WorksheetsSecond Quarter Worksheet #4 Filipino sa Piling Larangan
Total questions: 25
Worksheet time: 11mins
Batay sa sariling damdamin, karanasan, at paniniwala.
Obhetibo
Opinyon
Katotohanan
Perspektiba
Bahagi ng tatlong pangunahing estruktura. Ito ang pinakatesis o pokus ng pag- aaral o paksa.
Manunulat
Katawan
Kongklusyon
Introduksiyon
Galing sa salitang Griyego na ethos na may kahulugang "Karakter".
Etika
Pagpapahalaga
Tekstong Akademiko
Plagiarism
Ang mga istandard o batayan- mga ideyal at gawi at institusyon na pinagbabatayan natin kung tama o mali ang ating mga desisyon.
Plagiarism
Pagpapahalaga
Tekstong Akademiko
Etika
Ito ang huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod, pagrebyu ng mga tinalakay, paghahawig, o kaya'y paghamon, pagmungkahi, o resolusyon.
Layunin
Introduksiyon
Katawan
Kongklusyon
ito ay dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag na inilalahad sa sariling pangungusap ang isang partikular o ispesipikong ideya o impormasyon sa isang artikulo o teksto.
Buod
Sintesis
hawig
presi
ito ang tinatawag na buod ng mga buod, na pinapaikli ang mga mahahalagang punto, pahayag, ideya o impormasyon.
buod
hawig
presi
sintesis
Alin sa sumusunod ang dapat taglayin ng isang akademikong sulatin?
Kailangang subhetibo ang pagkakalahad ng mga impormasyon.
Kailangan itong malahad nang pantay at sumusunod sa katotohanan.
Kailangang nakabatay ito sa punto ng manunulat.
Kailangang malawak ang pokus ng manunulat.
Alin sa sumusunod ang HINDI mga paraan sa pagsulat sa estilong akademiko?
maging sensitibo sa paggamit ng wika
paggamit ng angkop na lengguwahe para sa layunin at mambabasa
lumikha ng subhetibo at may tiwalang tinig sa sulatin
ito ay resulta ng integrasyon ng narinig o nabasa
Saan nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin?
datos
layunin
manunulat
paksa
Anong ang pangunahing sangkap sa pagbuo ng isang sulatin na magluluwal ng iba’t ibang ideya na magiging mensahe sa anumang isusulat?
pangungusap
retorika
salita
wika
Ito ay pagpapaikli sa isang babasahin, tulad ng mga kuwento, sanaysay at mga akdang tuluyan.
Pagbubuod
Paglalahad
Pagsasalaysay
Pagpapaliwanag
Ito ay tinatawag ding travel essay o travelogue.
Pictorial essay
Lakbay- sanay
Lakbay-sanaysay
Sining ng paglalakbay
Alin ang hindi kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay – sanaysay.
Maari itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
Maipapakita ang kagandahan ng isang lugar
Maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa malihaing pamamaraan.
Maitala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
Ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat na nasa
Ikalawang panauhan
ikatlong panauhan
unang panauhan
ikaapat na panauhan
Alin ang hindi kabilang sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay
Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.
Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.
Magtala ng mahahalagang detalye
Sumulat sa ikalawang panauhang punto de - bisita
Ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay isang pagkakataon upang maproseso ang karanasan at lalong makita ang naging kabuluhan nito sa buhay.
Tama
Mali
Ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa lugar, sarili, at pamilya.
Tama
Mali
Ang mga sumusunod ay mga paraan upang makapagsulat ng isang mahusay na lakbay-sanaysay maliban sa isa.
Pananaliksik tungkol sa lugar
Pagbabasa tungkol sa kasaysayan at kultura
Pagtungo sa mismong lugar
Pagmumuni-muni ukol sa lugar
Ang mga sumusunod ay dapat iwasan sa pagbuo ng lakbay-sanaysay maliban sa isa.
Maging natural sa pagsulat.
Magpasikat kung kinakailangan.
Iwasang magpatawa kung hindi nakatatawa ang tono ng sanaysay.
Iwasan ang mga salita o pariralang hindi naman ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na paliwanag ukol sa lakbay-sanaysay?
Ang lakbay-sanaysay ay isang pagkakataong makilala ang sarili.
Ang lakbay-sanaysay ay naratibo ng karanasan ukol sa lugar, sarili, at ibang tao.
Ang lakbay-sanaysay ay paglalarawan sa nakikita, naaamoy, nalalasahan, naririnig, at nararamdaman.
Ang lakbay-sanaysay ay pagbibigay ng impormasyon ukol sa karanasan.
Ang lakbay- sanaysay ay napakahirap din.
Sapagkat bilang manunulat kailangang maintindihang lubos ng isang manunulat ang mga paksa at ang mga damdamin ukol sa sinusulat nang hindi lang ng ilang araw
TAMA
MALI
Ito ay itinuturing na isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay.
agenda
lakbay-sanaysay
replektibong-sanaysay
pictorial essay
Kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat na naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.
abstrak
panimula
buod
resulta
Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula parabula, at iba pang anyo ng panitikan.
Sintesis/Buod
Talumpati
Bionote
Abstrak
