Font size
WorksheetsNOLI ME TANGERE
Total questions: 35
Worksheet time: 20mins
Ito ang kauna-unahang nobelang inilathala ni Rizal noong siya ay dalawampu’t anim na taong gulang.
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Sa Aking mga Kabata
Mi Ultimo Adios
Alin sa ang hindi kabilang sa mga aklat na inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
Bibliya
Uncle Toms Cabin
The Wondering Jew
Florante at Laura
Ang Noli Me Tangere ay wikang latin na ang salin sa wikang Filipino ay “Huwag mo kong _____” ?
lokohin
kutyain
salingin
dustain
Saang bahagi ng Bibliya hinango ang pagpbibigay ngalan sa Obra Maestrang Noli Me Tangere ni Rizal?
Juan 3:16
Awit 4:13
Juan 20:17
Kawikaan 17:17
Natapos ni Rizal ang kaniyang paglilimbag sa Noli Me Tangere sa?
Madrid
Espanya
Paris
Alemanya
Siya ang tumulong kay Rizal upang maisakatuparan ang paglilimbag ng 2,000 sipi ng akda
Ferdinand Blumentrit
Felix Hidalgo
Rafael Palma
Maximo Viola
Kailan natapos ang paglilimbag ng akda?
Pebrero 21, 1887
Abril 2, 1887
Agosto 20, 1889
Enero 27, 1889
Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng ninanais ni Rizal na makabalik sa Pilipinas gayong may pagbabanta sa kaniyang kaligtasan ang mga Kastila maliban sa?
Dahil sa lumalalang panlalabo ng mata ng kaniyang ina.
Namatay ang kaniyang kuya Paciano
Malaman ang bisa ng kaniyang akda sa mga Pilipino.
Kumustahin si Leonor Rivera.
Ang mga sumusunod ay layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere maliban sa?
Maisakatuparan ang mithiin na magamit ng edukasyon sa pagkakamit ng klayaan at kaunlaran ng bansang Pilipinas
Sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral sa pagkatuto upang magamit sa reyalidad at pagsubok sa buhay.
Mapaalis ang mga mananakop sa Pilipinas higit ang bansang Espanya na sumakop sa Pilipinas sa loob ng 333 taon.
Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod na magiging pinuno at pag-asa ng ating bayan.
Ano ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal?
Jose Protacio Rizal Mercado ‘Y Alonso Realonda
Jose Protacio Mercado Rizal ‘Y Alonso Realonda
Jose Protacio Mercado ‘Y Alonso Rizal Realonda
Jose Protacio rizal ‘Y Mercado Alonso Realonda
Tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kaniyang ama.
Tinyente Guevarra
Alperes
Don Tiburcio
Don Santiago Delos Santos
Paralisadong Espanyol na napangasawa ni Donya Victorina; nagpapanggap na doktor.
Don Santiago Delos Santos
Don Tiburcio
Don Rafael Ibarra
Alfonso Linares
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Naging kaibigan ni Crisostomo Ibarra.
Don Tiburcio
Juan Crisostomo Ibarra
Alfonso Linares
Don Santiago Delos Santos
Nagbigay-alam sa pag-aakusa sa kapatid at kinupkop ng isang pamilya sa isang libis dahil sa kanyang pagkakasakit sa loob ng dalawang buwan.
Sisa
Crispin
Pedro
Basilio
Tagapagligtas ni Ibarra sa mga tangkang kapahamakan na nagtatago sa batas.
Elias
Lucas
Bruno
Pedro
Isang Pilipinang nagpapanggap bilang taga-Europa na nagnais makapangasawa ng dayuhan kaya’t napangasawa si Don Tiburcio.
Doña Consolacion
Tiya Isabel
Doña Victorina
Pia Alba
Isang “baliw” para sa mga di nakapag-aral at “pilosopo” para sa mga edukado.
Don Santiago Delos Santos
Pilosopo Tasyo
Don Tiburcio
Don Rafael Ibarra
Dating labandera na napangasawa ng Alperes; mahilig magwika ng Espanyol kahit mali-mali.
Tiya Isabel
Doña Consolacion
Doña Victorina
Sinang
Paring Pransiskano na dating kura paroko ng San Diego.
Padre Damaso Verdolagas
Padre Bernardo Salvi
Padre Camora
Padre Sibyla
Isa sa mga matalik na kaibigan at pinsan ni Maria Clara.
