wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAUNANG PAGSUSULIT

Total questions: 50

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang pangngalan sa pangungusap? Malayo na ang narating ni Pagong sa paglalakad.

a)

Malayo

b)

narating

c)

Pagong

d)

paglalakad

2.

Ano ang angkop na sawikain para sa pahayag na ito?

“Nagsinungaling ang bunsong anak ni Elena.”

a)

Itaga sa bato

b)

Nagbibilang ng poste

c)

Naglulubid ng buhangin

d)

Pantay na ang mga paa

3.

Tukuyin ang uri ng panghalip na ginamit.

Hayan sa tabi mo ang kanilang bola.

a)

panao

b)

pananong

c)

panaklaw

d)

pamatlig

4.

Tukuyin ang uri ng panghalip na ginamit.

Nananawagan kami na itigil na ang labanan.

a)

panao

b)

pananong

c)

panaklaw

d)

pamatlig

5.

Aling pangungusap ang may panghalip pamatlig?

a)

Ako ang napiling lider sa grupo namin.

b)

Sila ay namili ng mga gulay sa palengke.

c)

Hindi kita kalilimutan saanman ako pumunta.

d)

Dito sa ampunan namalagi ang mga batang ulila

6.

Aling panghalip ang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap?

_____ ko ba dapat ibigay ang regalong ito?

a)

Saan

b)

Sino

c)

Kanino

d)

Alin

7.

Nawalan sila ng bahay dahil sa bagyo. Paano mo mailalarawan ang kanilang dinaranas ngayon?

a)

masaya

b)

nakaaaliw

c)

nakamamangha

d)

kaawa-awa

8.

Ano ang katangian ng taong matagumpay sa buhay?

a)

matiyaga

b)

matapobre

c)

palalo

d)

malungkutin

9.

Tukuyin ang uri ng pang-uring ginamit sa pangungusap.

Ang niluto kong ulam ay malinamnam.

a)

panlarawan

b)

pantangi

c)

pamilang

d)

patakaran

10.

Anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap?

Masipag na bata si Ronald lalong-lalo na sa kanyang pag-aaral.

a)

lantay

b)

pahambing na pasahol

c)

pahambing na patulad

d)

pasukdol

11.

Aling pangungusap ang gumagamit ng lantay na antas ng pang-uri?

a)

Ubod ng bait ang aming guro.

b)

Mabait ang aming prinsipal.

c)

Higit na mabait ang prinsipal kaysa sa aming guro.

d)

Napakabait ng aming guro.

12.

Punan ng angkop na panlapi ang salitang bigay ayon sa kahulugan nitong nasira o gumuho.

a)

nagbigay

b)

bigayan

c)

bumigay

d)

binigay

13.

Tukuyin ang panlaping angkop sa salitang-ugat upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Si Kuya ay bigay ng tubig dahil nauuhaw siya.

a)

bumigay

b)

nagbigay

c)

binigyan

d)

nagbigayan

14.

Alin sa mga salita ang may kayariang maylapi?

a)

kabaitan

b)

hirap

c)

kalunos-lunos

d)

bahaghari

15.

Alin ang pandiwa sa pangungusap?

Ang buong tropa ay naghiyawan sa loob ng klasrum.

a)

buong

b)

tropa

c)

naghiyawan

d)

klasrum

16.

Tukuyin ang pandiwang angkop sa pangungusap.

Ang mag-ina ay _____ na sa Sabado.

a)

dumating

b)

dumarating

c)

darating

d)

magdarating

17.

Tukuyin ang aspekto ng pandiwa sa pangungusap.

Noong Linggo pa nag-ensayo ang mga mananayaw.

a)

perpektibo

b)

imperpektibo

c)

kontemplatibo

d)

pawatas

18.

Tukuyin ang pangungusap na may pandiwang palipat.

a)

Nagtawanan ang magkapatid.

b)

Magandang umaga po.

c)

Kinuha ni Mark ang mga pagkain sa mesa.

d)

Si Elena ay umiiyak ngayon.

19.

Alin ang pandiwang katawanin sa pangungusap?

Nagtago si Noel dahil hinahanap siya ng naguguluhan niyang kaibigan.

a)

nagtago

b)

hinahanap

c)

naguguluhan

d)

kaibigan

20.

