wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kabihasnang Griyego

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

1. Ang Greece ay isang tangway (peninsula) na matatagpuan sa ______________________ ng Europe.

a)

hilaga

b)

kanluran

c)

timog-silangan

d)

timog

2.

2. Ang Greece ay isang tangway o bansa na ang kalahati ng lupain ay nakausli sa dagat. Ang mga sumusunod ay kanilang mga kabuhayan maliban sa ____________

a)

pagtatanim

b)

pangingisda

c)

pakikipagkalakalan

d)

pagtotroso

3.

3. Tinawag ng mga Griyego ang kanilang sarili na Hellenes at ang bansa nila na Hellas. Ano ang tawag sa kabihasnang nabuo nila?

a)

Heleniko

b)

Griyego

c)

Hellas

d)

Armenian

4.

4. Dahil sa heograpiya ng Greece na watak-watak na mga pulo, ang mga tao dito ay nakabuo ng maliliit na malayang lungsod-estado. Ano ang tawag sa mga lungsod na ito?

a)

siyudad

b)

poblacion

c)

agora

d)

polis

5.

5. Ano ang tawag sa mataas na lungsod sa Athens na kung saan itinayo nila ang kanilang mga templo at mga opisina?

a)

Delos

b)

Acropolis

c)

Miletus

d)

Ionia

6.

6. Dalawang polis o lungsod-estado ang naging tanyag sa pagsisimula ng kasaysayan ng Greece. Aling polis ang nagpakilala sa atin ng konsepto ng Demokrasya?

a)

Achaea

b)

Thermopylae

c)

Thessaly

d)

Athens

7.

7. Pinairal sa Greece ang parusang Ostacismo o ang pagpapalayas sa isang Griyego sa Athens sa loob ng 10 taon dahil sa hindi ito kanais-nais na mamamayan. Sinong estadista ang nagpairal nito?

a)

Cleisthenes

b)

Pisistratus

c)

Herodotus

d)

Draco

8.

8. Narating ng Athens ang mataas na antas ng pagiging polis at kinakitaan ng pag-unlad sa maraming aspeto ng pagkabansa. Sinong estadista ang nagdala sa Athens sa kaunlaran?

a)

Albiciades

b)

Ptolemy

c)

Solon

d)

Pericles

9.

9. Ang polis na ito ay nagpairal ng Oligarkiyang pamahalaan at kinilalang estadong militar.

a)

Sparta

b)

Phrygia

c)

Thrace

d)

Laconia

10.

Ang Digmaang hinarap ng Greece sa pangunguna ng dalawang makapangyarihang polis at naganap sa tatlong pagkakataon.

a)

Peloponnesian

b)

Trojan

c)

Persiano

d)

Macedonian