wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test

Total questions: 40

Worksheet time: 49mins

Name
Class
Date
1.

1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pangkat ng mga tao na mayroong iisang layunin o tunguhin.

a)

a. barkada

b)

b. lipunan

c)

c.komunidad

d)

d. magkakapatid

2.

2. Alin sa mga sumusunod ang tunay na layunin ng lipunan?

a)

a. kapayapaan

b)

b. kabutihang panlahat

c)

c. katiwasayan

d)

d. kasaganahan

3.

3. Alin sa mga sumusunod ang tamang kahulugan ng kabutihang panlahat?

a)

a. kabutihan ng lahat ng tao

b)

b. kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan

c)

c. kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan

d)

d. kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapinito

4.

4. Alin sa mga sumusunod ang hadlang sa pagkakamit ng kabutihang panlahat?

a)

a. paggawa ng tao para sa pansariling mga hangarin

b)

b. pagbibigay ng tulong sa kapwang nahihirapan

c)

c. pagkakaroon ng ambag sa lipunan

d)

d. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa kaysa sa sariling kabutihan

5.

5. Alin sa mga sumusunod ang pagpapahalagang nagiging susi upang makamit ng lipunan ang kanyang tunay na layunin at tunguhin?

a)

a. pagmamahal

b)

b. pagkakapatiran

c)

c. pagtutulungan

d)

d. pagbibigayan

6.

6. Alin sa mga sumusunod ang kinakailangan upang makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat?

a)

a. sama-samang pagkilos ng lahat ng tao para sa iisanglayunin

b)

b. pagkilos ng iilan lamang para sa kabutihan ng nakararami

c)

c. pagsisikap na maabot ang personal na layunin sa buhay

d)

d. manatiling malayo at walang pakialam sa buhay ngiba

7.

7. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng tao?

a)

a. Pinahiram ni Laura ng aklat ang kaibigan ngunit hindi ang bagongkamag-aral.

b)

b. Nagalit si Zion sa maliit na kontribusyong ibinahagi ng kamag-aral para sa kanilang proyekto.

c)

c. Tahimik na nakinig si Lucas sa ideyang ibinabahagi ng kamag-aral kahit na ito ay taliwas o iba sa kanyang pagtingin at paniniwala.

d)

d. Itinago ni Susana sa mga kapatid ang ibinigay na regalong tsokolate ng kanyang ninong.

8.

8. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin ng isang kabataang katulad mo sa panahon ng pandemya upang mapanatli ang kaayusan sa pamayanang iyong kinabibilangan?

a)

a. Sumunod sa mga ipinapatupad na patakaran at pamantayan

b)

b. Gumawa ng paraan upang makalabas ng tahanan at makita ang nangyayari sa komunidad

c)

c. Makibalita kung sino-sino na ang nagkaroon ng sakit sa komunidad

d)

d. Manatili na lamang sa loob ng bahay at gamitin ang oras sa pagkain, pagtulogat paglilibang.

9.

9. Alin sa mga sumusunod ay nangangahulugan ng pangkat ng mga tao na mayroong iisang tunguhin o layunin, may ugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng pinagkasunduang sistema at patakaran.

a)

a. Paaralan

b)

b. Pamilya

c)

c. Komunidad

d)

d. Lipunan

10.

10. Alin sa mga sumusunod ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan,kapanatagan at kawalan ng kaguluhan ,nagkakaroon ng paggalang ang bawat indibidwal at umiiralang katarungan.

a)

a. Kapayapaan

b)

b. Kaunlaran

c)

c. Karapatan

d)

d. Kabutihan

11.

11. Si Aling Mila ay isang tindera. Nang magkaroon ng pandemya ,siya ay nagbenta ng mga face mask sa mababang halaga upang makabili ang lahat? Ano ang ipinapamalas niya?

a)

a. pagtulong sa kapwa

b)

b. pansariling interes

c)

c. pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat

d)

d. magkaroon ng mabilisang pera

12.

12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI elemento ng kabutihang panlahat?

a)

a. paggalang

b)

b. katarungan

c)

c. karunungan

d)

d. kapayapaan

13.