Aling pangungusap ang may pandiwang naiiba ang tinig?

a)

Ang aso ay tumatahol.

b)

Naligo sa dagat ang aking kaibigan.

c)

Ang mangga ay binalatan ng aming katulong.

d)

Ang buong pamilya ay namasyal sa plasa.

21.

Tukuyin ang pokus ng pandiwang ginamit sa pangungusap.

Pinaglutuan ng kanin ang kalderong bagong bili.

a)

tagaganap

b)

ganapan

c)

layon

d)

gamit

22.

Ano ang pokus ng pandiwang nasalungguhitan sa pangungusap?

Ang aming silid-aralan ang pinagmitingan nila.

a)

tagaganap

b)

ganapan

c)

layon

d)

gamit

23.

Piliin ang pang-abay sa pangungusap.

Mabilis kumilos ang kaibigan kong payat.

a)

Mabilis

b)

kumilos

c)

kaibigan

d)

payat

24.

Tukuyin ang uri ng pang-abay na ginamit sa pangungusap.

Talagang maawain ang mga magulang ko sa mga mahihirap.

a)

panlunan

b)

pamaraan

c)

panang-ayon

d)

pang-agam

25.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pang-abay?

a)

Ang aking kapatid ay masayahin.

b)

Masayang umaawit ang aking kapatid.

c)

Naglalakad ang mga batang gusgusin.

d)

Sumasayaw sa programa ang aking kaklase.

26.

Alin sa mga sumusunod ang may pang-abay na pananggi?

a)

Totoong masayahin ang ate ko.

b)

Matigil na sana ang kaguluhan.

c)

Ayaw lumuwas ni Jonas sa Maynila.

d)

Baka isang linggo siyang magbabakasyon.

27.

Pag-aralan ang grap at sagutin ang tanong.


Anong juice ang pinakapaborito ng mga mag-aaral?

a)

red

b)

orange

c)

yellow

d)

purple

28.

Pag-aralan ang grap at sagutin ang tanong.

Ano ang pamagat ng grap?

a)

Juices

b)

Number of Students

c)

Favorite Juices

d)

Students’ Favorite Juices

29.

Pag-aralan ang grap at sagutin ang tanong.

Ilang mag-aaral ang may gusto ng purple juice?

a)

2

b)

4

c)

6

d)

8

30.

Piliin ang pang-angkop para sa pangungusap.

Ang bata __ mabait ay talagang kinagigiliwan.

a)

na

b)

–ng

c)

–g

d)

nang

31.

Piliin ang angkop na pang-ukol na bubuo sa pangungusap.

Ang pinag-uusapan namin ay ___ pagputok ng Bulkang Mayon.

a)

alinsunod sa

b)

laban sa

c)

tungkol sa

d)

para sa

32.

Piliin ang angkop na pangatnig na bubuo sa pangungusap.

Maging katulad ___ ni Pangulong Duterte ang iba pang mga lider.

a)

sapagkat

b)

palibhasa

c)

kahit

d)

sana

33.

Piliin ang sugnay na di-makapag-iisa.

a)

Kung malakas ang ulan bukas

b)

Suportahan natin ang ating pamahalaan

c)

Maraming mga bata ang naglalaro

d)

Bukas na ako papasa ng proyekto

34.

Alin sa pangungusap ang sugnay na makapag-iisa?

Si Inay ay masarap magluto dahil inspirado siya sa bawat ginagawa niya.

a)

Si Inay

b)

Si Inay ay masarap magluto

c)

Dahil inspirado siya

d)

Sa bawat ginagawa niya

35.

Ayusin ang mga salita upang makabuo ng sugnay na makapag-iisa.

natin masustansiyang kailangan ng pagkain

a)

pagkaing masustansiya

b)

kailangan natin ng pagkain masustansiya

c)

pagkain natin ay masustansiya

d)

kailangan natin ng masustansiyang pagkain

36.

Piliin ang parirala.

a)

Huwag kalimutang

b)

Habang natutulog pa

c)

Dahil mabuti iyon

d)

Kapag nagtutulungan

37.

Tukuyin ang buong simuno sa pangungusap.

Ang kaibigan kong si Mark ay madalas pumunta sa Manila.

a)

Ang kaibigan

b)

ay madalas

c)

Ang kaibigan kong si Mark

d)

ay madalas pumunta sa Manila

38.

Piliin ang bahagi ng pahayagang iyong gagamitin.

Nais mong malaman ang pinakamahalagang pangyayari sa bansa.

a)

pang-unang pahina

b)

editoryal

c)

balitang isports

d)

Anunsiyo Klasipikado

39.

