wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEW (FILIPINO 5)

Total questions: 52

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

___________ ang mga palayan dahil sa nagdaang mataas na pagbaha.

a)

Lulubog

b)

Lumulubog

c)

Lumubog

d)

Ilubog

2.

___________ ang mga tao ng magandang panahon sa susunod na araw. Nanalangin sila na bumuti na ang lagay ng panahon.

a)

Umasa

b)

Aasa

c)

Umaasa

d)

Aasahan

3.

Alin ang pandiwang nasa aspektong perpektibo?

a)

naghakot

b)

sinasabihan

c)

babatiin

d)

iniisip

4.

Alin ang tumutukoy sa aspektong tapos nang gawin?

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Pawatas

5.

________________________ako nang mabuti mamayang gabi para sa pagsusulit.

a)

Nag-aral

b)

Nag-aaral

c)

Mag-aaral

6.

Alin sa mga sumusunod ang angkop na pandiwa na bubuo sa diwa ng pangungusap?


Si Daffodil ay _______________ ng sahig.

a)

naglalaba

b)

nagwawalis

c)

naliligo

7.

Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may guhit sa pangungusap.


Kakain pa ba kayo ng keyk?

a)

perpektibo

b)

imperpektibo

c)

kontemplatibo

d)

katatapos

8.

Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may guhit sa pangungusap.


Hiniram ni Jovelyn ang aklat ko sa Filipino.

a)

perpektibo

b)

imperpektibo

c)

kontemplatibo

d)

katatapos

9.

Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may guhit sa pangungusap.


Kabibihis ko lang, basa na agad ako ng pawis.

a)

perpektibo

b)

imperpektibo

c)

kontemplatibo

d)

katatapos

10.

Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may guhit sa pangungusap.


Masayang nagkukuwentuhan sa parke ang magkakaibigan.

a)

perpektibo

b)

imperpektibo

c)

kontemplatibo

d)

katatapos

11.

Balitang kaugnay sa larangan ng isports.

a)

Balitang Pangkapaligiran

b)

Balitang Panlibangan

c)

Balitang Pampalakasan

12.

Balitang may kinalaman sa pamahalaan.

a)

Balitang Pampolitika

b)

Balitang Pang-edukasyon

c)

Balitang Pangkabuhayan

13.

Uri ng balita kung saan tumatalakay sa bagong estratehiya ng pagtuturo kaugnay sa paggamit ng modyul sa mga pampublikong paaralan.

a)

Balitang Pang-edukasyon

b)

Balitang Pangkabuhayan

c)

Balitang Pangkalusugan

14.

Pinapaksa nito ang mg kumikitang negosyo sa bansa.

a)

Balitang Panlibangan

b)

Balitang Pangkabuhayan

c)

Balitang Pampalakasan

15.

Ano ang gabay na estratehiya sa pagbabasa ng balita?

a)

Pamagat, Akda at Kabuoan

b)

Awtor, Araw at Pamagat

c)

Pamagat, Problema at Lugar

16.

Tumatalakay naman ito sa kalamidad na nangyari o mangyayari sa isang lugar.

a)

Balitang Pangkapaligiran

b)

Balitang Panlibangan

c)

Balitang Pampalakasan

17.

Tumatalakay sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

a)

Balitang Pangkalusugan

b)

Balitang Panlibangan

c)

Balitang Pampalakasan

18.

May bagong pelikula na pagbibidahan si Vice Ganda.

a)

Balitang Pangkapaligiran

b)

Balitang Panlibangan

c)

Balitang Pampalakasan

19.

Tukuyin ang uri ng pandiwa na may guhit sa pangungusap.


Nagluto ng sinigang na hipon si Ate Lara.

a)

palipat

b)

katawanin

20.

Tukuyin ang uri ng padiwa na may guhit sa pangungusap.


Ang dalaga ay nagbabasa ng magasin.

a)

palipat

b)

katawanin

21.

Tukuyin ang uri ng pandiwa na may guhit sa pangungusap.


Mablis na nagtakbuhan ang mga magnanakaw.

a)

palipat

b)

katawanin

22.

Tukuyin ang uri ng pandiwa na may guhit sa pangungusap.


Naglalaro ng bahay-bahayan ang magpipinsan.

a)

palipat

b)

katawanin

23.

Tukuyin ang uri ng pandiwa na may guhit sa pangungusap.


Masiglang pumasok sa trabaho si Tatay Nick.

a)

palipat

b)

katawanin

24.

Tukuyin ang uri ng pandiwa na may guhit sa pangungusap.


Bibili ako ng regalo para kay Zumurito.

a)

palipat

b)

katawanin

25.

Tukuyin ang uri ng pandiwa na may guhit sa pangungusap.


Si Deborah ay laging maagang pumapasok sa paaralan.

a)

palipat

b)

katawanin

26.

Tukuyin ang uri ng pandiwa na may guhit sa pangungusap.


Naggupit ng kuko si Edgardo kagabi.

a)

palipat

b)

katawanin

27.

Bumili ng pandesal si Totoy mula sa tindahan sa kanto.

a)

pandiwang palipat (transitive verb)

b)

pandiwang katawanin (intransitive verb)

28.

