wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GLOBALISASYON

Total questions: 10

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito MALIBAN sa isa. Ano ito?

a)

Ekonomikal

b)

Teknolohikal

c)

Sosyo-kultural

d)

Sikolohikal

2.

Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?

a)

Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.

b)

Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.

c)

Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.

d)

Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machine (ATM).

3.

Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?

a)

Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.

b)

Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.

c)

Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.

d)

Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.

4.

Ang malawak na impormasyon ay isang sangkap ng globalisasyon, alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag tungkol dito ?

a)

Pagtatayo ng mga gusaling pang negosyo sa iba't ibang bansa.

b)

Pagkatuto sa mga bagong kaalaman sa edukasyon, politika, kalusugan, ekonomiya atbp.

c)

Pagtaas ng GNP at GDP ng mga bansa dulot ng malawak na pakikipagkalakalan.

d)

Pagkakaroon ng higit na "export" kaysa sa "import" na may mabuting dulot sa ekonimiya ng bansa.

5.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng globalisasyon sa kultura ?

a)

Pagtangkilik sa sariling produkto ng bansa

b)

Paglitaw ng mga makabagong kasuotan

c)

Pagdiriwang ng mga makabayang okasyon

d)

Paglalagay ng mga paalala sa mga kalye o lansangan

6.

Bakit maituturing na Kontemporaryong isyu ang globalisasyon?

a)

Sapagkat kailangan ito ng lahat ng tao daigdig.

b)

Dahil binago, binabago at hinahamon nito ang pamumuhay ng mga tao at mga institusyon sa daigdig.

c)

Nakapagbibigay ito ng malaking problema sa mga tao sa araw araw na pamumuhay.

d)

Patuloy nitong pinabibilis ang buhay sa mundo sa iba't ibang larangan sa mga nakalipas na panahon.

7.

Ano ang tawag sa proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig

a)

Digital Age

b)

Globalisasyon

c)

Renaissance

d)

Pagbabagong Teknolohikal

8.

Kung minsan napipilitan ang gobyerno na ibaba ang buwis sa mga dayuhang kompanya sa Pilipinas sapagkat _______.

a)

May malawak na kompetisyon ng pamilihan sa bansa sa dahil sa dami ng nagsulputang kompanya.

b)

Lumalago ang mga produktong imported sa bansa dulot ng magandang kalidad nito.

c)

Nangangamba na ilipat ng mga dayuhan ang kanilang kompanya sa ibang bansa.

d)

Malaki ang kita ng mga kompanya dito sa ating bansa.

9.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali sa konsepto ng globalisasyon?

a)

exportation ng mga produkto

b)

pag-usbong ng OFW sa Pilipinas

c)

pagkatuklas ng gasolina sa Palawan

d)

pagkahilig ng mga mag-aaral sa Kpop at Kdrama

10.

Ang sumusunod ay negatibong epekto ng globalisasyon, MALIBAN sa_____.

a)

A. paghina ng lokal na industriya

b)

B. pagkalimot sa sariling kultura

c)

C. pagkilala sa kultura ng iba

d)

D. paglaganap ng cyber crime