13. Ito ay galing sa salitang Latin na communis na nangangahulugang common o nagkakapareho.

a)

a. komunidad

b)

b. lipunan

c)

c.paaralan

d)

d. pamilya

14.

14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?

a)

a. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno

b)

b. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan

c)

c. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapwa mamamayan

d)

d. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan

15.

15. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?

a)

a. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan

b)

b.pagkakaroon ng kaalitan

c)

c.bayanihan at kapit-bahayan

d)

d. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

16.

16. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?

a)

a.pagsasapribado ng mga gasolinahan

b)

b.pagsingil ng buwis

c)

c. pagbibigay daan sa Public Bidding

d)

d.pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay

17.

17. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon,paraan ng pagpapasiya at mga hangarin ng isang pamayanan?

a)

a.kultura

b)

b.batas

c)

c. relihiyon

d)

d.organisayon

18.

18. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan.

a)

a.Batas

b)

b.Kabataan

c)

c. Mamamayan

d)

d.Pinuno

19.

19. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy kung tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila at hindi hahadlangan ang kanilang kalayaan upang mapaunlad ang kanilang sarili?

a)

a.Prinsipyo ng Pagkakaisa

b)

b.Prinsipyo ng Subsidiarity

c)

c.Prinsipyo ng Pagdadamayan

d)

d. Prinsipyo ng Kapayapaan

20.

20. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tungkulin ng mga mamamayan na magtulungan at ng pamahalaang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan.

a)

a.Prinsipyo ng Pagkakaisa

b)

b.Prinsipyo ng Subsidiarity

c)

c.Prinsipyo ng Pagdadamayan

d)

d. Prinsipyo ng Kapayapaan

21.

21. . Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunay na diwa ng pakikiisa?

a)

a. Pagpapalakas ng katawan upang di magkasakit

b)

b. Pakikisama sa mga gawain ng barkada

c)

c. Pag-aaral nang mabuti

d)

d. Pagbabahagi ng talento sa pagsayaw upang maging maganda nag presentasyon ng klase

22.

22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Prinsipyo ng Pagkakaisa?

a)

a. Pagtulong sa kapwa mamamayan na nahihirapan

b)

b. Sama-samang paglilinis ng kapaligiran sa barangay

c)

c. Paggalang sa namumuno sa barangay

d)

d. Pag bibigay ng payo sa kapwa mag-aaral

23.

23. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity sa loob ng tahanan?

a)

a. Paghingi ng tulong sa pamahalaan para sa pangangailangan ng pamilya

b)

b. Maagang paghahanapbuhay ng anak na panganay para sa pamilya

c)

c.Paggawa ng mga gawaing bahay upang makatulong sa mga magulang

d)

d. Pagpapasa ng mga takdang –gawain sa mga nakababatang kapatid

24.

25. . Si Mang Julian ang nahalal na punong-barangay sa kanilang lugar,dahil sa ipinamalas niyang kabutihan at pagiging matulungin.Bukod sa mga katangiang ito,ano pa kaya ang naging dahilan ng kanyang pagkapanalo na isa sa mga hinahanap sa isang namumuno?

a)

a. tiwala sa kakayahan

b)

b. mayaman

c)

c. may pinag-aralan

d)

d.kilala o sikat

25.

25 .Alin sa mga sumusunod ang nagpapatupad ng mga batas upang matiyak at mapanatili ang seguridad at kapayapaan na kailangan sa pagiging produktibo ng ating lipunan?

a)

a.Pamilya

b)

b.Pamahalaan

c)

c.Simbahan

d)

d.Paaralan

26.

26. Ano ang prinsipyong gagabay sa pamilya upang ang bahay ay magiging tahanan?

a)

A. Prinsipyo ng Proportio

b)

B. Prinsipyo ng Lipunang Pampulitika

c)

C. Prinsipyo ng Pagkakaisa

d)

D. Prinsipyo ng Lipunang Ekonomiya

27.

27. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?

a)

A. lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman

b)

B. lahat ay dapat mayroong pag-aari

c)

C. lahat ay iisa ang mithiiN

d)

D. Lahat ay likha ng Diyos

28.

28. Bakit mahalaga ang pagbabahagi ng yaman ng ating bansa?

a)

A. Malikha ng bawat isa ang sarili ayon sa kani-kaniyang mga tunguhin at kakayahan.

b)

B. Masiguro na ang bawat isa ay mabigyan ayon sa kaniyang mga pangangailangan.

c)

C. Maging pantay ang mga tao sa matatanggap na yaman at walang lamangan.

d)

D. Magkaroon ng patas na pag-unlad sa iba’t ibang lugar ng bansa.

29.

29. Sino ang nagsabi na, “bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan”?

a)

A. Dr. Manuel Dy

b)

B. Malala Yousafzai

c)

C. Martin Luther King

d)

D. Max Scheler

30.

30. Paano maipakikita ng pamahalaan ang tamang pamamahala sa yaman ng bansa?

a)

A. Pamamahala ng budget katulad sa isang mayamang pamilya

b)

B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman sa mga mamamayan nito

c)

C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kagustuhan ng Presidente lamang

d)

D. Pagsisiguro na ang bawat bahay ay nasusunod ang kani-kanilang mga kagustuhan

31.

31. Paano mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?

a)

A. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila

b)

B. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.

c)

C. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.

d)

D. Higit na isinasaalang-alang nito ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.

32.

32. Ano ang mabuting gawin ng mga tagapangasiwa ng Local Govenment Unit (LGU) upang malutas ang problema sa kakulangan ng tubig?

a)

A. Siguraduhing pantay ang rasyon ng tubig sa bawat barangay na nasasakupan.

b)

B. Ayusin ang sirang tubo kung nag-uumapaw na ang tubig nito sa kalsada.

c)

C. Siyasatin kung maayos ang mga koneksiyon ng tubo na daluyan ng tubig.

d)

D. Maghanap ng panibagong pagkukunan ng tubig ng mga sirang tubo.

33.

33. Mahalagang siguraduhin ng pamahalaan na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya. Ano ang dapat nitong gawin?

a)

A. Magbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.

b)

B. Pangungunahan ang pangangasiwa at pamamahagi ng patas sa yaman ng bayan.

c)

C. Sisikapin na bigyang trabaho ang bawat kasapi kahit hindi angkop sa kakayahan nito.

d)

D.Tutulungan ang mga manggagawa nito sa paghanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.

34.

34. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:?

a)

a. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan.

b)

b. pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan.

c)

c. pagtalakay ng mga suliraning panlipunan

d)

d. pagbibigay pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.

35.

35. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na?

a)

a. ang lahat ay magiging masunurin

b)

b. matutugunan ang pangangailangan ng lahat

c)

c. bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan

d)

d. walang magmamalabis sa lipunan

36.

36. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:

a)

a. Ibat iba tayo ng kakayahan.

b)

b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.

c)

c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa

d)

d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.

37.

37. Anu ang kahulugan ng mass media

a)

a. impormasyong hawak ng marami

b)

b. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon

c)

c. impormasyong nagpasalin-salin sa marami

d)

d. paghahatid ng maraming impormasyon

38.

38. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil?

a)

a. wala tayong ibang pagkukunan ng impormasyon

b)

b. nagpapasiya tayo ayon sa hawak nating impormasyon

c)

c. maari nating salungatin ang isisnasaad nitong impormasyon

d)

d. pinaglalagayan lamang ito ng impormasyon

39.

39. Ang sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa:

a)

a. kawalan ng pangmatagalang liderato

b)

b. pagsasalungat ng ibat ibang paninindigan

c)

c. kawalan ng kwalipikasyon ng mga kaanib

d)

d. panghihimasok ng estado

40.

40. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:

a)

a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa

b)

b. kalakarang kanamulatan natin sa ating mga magulang.

c)

c. kapangyarihang hawak ng lider ng relihiyon.

d)

d. Pagkakatantong hidi tayo nagiisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.