Piliin ang katotohanan.

a)

Maraming nagkakasakit kapag umuulan.

b)

Mataas ang grado kapag nagbabasa.

c)

Malinis ang kapaligiran ng paaralan.

d)

Ang Mindanao ay nasa Pilipinas

40.

Piliin ang pangungusap na gumagamit ng salitang tambalang di-ganap.

a)

Siya ay anak-pawis.

b)

Napakagandang pagmasdan ang bahaghari.

c)

Makati ang bungang-araw.

d)

Nagbabasa ako sa silid-aklatan.

41.

Piliin ang pangungusap na MALI ang pagkagamit ng salitang tambalang ganap.

a)

Iisa ang kulay ng bahaghari.

b)

Muli silang nagkita ng batang anak-araw.

c)

Anak-dalita ang aking kaibigan.

d)

Ayoko ng taong asong-gala.

42.

Piliin ang bigkas ng salitang nasalungguhitan sa pangungusap.

Lumala ang kanyang paso sa kamay.

a)

malumay

b)

malumi

c)

mabilis

d)

maragsa

43.

Tukuyin ang sanhi sa pangungusap.

Madalas siyang lumiban sa klase kaya mababa ang kanyang marka.

a)

Madalas siyang lumiban

b)

Madalas siyang lumiban sa klase

c)

Kaya mababa ang kanyang marka

d)

Mababa

44.

Alin ang may tamang ayos ng mga salita ayon sa antas o tindi ng damdaming ipinahayag?

a)

poot, galit, yamot, hinanakit, inis

b)

hinanakit, yamot, inis, galit, poot

c)

hinanakit, poot, galit, yamot, inis

d)

yamot, inis, galit, hinanakit, poot

45.

Ano ang pinakamahalagang gawin upang makasunod sa panuto?

a)

Makinig sa nagsasalita

b)

Ilista ang lahat ng sinasabi ng guro

c)

Magtanong nang magtanong sa gagawin

d)

Magsalita habang nagbibigay ng panuto ang guro

46.

Alin sa mga salita ang maaaring maiuugnay sa salitang paraiso?

a)

magulo

b)

maingay

c)

marumi

d)

mapayapa

47.

Si Archie ay nagsunog ng kilay gabi-gabi dahil malapit na ang pagsusulit.

Ano ang ibig sabihin ng nasalungguhitan?

a)

Sinusunog niya ang kilay

b)

Nag-aaral nang mabuti

c)

Pinuputol ang kilay niya

d)

Natutulog nang maaga

48.

Tukuyin ang pangungusap na pinag-ugnay ng sanhi at bunga.

a)

Maagang gumising ang mag-anak kaninang madaling-araw.

b)

Nakita ni Ka Basty ang sirang bakuran kaya inayos niya ito.

c)

Nagtanim sa burol ang ibang magsasaka sa aming lugar.

d)

Makapangyarihan ang pinuno sa aming pamayanan.

49.

Suriin ang mga pangyayari sa kuwento at piliin ang wastong pagkakasunod-sunod nito.

1. Dito sa paaralan ay nalinang niya ang kanyang talento sa pagguhit at kasanayan sa aritmetika.

2. Nagtagumpay siya dahil siya ang nagkamit ng unang gantimpala sa paguhit at pangatlong gantimpala naman sa aritmetika.

3. Maglalabindalawang taon na si Mina Maya nang magsimulang tumira siya sa kanyang tiyo.

4. Pinapag-aral siya ng kanyang Tiyo Uwak sa Liceo de Manila.

5. Kaya naisipan niyang sumali sa paligsahan sa pagguhit at aritmetika.

a)

12345

b)

24153

c)

34152

d)

31425

50.

Basahin ang talata at sagutin ang tanong sa ibaba.

Namasyal sa SM Mall si Maricris. Habang umiikot siya sa lugar may lalaking humahabol sa kanya. Iniabot nito ang payong sa kanya na naiwan pala niya sa kinauupuan kanina habang nagpapahinga siya. Nakalimutan niya itong bitbitin.


Si Maricris ay makalimutin dahil

a)

hindi niya alam ang mga pupuntahan sa mall.

b)

nakalimutan niyang bitbitin ang payong.

c)

nawala niya ang bitbit niyang payong.

d)

hindi niya matandaan ang dala niya.