wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa ESP 6

Total questions: 25

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.

Si Mang Kiko ay nagtatrabaho bilang isang mekaniko sa isang talyer. Alam niyang mali ang pagsahod sa kanila ng kanilang amo at hindi ito makatarungan sa hirap na kanilang dinaranas. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Hikayatin ang ibang mga kasamahan na magrally tungkol sa pasahod.

b)

Hindi na dapat pumasok kahit walang paalam sa amo

c)

Kausapin nang maayos ang amo na pinagtatrabahuan at ihayag ang mga hinaing tungkol sa pasahod at kung hindi magasundo ay magpapaalam nang maayos dito

2.

Pinangkat kayo ng inyong guro sa lima. Walang tumanggap sa kaklase mong maitim, kulot at pango ang ilong. Ano ang gagawin mo?

a)

Hihikayatin kong sa aming pangkat na lamang siya sumali.

b)

Kunwari ay di ko siya napansin

c)

Hindi ko din siya tatanggapin sa aming pangkat

3.

Nakita mong di maayos ang suot na damit ng iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?

a)

Lalaitin ko ang kanyang suot.

b)

Pagtatawanan ko ang suot niyang damit.

c)

Tatahimik lamang ako at hindi magsasalita ng anumang masakit na salta sa aking kaklase.

4.

Kilalang negosyante si Manny Reyes. Naranasan niyang lumagapak ngunit pinilit na bumangon. Anong katangian ang kanyang taglay?

a)

Matiyaga

b)

Matapat

c)

Magalang

d)

Masipag

5.

Sikat na host si Toni Gonzaga sa Pilipinas at kahit siya ay sikat na gumagamit pa rin siya ng mga salitang po at opo sa mga taong higit na nakatatanda sa kanya. Anong taglay na katangian niya?

a)

Matiyaga

b)

Matapat

c)

Magalang

d)

Masipag

6.

Nakita mong masayang nagkukuwentuhan ang mga bata habang sila ay kumakain. Paalis na sila ngunit iniwan lang nila ang kanilang pinagkainan sa mesa. Anong dapat mong gawin?

a)

Tatawagin ko sila at sasabihan na itapon sa tamang lalagyan ang mga pinagkainan.

b)

Susugruin ko sila at ipapadampot ang kanilang mga pinagkainan at ipatatapon sa basurahan.

c)

Ako na lamang ang magtatapon ng kanilang pinagkainan sapagkat ako ang mas nakatatanda

d)

Pupulutin ko ang mga kalat nila at ilalagay ko ito sa kani-kanilang bag

7.

Pauwi na ang mga batang iskawt mula sa camping site. Gumawa sila ng bonfire. Ano ang dapat nilang gawin bago umalis?

a)

Pabayaan na lang dahil mamamatay rin naman ito ng kusa

b)

Ikalat ito upang mamatay.

c)

Patayin ang apoy sa pamamagtan ng pagbubuhos ng tubig.

8.

Dahil lamang sa maliit na puhunan naging matagumpay ang kaibigan ni Marina sa negosyong damitan. Tuwang-tuwa si Marina sa pag-asenso ng kanyang kaibigan at nais niyang maging kagaya nito baling araw. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Mainggit sa kaibigan at kompetensyahin ito.

b)

Maging masipag, matiyaga, maabilidad sa pagsisimula ng negosyo.

c)

Pangarapin na lamang ang pagakakaroon ng negosyo

d)

Lahat ng nabanggit.

9.

Kilalang-kilala na sa bansa si Vhong Vero, ang mananayaw na iniidolo ni Greg. Nais niyang maging magaling na mananayaw gaya ng kanyang idolo. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Makibarkada, at matutong uminom at manigarilyo upang maging astig.

b)

Kumain ng masustansiyang pagkain, at mag-ensayo ng pagsasayaw tuwing libreng oras.

c)

Huwag nang pumasok sa paaralan at mag-ensayo araw-araw ng pagsasayaw

d)

Lahat na nabanggit

10.

Nais ni Coco, ang lider ng grupo, na sila ang manalo sa larong basketball sa darating na piyesta. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Magkita-kita na lamang sila sa araw ng piyesta

b)

Hikayating uminom ng alak ang mga kasamahan upang lumakas ang loob

c)

Maglaan ng oras sa pag-eensayo at pagpayuhan ang bawat kasapi na husayan ang laro

d)

wala sa nabanggit

11.

Bagong lipat ang pamilya Suarez sa Barangay Mapayapa. Maraming gawain ang kailangan nilang gawin. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Pagtulungan ang mga mahihirap na gawain at gawin ng kusa ang madadaling gawain

b)

Iasa na lamang sa mga magulang ang lahat na gawain

c)

Kumuha ng isang taong maaaring maglinis at mag-ayos ng kanilang bahay at babayaran na lamang ito

d)

wala sa nabanggit

12.

May takdang aralin kang iuulat sa klase. Nakalimutan mong bumili ng manila paper.

a)

Bibili na lang ako ng manila paper sa kantina.

b)

Manghihingi ako sa aking kamag-aral

c)

Gagamitin ko ang mga lumang manila paper na maari pang sulatan

d)

Wala sa nabanggit

13.

