase ni Binibining Roque.

(a)  

23.

Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang tamang antas ng pang-uri kung ito’y Lantay, Pahambing o Pasukdol.

Mas matangkadsa iyo ang kuya mo nang tatlong pulgada.

(a)  

24.

Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang tamang antas ng pang-uri kung ito’y Lantay, Pahambing o Pasukdol.

Ayon sa PAG-ASA, malakasang bagyong tatama sa hilagang bahagi ng Luzon.

(a)  

25.

Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang tamang antas ng pang-uri kung ito’y Lantay, Pahambing o Pasukdol.

Iyan ang pinakamataasna gusali sa Lungsod ng Makati.

(a)  

26.

Piliin ang hinihinging antas ng mga sumusunod na salita sa pagki-klino.

Piliin ang nasa pang-apat na antas ng mga salita.

a)

inalagaan

b)

kinalinga

c)

kinupkop

d)

tinangkilik

27.

Piliin ang hinihinging antas ng mga sumusunod na salita sa pagki-klino.

Piliin ang nasa unang antas.

a)

marangya

b)

masagana

c)

maunlad

d)

mayaman

28.

Piliin ang hinihinging antas ng mga sumusunod na salita sa pagki-klino.

Piliin ang nasa pangatlong antas.

a)

naghari

b)

namayagpag

c)

namayani

d)

nangibabaw

29.

Piliin ang hinihinging antas ng mga sumusunod na salita sa pagki-klino.

Piliin ang nasa pangalawang antas.

a)

paghanga

b)

pagliyag

c)

pagmamahal

d)

pagsinta

30.

Piliin ang hinihinging antas ng mga sumusunod na salita sa pagki-klino.

Piliin ang nasa pangalawang antas.

a)

asar

b)

inis

c)

galit

d)

poot

31.

Tukuyin ang mga sumusunod na eelemento o uri ng maikling kwento.

Inilalarawan dito ang tunay na pagkatao o katangian ng pangunahing tauhan, ang kaniyang kilos o galaw, pagsasalita at kaisipan.

a)

Kuwento ng kapaligiran/katutubong kulay

b)

Kuwento ng tauhan

c)

Tagpuan

d)

Tauhan

32.

Tukuyin ang mga sumusunod na eelemento o uri ng maikling kwento.

Ito ay ang pakikitunggali ng tauhan sa kaniyang sarili pananaw, saloobin, at iba pang makikitang suliranin.

a)

Tao laban sa kalikasan

b)

Tao laban sa lipunan

c)

Tao laban sa sarili

d)

Tao laban sa tao

33.

Tukuyin ang mga sumusunod na eelemento o uri ng maikling kwento.

Ito ay naglalarawan ng mga pangyayaring di-kapani-paniwaala.

a)

Kuwento ng kababalaghan

b)

Kuwento ng kapaligiran/katutubong kulay

c)

Kuwento ng katatakutan

d)

Kuwento ng katatawanan

34.

Tukuyin ang mga sumusunod na eelemento o uri ng maikling kwento.

Ito ang nagpapakita ng tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o daloy ng kuwento.

a)

Banghay

b)

Maikling kwento

c)

Tunggalian

d)

Tema

35.

Tukuyin ang mga sumusunod na eelemento o uri ng maikling kwento.

Ito ay ang pakikitunggali ng tauhan sa kalikasan.

a)

Tao laban sa kalikasan

b)

Tao laban sa lipunan

c)

Tao laban sa sarili

d)

Tao laban sa tao

36.

Piliin ang tamang sagot.

Ito ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-guni at pinararating sa ating damdamin.

a)

balagtasan

b)

kanta

c)

liriko

d)

tula

37.

Piliin ang tamang sagot.

Ito ay isa sa elemento ng tula na pinagpapangkat- pangkat o pinagsama- samang mga taludtod.

a)

Kariktan

b)

Saknong

c)

Talinghaga

d)

Tugma

38.

Piliin ang tamang sagot.

Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakatulad ng mga tunog sa huling pantig sa dalawa o higit pang taludtod.

a)

Kariktan

b)

Saknong

c)

Talinghaga

d)

Tugma

39.

Piliin ang tamang sagot.

Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. Kinakailangang magkakapareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.

a)

Kariktan

b)

Sukat

c)

Talinghaga

d)

Tugma

40.

Piliin ang tamang sagot.

Ito ay isa sa elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakabuo ng mga malalalim na mga salita at may natatagong kahulugan.

a)

Kariktan

b)

Saknong

c)

Sukat

d)

Talinghaga

41.

Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa sumusunod na mga talinghaga.

Ang tayutay na ito ay paglalapat sa pangalan, tawag o katangian o gawain ng isang bagay sa bagay na inihahambing na hindi ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, tila, gaya ng, at iba pa.

a)

Metapora

b)

Pagmamalabis (Hyperbole)

c)

Pagsasatao o Personipikasyon (Personification)

d)

Simili

42.

Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa sumusunod na mga talinghaga.

Ang tayutay na ito ay pagpapakilos sa mga bagay na parang tao.

a)

Metapora

b)

Pagmamalabis (Hyperbole)

c)

Pagsasatao o Personipikasyon (Personification)

d)

Pagtawag (Apostrophe)

43.

Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa sumusunod na mga talinghaga.

Ang tayutay na ito ay paghahambing sa dalawang bagay na magkaiba ang uri at ginagamitang ng mga salitang parang, ga-, tila, at iba pa

a)

Metapora

b)

Pagmamalabis (Hyperbole)

c)

Pagsasatao o Personipikasyon (Personification)

d)

Simili

44.

Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa sumusunod na mga talinghaga.

Pagpapahayag na lampas o sobra sa katotohanan upang bigyang- diin ang pahayag.

a)

Metapora

b)

Pagmamalanis (Hyperbole)

c)

Pagsasatao o Personipikasyon (Personification)

d)

Pagtawag (Apostrophe)

45.

Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa sumusunod na mga talinghaga.

Pagtawag sa isang bagay o tao na wala sa harap ng nagsasalita o hindi makaririnig sa sinasabi ng nagsasalita.

a)

Pagmamalabis (Hyperbole)

b)

Pagsasatao o Personipikasyon (Personification)

c)

Pagtawag (Apostrophe)

d)

Simli

46.

Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa sumusunod na mga talinghaga.

Ang aking ina ay ilaw ng aming tahanan.

a)

Metapora

b)

Pagsasatao o Personipikasyon (Personification)

c)

Pagtawag (Apostrophe)

d)

Simli

47.

Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa sumusunod na mga talinghaga.

Nagtago ang araw sa likod ng ulap.

a)

Metapora

b)

Pagsasatao o Personipikasyon (Personification)

c)

Pagtawag (Apostrophe)

d)

Simili

48.

Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa sumusunod na mga talinghaga.

Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.

a)

Metapora

b)

Pagmamalabis (Hyperbole)

c)

Pagsasatao o Personipikasyon (Personification)

d)

Pagtawag (Apostrophe)

49.

Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa sumusunod na mga talinghaga.

Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

a)

Metapora

b)

Pagsasatao o Personipikasyon (Personification)

c)

Pagtawag (Apostrophe)

d)

Simili

50.

Tukuyin ang mga tayutay na ginamit sa sumusunod na mga talinghaga.

Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.