Sinang
Maria
Crispin
Lucas
Si Narcisa ay nagpasulat ng isang tula kay Jose Rizal para sa nalalapit na kaarawan ni Antonio na kanyang asawa. Anong titulo ng tula ang sinulat ni Jose Rizal upang tupdin ang kahilingan ng kapatid?
Himno sa Paggawa
Porla Educacion Recibe Lustre La Patria
La Tragedia De San Estaquio
Sobre la Indolencia De Los Filipinos
Batay sa pag-aaral ay may pangatlong nobela si Rizal ngunit hindi niya ito natapos dahil siya’y pinarusahan ng kamatayan sa Bagumbayan ssa kautusan ng mga prayle at sa ilalim ng pamahalaang Espanya. Anong titulo ng pangatlong nobela ni Rizal ang kanyang naumpisahan?
Sa Aking Mga Kabata
Makamisa
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Ito ay tungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus habang patungo sa lupain ngGolgota. Siya ay pinarusahan namaglalakad sa buong mundo nang walang pagtigil. Anong akda ang nabasa ni Jose na nakaimpluwensiya sa kanyang pagsulat ng nobela.
Ala Juventud Filipina
Uncle Tom’s Cabin
The Wandering Jew
Bibliya
Si Juan ay isang OFW at masipag sa kanyang trabaho kayat isa siyang inspirasyon ng maraming Pilipino. Anong akda ni Jose Rizal ang naglalahad na ang mga Pilipino ay hindi tamad?
Sa Mga Kababayang Dalaga ng Malolos
Porla Educacion Recibe Lustre La Patria
Sobre la Indolencia De Los Filipinos
Ang Awit ni Maria Clara
Kahit mahirap ang sitwasyon dahil sa Covid 19 ay hindi pa rin pinababayaan ni Jose ang kanyang pag-aaral sapagkat ayon sa kanyang ama ang edukasyon ang makapagpapabago sa takbo ng buhay ng tao. Anong panitikan ang sinulat ni Jose Rizal na nagbibigay pagpapahalaga sa edukasyon?
Sa Mga Kababayang Dalaga ng Malolos
Porla Educacion Recibe Lustre La Patria
Sobre la Indolencia De Los Filipinos
La Tragedia De San Estaquio
Si Francisco Mercado na ama ni Pepe ay nakapag-aral sa Colegio de San Jose sa Maynila at kumuha ng kursong Latin at Filosopiya.
Tama
Mali
Naipamalas ni Jose Rizal ang kanyang katalinuhan at tatento pagsulat ng literature, papipinta at paglililok sa Ateneo Municipal De Manila
Tama
Mali
Si Rizal ay lubos na tinulungan ng kanyang mga kababayan o mga illustrados sa kanyang mga hangarin sa bayan.
Tama
Mali
Nais ni Jose Rizal na kumuha ng kursong pag-aabogado ngunit pinayuhan siya ng kanyang ama na magmedesina (Ophthalmologist) upang malunasan ang katarata ng kanyang ina.
Tama
Mali
Batid ng mga magulang ni Jose Rizal ang pag-alis niya sa bansa sakay ng barkong Salvadora kaya’t pinabaunan siya ng 700.00 piso upang tustusan ang kanyang pag-aaral
Tama
Mali
Tukuyin kung anong bahagi sa pabalat ng Noli ang isinasaad sa pahayag:
Tumutukoy sa kapangyarihan ng kolonyalisasyong umaabuso sa karapatang pantao.
(a)
Tukuyin kung anong bahagi sa pabalat ng Noli ang isinasaad sa pahayag:
Kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan.
(a)
Tukuyin kung anong bahagi sa pabalat ng Noli ang isinasaad sa pahayag:
Patunay na alam ni Rizal na siya ay kabilang sa kapanahunan na kaniyang inilarawan.
(a)
Tukuyin kung anong bahagi sa pabalat ng Noli ang isinasaad sa pahayag:
May kakayahang sumunod sa sikat ng araw na siyang ninais din ni Rizal na ating gawin.
(a)
Tukuyin kung anong bahagi sa pabalat ng Noli ang isinasaad sa pahayag:
Lugar na nagpapatunay ng kayamanan ng isang lungsod sa mga materyales ukol sa Pilipinas.
(a)