Nalukot ng bunso mong kapatid ang limang pahinang ulat na ipapasa mo sa iyong guro. Wala ka ng panahon upang ulitin ito.

a)

iiyak na lang ako sa guro habang kasama ko ang aking bunsong kapatid na mgpaliwanag sa kanya

b)

sasabihin sa guro ang sitwasyong nangyari at gagawa na lang ulit

c)

susuntukin ko ang aking bunsong kapatid

d)

Wala sa nabanggit

14.

Nasira ang rubber shoes mo. Wala kang magagamit para sa klase mo sa PE

a)

iiyak ako para maawa ang guro ko

b)

kukunin ko ang sapatos ng kamag-aral ko

c)

manghihiram muna ako sa aking kapatid o kaibigan

d)

wala sa nabanggit

15.

Umiiyak ang bunso mong kapatid dahil nahulog sa kabilang bakod ang kanyang laruan

a)

pagagalitan ang kapatid

b)

magpapaalam sa kapitbahay at kukunin ang laruan

c)

iiyak ka na lang din ako

d)

wala sa nabanggit

16.

Nakita mong walang baon ang katabi mo,gutom na gutom na sya

a)

Hahayaan siyang tingnan akong kumain

b)

Babahaginan ko sya ng aking pagkain

c)

Tatapunan ko sya ng pagkain ko

d)

wala sa nabanggit

17.

Namamalimos sa kalsada ang isang kaklse mo kaya di siya nakapasok nung araw na iyon. Wla silang pambili ng gamot ng kanyang ina.

a)

Sasamahan ko syang mamalimos

b)

Sasamahan ko syang mamalimos

c)

Ipagbibigay alam ko sa aming guro ang kanyang kalagayan

18.

Nasa loob kayo ng kapilya ng mapansin mo ang kaibigan mong pumasok na maiksi ang suot at nag cecelphone lamang.

a)

Kakausapin ko sya at pagsasabihan

b)

Makikipanood din ako sa celpon niya

c)

ipagsasabi ko sa iba ang suot niya ay maiksi

d)

wala sa nabanggit

19.

Niregaluhan ka ng iyong nanay ng laruang babasagin, sa hindi sinsadyang pangyayari nabitawan mo ito at nabasag

a)

hihingi ulit ng bagong regalo

b)

pababayaan ang nabasag na laruan para Makita ng nanay

c)

ihihingi ng paumanhin sa nanay ang nangyari

d)

magagalit ka na lang dahil nabasag ang regalo

20.

Humihingi ng tulong ang mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Mayon sa Albay

a)

magdadala ako ng mga damit na punit punit at marurumi

b)

magdadala ako ng mga de lata at pagkain na malapit nang maexpired

c)

Maghahanda ako ng mga damit na hindi ko na ginagamit na maaari pang isuot

d)

wala kang maitutulong dahil wala kang pakialam sa mga nasalanta

21.

Iniwanan kayo ng gawain ng inyong guro. Inihabiin kayo sa pangulo ng inyong klase

a)

Makikipag-usap sa katabi

b)

Sisigawan ang pangulo ng klase upang ikaw ang maging lider

c)

Susundin ang ipinagagawa ng guro

d)

wala sa nabanggit

22.

Si Anita ay nagdarasal araw-araw. Nagbabasa siya ng salita ng Diyos at ibinbahagi niya ito sa kapuwa. Inaalam din niya ang mga gawi upang higit pang makilala ang Panginoon at ang tamang pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Anong katangin mayroon si Anita?

a)

pakikihalubilo sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala

b)

inaalam ang mga ritwal na ginagawa ng iyong kinabibilangang relihiyon

c)

nag-iisip ng paraan paano mapauunlad ang pananampalataya

d)

nakikilahok sa mga gawaing simbahan

23.

Miyembro ng choir ng simbahan si Benny. Siya din ay katuwang ng pari sa pag-aayos ng mga kailangan sa mga gagawing pagdiriwang ng simbahan. Masaya niyang ginagawa ang mga ito ng walang kapalit. Anong katangin mayroon si Benny?

a)

pakikihalubilo sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala

b)

inaalam ang mga ritwal na ginagawa ng iyong kinabibilangang relihiyon

c)

nag-iisip ng paraan paano mapauunlad ang pananampalataya

d)

nakikilahok sa mga gawaing simbahan

24.

Si Roy isang Katoliko, may kaibigan siyang Muslim na si Jamaimah. Madalas silang maglaro at mag kwentuhan ng mga may kaugnayan sa Diyos kahit na sila ay magkaiba ng paniniwala. Anong katangin mayroon si Roy?

a)

pakikihalubilo sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala

b)

inaalam ang mga ritwal na ginagawa ng iyong kinabibilangang relihiyon

c)

nag-iisip ng paraan paano mapauunlad ang pananampalataya

d)

nakikilahok sa mga gawaing simbahan

25.

Iginagalang ni Marga ang opinion ng kaniyang kamag-aral tungkol sa paniniwala nito. Anong katangin mayroon si Margaux?

a)

pakikihalubilo sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala

b)

inaalam ang mga ritwal na ginagawa ng iyong kinabibilangang relihiyon

c)

nag-iisip ng paraan paano mapauunlad ang pananampalataya

d)

nakikilahok sa mga gawaing simbahan