Ang presyo ng gasolina ay bababa nang bahagya.

a)

pandiwang palipat (transitive verb)

b)

pandiwang katawanin (intransitive verb)

29.

Si Juanito ay nagbiyahe patungong Cavite.

a)

pandiwang palipat (transitive verb)

b)

pandiwang katawanin (intransitive verb)

30.

Naghuhugas ng mga pinggan at kubyertos si Ate Mila.

a)

pandiwang palipat (transitive verb)

b)

pandiwang katawanin (intransitive verb)

31.

Si Anna ay hindi pumasok sa kase. Ano ang pokus ng pandiwa?

a)

pumasok

b)

Anna

c)

tagaganap o aktor

d)

layon o gol

32.

Masayang nakipaghiwalay si Mario sa kanyang kasintahan. Ano ang pokus ng pandiwa?

a)

nakipaghiwalay

b)

Mario

c)

tagaganap o aktor

d)

layon o gol

33.

Ang cellphone ay binato ni Olaf kay Elsa. Ano ang pokus ng pandiwa?

a)

binato

b)

cellphone

c)

tagaganap o aktor

d)

layon o gol

34.

Nagsinungaling si Mario sa kanyang mga kaibigan para makita ang kasintahan. Ano ang pandiwa?

a)

nagsinungaling

b)

Mario

c)

tagaganap o aktor

d)

layon o gol

35.

Si Miguel ay nagpadala ng mensahe sa kanilang guro na hindi siya makakapasok. Ano ang simuno sa pangungusap?

a)

nagpadala

b)

Miguel

c)

tagaganap o aktor

d)

layon o gol

36.

Muling nakausap ni Miguel ang kanyang dating kasintahan. Ano ang pandiwa sa pangungusap?

a)

Miguel

b)

dating kasintahan

c)

nakausap

d)

tagaganap o aktor

37.

Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson. Ang paksa ng pangungusap ay_________.

a)

sikreto

b)

Samson

c)

nais

d)

malaman

38.

Tukuyin ng paghingi ng pakiusap kung ito ay tama o mali. "Huwag mo naman pakialaman ang mga gamit ko" *

a)

TAMA

b)

MALI

39.

Tukuyin ng paghingi ng pakiusap kung ito ay tama o mali. "Puwede bang makahingi ng tubig?" *

a)

TAMA

b)

MALI

40.

Ako ay nagpapasalamat kay Mama sa kanyang mga turo sa akin.

a)

Aktor

b)

Gol

c)

Lokatib

41.

Ang Pilipinas ay ipanagtatanggol ng kabataan sa internet.

a)

Lokatib

b)

Gol

c)

Aktor

42.

Pinaglalagyan ng reaksiyon ng kabataan ang internet.

a)

Lokatib

b)

Gol

c)

Benepaktib

43.

Nagpunta si nanay sa palengke, napansin niyang ang mga tao ay malayo ang pagitan sa isa't isa habang namimili. Aling paalala ang nabasa ng mga tao ?

a)

Manatili sa kanan.

b)

Panatilihin ang social distancing.

c)

Manatili sa kaliwa.

d)

Bawal mag-ingay.

44.

Aling babala ang nabasa ni kuya nang itago niya ang kanyang cellphone bago magmaneho?

a)

Bawal manigarilyo.

b)

Bawal lumiko.

c)

Bawal pumarada.

d)

Bawal mag text habang nagmamaneho.

45.

Aling babala ang nabasa ni Ate nang isuot niya ang kanyang face mask sa labas ng bahay ?

a)

Magsuot ng seatbelt kapag nagmamaneho.

b)

Magsuot ng helmet kapag sumakay ng motorsiklo.

c)

Bawal gumamit ng cellphone kung nagmamaneho.

d)

Magsuot ng face mask kapag lumalabas ng bahay.

46.

Aling paalala ang mababasa mo sa silid-aklatan?

a)

Panatilihin ang katahimikan.

b)

Dito ang tamang tawiran.

c)

Bawal pumitas ng bulaklak.

d)

Dito ang tamang labasan.

47.

Alin sa sumusunod na paalala ang dapat basahin/sundin ng mga batang nagtatapon ng papel sa paligid?

a)

Bawal magkalat ng kahit anong basura sa paligid

b)

Bawal bumusina rito.

c)

Sakayan at babaan lamang.

d)

Magsuot ng helmet.

48.

Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang anekdota?

a)

May isang paksang tinatalakay.

b)

Makakapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.

c)

Nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa.

d)

Mahabang salaysay na naglalaman ng kawing kawing na pangyayari.

49.

Uri ng anekdota kung saan tumutukoy ito sa kanyang sariling karanasan.

a)

Pansariling Anekdota

b)

Pang-ibang Anekdota

50.

Ilarawan ang tagpuan ng isasalaysay na pangyayari. Simulan ang Kuwento na malinaw sa mambabasa kung anong uri ito ng anekdota

a)

Panimula

b)

Wakas

c)

Katawan ng Kuwento

51.

Mag-isip ng nakahihikayat na pamagat.

a)

Pamagat ng Anekdota

b)

Katawan

c)

Wakas

52.

Isalaysay kung ano ang natutuhan sa karanasan.

a)

Wakas

b)

Panimula

c)

Katawan ng Kuwento